CHAPTER 41

101K 2.1K 37
                                    

Kakauwi lang din nila James mula sa pagmamalling kasama si Jelian.

"Oh nandiyan na pala kayo. kumusta ang pamamasyal niyo?" Mrs. Isabelle said

" Fine tita, nagmalling kami, nanood ng movie with Chelsy and Brian." Jelian said

"Kasama niyo sila?"

"Nagkita lang po kami sa mall."

"Ah okay. Nag dinner na ba kayo?"

"Tapos na tita."

"Sige na hija, go to your room na, just take a rest." Nagsmile lang ito at umakyat na.

Kila James tumuloy si Jelian, dahil tumawag din ang mommy nito, pinakiusapan ang mommy ni James na sila na bahala kay Jelian habang nasa Pilipinas ito.

At sinabihan din siya ng mommy niya na ipasyal si Jelian, kanina pa ito nag-aaya, kaya nasa mall sila kanina.

Umupo sa tabi ni James ang mommy niya na nakaupo sa sofa.

"Problem son? lately parang lagi kang may iniisip."

"Nothing mom, I'll go upstairs na, I feel tired." Tumayo na ito at aakyat na.

"James, we invited Mr. And Mrs. Sebastian para mag celebrate ng New Year's eve dito satin." Sabi ni Mrs. Isabelle at lumingon sa kanya si James.

" Ano po sabi?" James asked

"Okay daw." Tumango lang si James at patakbo ng umakyat.

***********

New Year's eve

"Hello everyone! happy new year in advance." Sigaw ni Cassie pagpasok sa bahay nila James.

Nandoon na ang lahat, pero wala pa sila Chelsy. Nasa living room silang lahat, ang parents lang din nila Cassie ang pumunta.

"Wala pa sila Chelsy?"

"Tingin mo?" Masungit na sabi James.

"Ang sungit! Tama talaga siguro si Chelsy." Cassie said, kumunot ang noo ni James.

"Bakit Cassie ano sabi ni Chelsy?" Mrs.Aragon asked

"Baka daw po nung buntis ka kay James, kain ka ng kain ng hilaw na ampalaya at nagpapapak ka ng coffee powder. ahahaha! kaya masungit si James. "

"Ahahaha! Sinabi niya yun?"Mrs.Aragon asked while laughing out loud, natawa din ang lahat maliban kay James.

"O kaya daw po, hindi mo alam na manganganak kana nahulog si James sa toilet bowl. ahahaha!" lalong natawa ang lahat.

Kinwento kasi ni Chelsy kay Cassie ang nangyari sa paglabas nila ni Brian, kinulit siya nito na mag kwento.

Natigil ang pagtawa nila sa pagdating nila Chelsy. Pinagbuksan sila ng dalagitang anak ng katulong nila James.

"Oh hi, nandiyan na pala kayo come in."Mrs.Aragon na medyo natatawa parin.

"Mukhang ang saya niyo ah." Chelsy's mom said

" Yes. Actually, your daughter is a topic in our conversation." Sabi nito na natatawa parin.

" Ako po?" Chelsy asked

"Alam mo hija, hindi naman ako nagpapapak ng coffee powder at mas lalong hindi nahulog sa toilet bowl si James. ahahaha!" Namula si Chelsy at hiyang hiya, tinignan niya ng masama si Cassie dahil alam niyang ito ang nagsabi.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon