-CATHRENE POINT OF VIEW-
Ang aga ko sa school ngayon. Naalala ko pa dati maaga lang kaming pumapasok ng bestfriend ko para lang mag-aral sa library. Pero ngayun, di ko alam kung interesado pa siyang maging kaibigan ako.
Dumeretso ko sa cafe ng school. Wala pang masyadong tao pero may nga kasama na rin ako dito sa cafe, siguro mga higher level na toh.
Nagcheck nalang ako sa phone ko. Di talaga ko makapaniwala na siya yung bestfriend ko na nerd dati. Alam ko namang hindi sya nagparetoke. Pero grabe talaga ibang iba naman pinagbago niya. May balak parin kaya siyang maging kaibigan ako? Hays.
She's still my bestfriend. Bata palang kami magkakaibigan na kami tapos ngayun paba kami maghihiwalay? Dami na naming nalagpasan eh. Kahit na hindi na siya interesado maging kaibigan ko, ako mismo mamimilit sakanya.
Patagal ng patagal, padami ng padami rin naman ng studyante dito. Tinignan ko ung relo ko at malapit na pala magtime. Bumalik nakong room at madami na agad tao. Umupo nalang ako sa upuan ko.
"Hi cathrene!" sabi ni Aivan na katropa ni Brith. Pacute masyado pwe.
"Hello. Saya mo ata ngayon huh?" Ngumiti lang siya tas lumapit sakin. Napaatras naman ako.
"Bakit? Tinitignan mo ba mga ibig sabihin ng ngiti ko?" Para siyang tanga sa totoo lang. Umupo siya sa arm ng chair ko.
"Oo pogi mo nga eh" nag smirk ako sakanya. Napag-isipan ko kasing tumayo para matumba siya sa upuan.
"That's my girl" hinawakan nya baba jo tsaka chinin-up ako. Nag smirk ako ng mag nakaka-attract. Pagkatapos ko siya naattract tumayo na agad ako dahilan ng pagkahulog niya.
"Hahahahaha. That's your girl" nag flip ako ng hair sabay tumalikod na. Nagulat ako nung nakita ko si Zshai sa pinto na papasok na sa room. Halatang nagulat din siya sakin dahil din siguro sa reaksiyon ko.
Pumasok na siya at pumunta sa upuan niya. Nasa likod lang pa naman ako ng upuan niya. Lumapit na rin ako sa upuan ko at inayos na ito.
"Huy tumayo ka na nga jan. Ang arte! Pwet lang yan malayo yan sa lalamunan aivan." Pinipigilan ko nalang tawa ko dahil sa itsura ni Aivan. Hahahahaha.
"Anong nangyari dito?" nagulat ako nung nagsalita siya mula sa harapan ko.
"Ah nadulas pwet nya sa upuan ko" pagsisinungaling ko. Pwede na siguro yon. Hahahaha.
"Umayos na kayo. May mga subject teachers na ngayon" ang taray niya na talaga ngayon. Kahit simple lang siyang nagsasalita na ganyan feel ko sobrang nakakatakot siya sa pagiging mataray niya.
"HI BABE ZSHAI!" Okay jan asar na asar si Zshai hahahahaha kanino paba? Edi kay brith!
Huminga ng malalim si Zshai at nilingon niya si Brith "Oh ano nanaman?" Pagsusungit na sabi ni Zshai. Kahit nagsusungitan silang dalawa ang cute parin nila para sakin. Hahahahaha.
"Wala sabi ko ang ganda ganda mo" sabi naman ni Brith kay Zshai. Hay talaga naman! Pag ibig.. Opps! Na irapzoned si brith. Hahahaha.
"Goodmorning class!" anjan na pala si ms. Gamao. Adviser namin siya.
"Nabanggit ko naman na sainyo na mamaya ay mamemeet nyo na mga subject teachers nyo. Dahil jan ibibigay ko sainyo ang time ko na maging break nyo para lang makahanda kayo mamaya. Okay?" Ang bait niya talaga shet!
"Okay na okay mam!!"
"Mam palagi namin mamemeet subject teachers namin edi araw-araw break namin sa subject nyo? Woooo!!!" sabi ni Aivan. Srsly?! May utak ba sya.
"Hush! Hush! You may take your break." Lumabas na agad si mam. Gamao pati narin mga kaklase ko. Kaming dalawa nalang pala ni Zshai dito.
"Ahm.. Zshai" napalingon siya sakin dahil sa bigla kong pagsalita.
"Cathrene?" halatang nagtataka siya sa pagtawag ko sakanya. Siguro akala nya nobody siya para sakin.
"Zshai natatandaan mo paba ko?" Tanong ko.
"Oo naman. You're still my bestfriend noh! Hinihintay lang kita na maalala ko. Baka kasi mapahiya lang ako eh. Ang ganda mo" nagulat ako sa paguugali niya simula nung tinanong ko sakanya yon. Shet naspeechless ako
"Omg. Hahahaha! Parehas tayong naghihintayan you know? Sus mas kabog naman ang beauty mo!" Tumawa lang siya at nagbblush. Di ba siya sanay masabihan n maganda ngayon? Ganda nya eh.
Nagkkwentuhan kami habang papunta sa canteen. Halos lahat ng tao nadadaanan namin nakatingin samin. Ganyan naba kalakas ang power n beauty namin?
"Dahil nagbalik ang tambalan natin. Kelangan natin magselfie!" tumawa siya at nagpose lang. Nagselfie kami ng nagselfie at nilagay agad toh sa ig ko. Pero natigil din an lahat sa biglang may mga epal na dumating.
"Hi girls!" sabi ni Brith. Tumingin ako sa part ni Aivan pero nagulat ako dahil sa pagkakindat nya sakin. Ew.
Inirapan lang namin ni Zshai silang magkakatropa.
"Order lang kami ah. Tara pre" umalis sila brith at aivan.
"Shet Cathrene" nadinig kong bulong ni Zshai. Nagbblush sya parang nagtatago. Anong meron?
"What's the problem?" Tanong ko sakanya. Bigla nalang gumanon.
"Tignan mo yung padating" kinikilig siya. Hala ang arte ng bestfriend ko! Hahahahaha so gay.
"Ang bakla mo gay! Ganda ganda mo nagpapakatorpe ka jan sa lalake na yan!" Hala kinikilig talaga siya. Hahahahahhaha.
"Hala shet shet kyah! Malapit lang sila satiiin" kinikilig siya.... Pero sana naman hindi nangungurot!!
"Ouccch! Gay naman eh. Di ko deserve ang sugat" nagbblush siya pero nung may humarang sa view niya kay Liance kumunot noo nya.
"Badtrip" sabi nya.
"Badview" sabi ko. napatingin sya sakin ng walang reaksyon. Kumain na kqmi at nagkwentuhan tungkol sa nakaraan. Pabalik na kami sa room.
"Zschai simula ngayun tawagan na natin 'gay' ha" mejo nagtaka siya. Eh bat ba? Trip ko.
"Gay? H-hindi ako bakla" shet di ko maiwasan tumawa. Hahahaha.
"Hindi naman na meaning is bakla ka. Gusto ko lang ganun tawagan natin. Got that?" Mejo sumang-ayon sya sa call sign namin. Eh nabubulol kaya ko sa pangalan niya.
"Ah okay gay" nagwink sya sakin. Is she trying to seduce me? Fck. Hahhaha. Kahit babae ako gandang ganda ko sa bestfriend ko. Ay shet tomboy naba ko?! Oh please no. Ow so OA.
"Yep gay" hinug ko sya at halata namang nabigla siya at nung tumagal na kayakap ko siya niyakap niya na rin ako.
Gay my bestfriend of my life. Dahil jan sulat agad ako sa diary ko ng lahat ng nangyari ngayung araw. Sarap sa feeling na nagbalik na ung napakamatalik mong kaibigan.
-------------------------
AUTHOR: Hi guys. Sorry dun sa iba kong chapter na hindi sunod-sunod. Eh kasi sa inbox ko madaming pending eh akala ko naman pag inuna mo yun ipublish un na yung unang lalabas sa chapters kaya ayun. Sarreh gays! Sarreh.So eto po nasaniban nanaman ng kasipagan mag-update~ ajujuju
BINABASA MO ANG
Nerd princess turns to Campus princess
Dla nastolatkówNERD isang tao na walang kataste taste, laging suot ang long socks nya., laging naka-salamin, makapal ang kilay, di sumasama sa gala, lalapitan lang sya tuwing may kelangan, walang ginawa kundi mag-aral, walang ibang hawak kundi libro at kalait-la...