5

21 0 0
                                    

"Ang ganda." - jocel

"Totoo kaya yan?" - angel

"Try mo isangla ng malaman mo." kaswal kong sabi para ipakita sa kanila ang kawalan ko ng interes sa bracelet na pinagkakaguluhan nila.

Andito kame sa paboritong tambayan namen, sa ilalim ng puno. . Hinahantay namen ang pag ring ng bell hudyat na oras na ng klase. Pero bukod don, hinihintay ko den si Gian dumating.

"Eh bat mo isosoli?" nagtatakang tanong saken ni Punks. Kinuha ko naman ang note at pinabasa sa kanila.

"How sweet naman.." kinikilig na sabe ni Jocel.

"Anong sweet jan?" - ako

"Kakaiba kase eh." Tumawa si Jocel.

"Pwe's ako'y naiinis sa sistema niya. Kaya nga isosoli eh."

"Pambihira ka chi," nakapamewang na sabe ni Punks "ayaw mo bang maging boyfriend si Gian?"

"Gusto."

"Gusto pala eh, ba't mo isosoli? Ang linaw linaw naman ng gusto niyang mangyare."

"Naiinsulto nga ako sa way niya ng panliligaw.. Para naman akong cheap kung mapapasagot lang niya ako sa ganyang paraan no."

"Sus ka naman," pinitik ni Punks noo ko "malay mo kung hinde marunong manligaw yung tao. Kung mahiyain o torpe? May nalaman ba tayong niligawan niya ha? Diba't babae ang nanliligaw sa kanya? Baka yun ang alam niyang sistema ng panliligaw."

"Pwe's dapat niya muna matutunan ang tamang sistema."

"Bahala ka," naiiling na sabe ni Punks "kaya lang.... sayang kung palalampasin mo pa to. Pambihira ka talaga. Noon, puro ka daydreaming. Gian... Gian!! Ngayon namang nagkatotoo na pangarap mo, papakipot kapa. Ah ewan!"

"Dame mo naman sinabe." - ako

"Dame mo naman inarte." - punks

"Hiyang hiya naman ako sayo chi, kala mo namang niligawan kaden ni Yuhan nung naging kayo. Pakipot kaden naman non." Nilakihan ko siya ng butas sa ilong.

"Atleast, niligawan paden niya ako sa way na alam niya. Saksi kayong lahat non diba?"

"Basta, isosoli ko to." Bigla kong isinara ang kahon ng bracelet at saktong tumunog na ang bell. "Bat kaya wala pa ang lalaking yon?" Iginagala ko ang tingin sa compound.

"Baka na se-sensed na isosoli mo yan." Sabe ni Punks at inilagay ko na sa bag ang bracelet.

∞∞∞

Nasa loob na kame ng room at nagtuturo na ang prof ng dumating ang F3 syempre isa si Gian don.. Mabaet talaga tatlong to.

Itinuon ko nalang ang isip sa pagkopya sa whiteboard.. Mamayang vacant period ko nalang kakausapin si Gian.

∞∞∞

Gustong gusto ko ng tumayo at iwan si Jocel na hinde pa tapos kumopya sa whiteboard. Bat kase dumadaldal habang nagsusulat? Ayan tuloy inaantay namen siya ni Angel. Tsaka sabay sabay naman talaga kame pumunta sa canteen.

"Pero baket kaya wala si Punks?" Sabe ko sa isip ko. Wala siya sa tabi ko at hinde ko siya napansing lumabas.

"Hinabol si Mrs. Alipin, may nakalimutan daw siyang itanong.." paliwanag ni Angel na napansin atang nakatingen ako sa bakanteng upuan ni Punks. "Sa canteen nalang daw tayo pupuntahan."

At sa wakas, after 12345678 years natapos den sa pagsusulat si Jocel, ang ikli lang naman ng kokopyahin sa board. Hmm. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil masosoli ko na ang bracelet.

∞∞∞

Napaatras naman ako ng pagdating namen sa canteen ay andon na si Punks sa counter at kausap si Gian. Posible kayang sinabe na ni Punks kay Gian? Kabisado ko pa naman kadaldalan ng besprend ko. Umiiling na pumila nalang ako sa counter.

Huling huli ko naman si Gian na nakatingen saken, nakita kong parang lumungkot ang muka niya.. "Sinabe na nga ni Punks." Parang hinde ko tuloy kayang makipagtitigan sa kanya, iginala ko nalang ang tingen sa mga pagkaing nasa counter. "Kakainis ka chi," sabe ko sa isip ko "pakialamera ka talaga."

∞∞∞

Nasa table na kame, magkakasama naman ang F3 sa kabilang table, dati naman magkakasama kame sa iisang table. Emo agad Gian? Pano nakatungo sa table tapos nakatalikod saken habang sila Gian masayang nagkukwentuhan..

"Sinabe mo na no?" Paninita ko ki Punks.

"Ang alin?" Maang ni Punks.

"Alam mo na kung ano, kunyari ka pa." Sinamahan ko ng pagkainis na tono.

"Ok, sinabe ko na nga," pag amin niya saken "ayaw mo ba non? In-spare na kita sa pagharap sa kanya."

Napailing nalang ako. "Anong sabe?"

"Kung isosoli mo daw mamaya ng uwian." Ouch, may isang bahagi ng puso ko ang kumirot. Parang katapusan na ng lahat samen ni Gian ang gagawen ko.

∞∞∞

Sinadya kong magpaiwan sa huling klase, saktong magkakaklase kameng lahat tuwing monday. Nakita kong nagpaiwan den si Gian, kunyari may sinusulat sa cattleya.

"Pano, mauuna na kame chi." Tumango ako bilang sagot, alam ng barkada na hinde na sila kailangan sa eksena namen ni Gian. Pero bago yun, tinapunan muna ng tingen ni Punks si Gian bago umalis.

Binuksan ko naman ang dala kong libro nang umalis na yung tatlo. Nagkunyaring nagbabasa ako. Hinde ako gagawa ng unang hakbang para lapitan si Gian no. . Ang awkward tuloy →_→

Maya maya lang ay narinig ko na ang pag hakbang ni Gian palapit saken. Para namang dumadagundong sa kaba ang dibdib ko, ano bang pakiramdam to??

"Yumi?" Saka lang ako nagtaas ng tingen sa kanya. Nasa harap ko na siya, bakas na bakas ang lungkot sa mga mata niya. "Ang sabe ni Punks--" hinde ko na hinintay matapos ang sasabihen ni Gian. Tsaka ayako magsalita, baka mabasag lang ang tono ng boses ko kung magsasalita ako, at malaman ni Gian na labag sa loob ko ang gagawen kong pagsoli sa bracelet. Kinapa ko na ang kahon ng bracelet sa dakong pinaglagyan ko..

Nagtaka naman ako ng wala akong makapa sa dakong yon. Iniluwang ko naden ang zipper ng bag at hinalungkat ang gamet ko.

Wala. Wala talaga ang kahon ng bracelet!

Lalong lumakas ang kaba ko sa dibdib.. Ibinuhos ko na ang gamet ko sa semento at isa-isang ibinalik sa bag..

Litong napatingen naman ako kay Gian. "Hi-hinde ko maintindihan. Di-dito ko lang yon nilagay kani--" unti-unti namang napangite si Gian. . Alam mo yung ngite ng isang nanalo? Nang-aasar ba to?

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon