7

15 0 0
                                    

Nakahiga ako ngayon at nagiisip, 1month nang umaakto si Gian bilang boyfriend ko. .

Gusto akong ihatid.

Gusto akong sunduin.

Gustong isama.

Gustong ipakilala.

Gusto akong alalahanin.

Pero lahat ng yon tinatanggihan ko kahit labag sa kalooban ko. . Hinde ko kase matanggap na ginipit niya ko para lang maging boyfriend siya.

Ang sarap sana kung naging kame ng pormal, edi sana matitikman ni Gian kung gano ko kasarap. ... . Magmahal at magalala. . Mga T.H naman kayo agad jan, di pa kase tapos..

Kaso dinaan pa niya ko sa mga pagimik gimik niya, hinde naman siguro masama magpaka hard to get diba??

And speaking of gimik, asan na kaya ang lintik na bracelet na yon..

∞∞∞

"Nabasa mo ng nakasulat sa bulletin board?" Excited na tanong ni Angel kinabukasan.

"Hindi pa." Walang gana kong sagot. "Ano ba yon?"

"Magkakaron daw ng valentine's ball." - Jocel

"At pwedeng mag imbita ng outsiders." Dugtong ni Angel.

"Ako hinde magdadala ng ka-partner.. Para pwede ako sa lahat." - jocel

"Kow, sabihen mo wala ka talagang partner.. Ayain mo si Ken. Hahaa!" Tudyo ni Angel sa besprend niya.

"Mabuti pa nga si Yumi, meron na." - jocel

"Sino?"

"Sino pa, edi yung ahem mo."

"Hinde ko ahem yon."

"Pero ikaw, ahem na niya.."

"Kaya nga ipinamumuka ko sa kanya na ilusyon lang niya yon."

"Kung ako sayo, makikisakay na lang ako. Wala ng hassle, trip pa. Diba?" Sabay kindat. Etong si Angel, nagkaboyprend lang dame ng alam -_-

∞∞∞

"Mi date kaba sa Febuary 13, kuya Miko?" Nakakatandang pinsan ko, kapatid ni baklang Kiko.

"Wala, sa 14 meron." Sige lang ng laro sa tablet at hinde ako tinitingnan.

Nasa salas kase kame, nakiki wifi siya kase may diperensya daw ang wifi nila ngayon. . Hmm!

"May valentine's party kase kame sa Feb. 13 eh."

"Oh?"

"Gusto kong umatend. Kaso baka hinde ako payagan ni mami."

"Ngayon?" Baka gusto mo munang ipause ginagawa mo at humarap sa beauty ko >_>

"Alam kong papayagan ako basta kasama kita eh."

"Ano naman mapapala ko don bukod sa pagtatsaperon ko sayo?"

"Ibu-blow out kita sa Saturday. . Sa Mickey's Grill." Isa sa pinakasikat na kainan dito at alam kong paborito niya don.

"Shoot." Sabe ni kuya na napangite pero busy paden sa pagpindot.

"There's one more thing kuya."

"Ano yon?"

"Kapag andon na tayo hinde kita tatawaging kuya. Tsaka di mo ipagsasabing magpinsan tayo."

"In short?"

"Palabasin nateng nililigawan mo ko."

"Ikaw na may gustong pagselosin." At saka lang ho siya tumingen saken. Muka bang interesting sinabe ko. Hmm!

"Uhm. Sort of!" Pangiteng pilet na sabe ko sa kanya.

"That will cost you an additional take-home order.."

"Shoot."

∞∞∞

Dahil matalino ako, andito ako sa library ngayon, 12pm palang at hinihintay ko ang barkada. . Panghapon ang pasok namen ngayon at 1:30 ang simula ng klase.

At papasok palang si Gian naispatan ko na agad siya.. Gumala ang tingen ni Gian at ngumite ng makita ako, ibinalik ko naman ang tingen sa binabasa kong libro..

"Pwedeng makiupo?"

Saglit lang ako nagtaas ng tingen sa kanya at ibinalik ang tingen sa libro. "Hinde naman aken yan." Naupo naman si Gian at kumuha den ng libro at nagbasa..

Ilang segundo den kameng walang kibuan.. Alam ko den na wala talagang totoong nagbabasa samen kundi nagpapakiramdaman kame pareho..

In 3,2,1 "Yumi..." Oh diba? Tumingen naman ako sa kanya. "Alam mo ba yung gaganaping valentine ball?" Tumango ako. "I've been thinking--"

"Gusto mo kong ka-partner, ganon?"

"Y-yes.."

"May nauna na sayo." Ang taray lang ng mga sagot ko diba? Ilevel up pa naten para happy. Napaamang naman siya. "Hinde mo kilala dahil hinde siya tagarito." Level 1.

"B-but--"

"Alam kong iniisip mo, na dahil palagay mo na tayo, na dapat ikaw ang samahan mo?" Bahagyang napatango naman siya. Level 2. "Well, let me tell you this Mr. Gian Ayala... ikaw lang nagpapalagay na tayo. For me, its very absurd. And you are absurd!" Ouch! Natigalgal lang siya at titig na titig saken. Level 3. "Kapag naman hinde mo pa nakuha ang ibig kong sabihen, talaga namang napakabobo mo." Tumunog ang bell sa ibabaw ng counter, pagtingen ko naman sumesenyas ang librarian na wag akong maingay. Napahiyang dinampot ko naman ang gamet ko at padarag na iniwan si Gian.. Madame na palang nakatingen saken. . Masamang tingen >___> si Gian lang ho naman kase ang sinabihan ko >___< eeeh bahala kayo! And that's my level 4. So harsh >____<

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon