CHAPTER 34.5

87K 2.1K 14
                                    

" Oh ayan na pala eh." Napatingin ang lahat sa pinto nang gym... dumilim ang mukha ni James pagkakita dito.

Lumapit ito sa kanila...

" Guys kilala niyo naman siguro siya diba?... siya ang papalit kay tyron...actually matagal ko na siyang pinipilit sumali pero ewan ko kung bakit ayaw niya pero ngayon pumayag na siya.. welcome niyo si Andrew team..siya ang magiging bago niyong teammate..." sabi ng coach

"Welcome andrew" sabi ng lahat except James.

" Welcome Andrew... ibang klase ka sinama mo pa si princess.." sabi ni brian na pinalo pa ito sa balikat.

" Kailangan ko ng magche'cheer sakin eh..ahaha tara chels upo ka muna dun.."

He guides chelsy sa isang upuan at lahat ng mata ng members ng pep squad sakanya nakatingin nandun syempre si Julia na masama nanaman ang tingin sa kanya.

" Ikaw talaga Andrew..bakit hindi mo sinabing dito tayo pupunta kainis ka..." nagpasama kasi to sakanya at pag sakay nila ng shuttle dito sila bumaba sa gym.

Tumawa lang si andrew at umalis na para magpractice.

Nagumpisa ng magpractice ang team..hindi pa man nagtatagal nag kakainitin na si James at Andrew....

Actually si James talaga ang mainit hindi si Andrew.. pag hawak ni Andrew ang bola ginagawa ni James lahat para agawin ito.. hinati sa dalawa ang team  kaya magkalaban silang dalawa. 

Wistle prrrrtttttt

"Break muna."coach shouts.

Tumakbo papunta kay chelsy si Andrew at Brian.

"Ang galing mo pala maglaro Andrew akalain mo yun... samantalang dati mukha kang matutumba pag inihipan ka.. ahahaha" natawa ng malakas si Brian sa sinabi ni Chelsy.

" Ganun ha....ganun..."

" Aaayyy...Andrew ano ba pawis ka.."inakbayan ni Andrew si Chelsy na parang sinasakal.

Samantalang si James malayo ng kaunti ang inuupan...nakayuko ito at nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at patingin-tingin ito kila chelsy sa gilid ng mata nito.

Kinuha ni Chelsy ang isang patato chips at binuksan niya ito.

" Gusto niyo guys." Alok niya

"Madumi kamay ko chels subuan mo ako." Sabi ni andrew na nakatayo sa harap ni chelsy. At ngumanga

Kumuha naman si chelsy ng isa at sinubo dito.

" Ang arte mo Andrew.." Reklamo ni Brian.

"Inggit ka lang."

" Oh Brian tikman mo masarap." Brian smiles widely at tinanggap ang sinubo ni chelsy.

" Kunyari kapa gusto mo lang din pala magpasubo." Sinusubuan ni chelsy ang dalawa.

" Hoy kayong dalawa abuso na kayo...may taga subo pa kayo.. penge nga niyan chels." Sabi ni steve at kinuha ang chips at kinain ng team.

" Hoy amin yan." Angal ni Brian nang kinakain na ng lahat ang chips at parang wala ng balak ibalik.

" Aargghh.......halika na laro na uli."nahilamos ni James ang kamay niya sa mukha niya sabay tayo at inaya na ang team.

" Sige chels game na daw uli sabi ni kapitan boom.." tawanan ang lahat sa sinabi ni Andrew pati si chelsy natawa dito .

Tumingin lang ng masama si James sa kanila kaya tumigil sila sa pagtawa..

Ang pep squad si chelsy naman ang topic....

" Ang ganda talaga ni chelsy no..effort less walang make pero ang ganda parin."sabi ng leader nila.

"Ang swerte niya close sila sa mga heartthrobs sa buong varsity....samantalang ako kahit isang tingin hindi man lang matapunan ng tingin."sabi naman ng isa.

"Mukha kasi siyang anghel.... tignan mo si Andrew 2years na yan dito nakita mo ba yan ganyan kasaya diba hindi....nung naging close sila ni chelsy lagi ng nakangiti, si Brian na may pagka suplado iba na din...si James naman nagbago din..kaso nung nagbreak sila bumalik sa dating ugali parang lumala pa nga."sabi ng leader

"Mukha siyang angel but she's a whore..that's why James broke up with her... may relasyon sila ni Andrew. .. tinutuhog niya ang tatlo.." Julia said

" I doubt...." sabi ng leader at tumayo ito pupuntahan si chelsy..

" Hi Chelsy. " bati nito.

" Hi" chelsy greets her back and smiles sweetly. ..

" I'm bianca." She says while extending her hand and chelsy shook it.

" Alam mo matagal na kitang nakikita and i like you... you know how to dance."

" Ha?" Takang tanong ni Chelsy.

" okay..sali ka sa pep squad.." diretsong sabi nito.

" Ha?oh  I'm sorry sa mga sagot ko puro ako ha...ako isasali mo.?"

" Yeah!! you're perfect siguradong mas lalong lalakas ang grupo pagsumali ka.." she said while smiling

"I'm sorry bianca...I can't medyo busy kasi ako sa studies eh..baka hindi ko kayanin... tsaka hindi ako mahilig sa ganyan eh."

" Tsk...sayang naman but please pagisipan mo ah."

" Okay sige"

Habang naguusap si chelsy and bianca nagkakainitan lalo si Andrew and James....

Habang na kay James ang bola naagaw ni Andrew.

Andrew defenses the ball, kakailag ni Andrew para hindi maagawa ang bola  hindi sinasadyang nasiko niya si James...

Biglang naginit ang ulo ni James at tinulak ito..

" Nananadya kaba.?" James said furiously

" Hey! Hey! Relax...masyado ka mainit kanina kapa...ikaw ang nananadya eh."sagot ni andrew ni tinaas pa ang isang kamay at isang kamay nakahawak sa bola.

" Ako ang nananadya? Ako ang may kasalanan ha?GAGO KA PALA EH!!!!" BOOOGGGGHHHSSS

Sabay suntok kay andrew, nagulat ang lahat sa  ginawa ni James...

"Anong problema mo?!!" Sigaw ni andrew.

Na agad namang gumanti ng suntok...pilit naman silang inawat pero ayaw paawat ni James.... na tuwing makakawala sa pagkakahawak sakanya sinusugod si Andrew.

Patakbong lumapit si Chelsy para umawat din..

" Andrew tama na!!James tama na nga....sabing TAMA NA!!!" Sigaw ni chelsy at tinulak si James sa dibdib....

" Tumigil kana James..... napaka war freak mo... ano bang problema mo lagi mong pinag-iinitan si Andrew." Sigaw ni Chelsy pero walang sinabi si James umalis nalang ito at naiwan silang lahat..

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon