22

49 0 0
                                    

Isagad niyo nang lahat. .. Last na to ^__^

Tulad ng sabe ko, mas bet na bet ko pag comment ;))

Yowns.

P.S: Credit nga pala kay MarThel yung cover ng story na to. Thanks thanks

© AkoOtcho

∞∞∞∞∞∞∞∞

Ang mami ni Gian ang nagpatuloy saken sa kanila kahit may mga katulong naman sila. Siya den ang naghatid saken kung asan si Gian.

Mukang mabait ang mami niya dahil tuwang tuwa pa nga saken nung nagpakilala ako. . Tantiya ko mas matanda lang ng isang taon mami niya sa mami ko. .

"So, you are Yumi?" Nakangiteng sabe niya habang papasok kame sa salas nila. At mas malaki ang bahay nila kesa samen.

"Kilala niyo po ako?"

"Paanong hinde, madalas kang nakukwento ng anak ko. Bukang bibig ka niya iha. Saka tinutukso siya madalas ng kapatid niya. Dead na dead daw sayo kuya niya." Para namang napahiya ako sa kwento ng mami niya. Napaka straight magsalita. Para deng sa bahay ang lagay ni Gian, samen ay si Kikai ang nang aasar saken. Ang kinaiba lang ay boto saken mami niya.

Samen ay badshot si Gian kay mami at dadi.

Napabuntong hininga naman ako ng lalapit na kay Gian na nasa swing. Once and for all maglilinawan kameng dalawa. Para magkahiwalay man kameng dalawa ng landas ay nagkaintindihan kame.

Nakatalikod siya at parang nakatanaw sa wala. . Iniwan naden ako ng mami niya.

Kinakabahang lumapit naman ako sa kanya. "K-kumusta ka na?" Kabog! Kabog! Kabog! Bumibilis tibok ng puso ko.

Napatingen naman siya saken. Napangite siya ng onti ng makita ako pero bigla den niyang binawe.

"Heto... nabuhay paden!" So gusto mo talagang magpakamatay ha?

Naupo naman ako sa isa pang swing at bahagyang nag-sway ito. Napatingen naman saken si Gian. Tingen na parang gustong manumbat. "N-naaksidente ka lang ba na pinulikat noon o sinadya mong--"

"Importante ba sayo yon?" Matigas na tanong niya. "Ano naman sayo ngayon? Wala ka namang panahon sa iba dahil all eyed ka dun sa kasama mo." Madiin na pagkakasabe niya.

"Si kuya Miko?..... pinsan ko." Kumunot ang noo niya. "Gumaganti lang ako kaya sinabe kong manliligaw ko siya."

"Pero baket?" Tumayo at lumuhod siya saken.

"Nasaktan ako sa ginawa mo."

"Ano bang ginawa ko?" Litong tanong niya. "Ang alam ko pinagreserba lang kita ng upuan sa bus."

Umiling ako. "Hinde yon. Yung kay Sabrina."

"Pinaupo ko lang siya sa tabi ko nang malaman kong hinde ka tatabi saken. Ayako namang magmukang tanga na reserba ng reserba tas wala naman pala."

"Nung makita tayo ni mami... nung hinatid mo ako.... nasamen pala si Sabrina." Pagkukwento ko para maliwanagan si Gian.

"Ano namang ginawa niya sa inyo?"

"Nakikiusap sa mami ko na pakiusapan akong layuan ka." So desperate girl.

"At baket niya gagawen yon?" Takang tanong niya.

"Kahit ako... ganon gagawen ko kapag mahal ko boyfriend ko."

"O e, hinde naman kame ah?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here In My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon