" Okay class, dismiss." Pagkasabi ng professor mabilis pa sa ala una ang kilos ni James.
Tumayo agad ito at mabilis na lumabas ng classroom, kahit ang pagtawag ni Kevin hindi na nito pinansin.
Tumakbo si James pababa ng building para pumunta ng cafeteria.
Pagdating niya ng cafeteria dumaan siya sa kabilang pinto, umiwas siya sa table nila at tumuloy sa counter.
" Hi James!" Bati ng babae at nagsmile naman si James.
" Oh my!!!!! did you see that? he smiled at me." Kilig na kilig na sabi ni ng babae.
Hindi naman kasi ni James gawain ang ngumiti sa bumabati sa kanya, simangot pwede pa.
" Hi girls, pwedeng ako muna?" Ani James, sabay kindat sa babaeng nasa unahan ng pila para um-order ng pagkain.
Nanglaki ang mata ng babae at napaawang ang bibig.
" Oh my god! kinindatan niya ako! kinindatan niya ako!! I'm gonna dieeee..!!!!" Sabi ng babae na umaaktong hihimatayin.
" Miss, beef caldereta, beef salpicao, buffallo wings, tempura, fruit salad, 4 cups of rice, mix fresh fruits, harvest salad and cream burlee, for take out please. " James said
*****
Dahil namamaga at masakit parin ang paa ni Chelsy hindi siya nakapasok, kaya ngayon magisa siya sa cabin.
" Medyo gutom na ako, paano ako nito kakain?ano kakainin ko?" Saglit na nagisip si Chelsy.
" Noodles na nga lang." She said
Tumayo siya kahit hirap pinipilit niyang kumilos, nagpunta siya ng kitchen at kumuha ng cup noodles, habang nilalagyan niya ng hot water sa electric thermo...
" Anong ginagawa mo?"
" Ouchh!! Ouchh!!" Sa gulat niya naalis sa pwesto ang cup noodles kaya sa kamay niya nabuhos ang hot water.
" What happen? Ano ba chelsy? bakit ba napaka clumsy mo? Pwede ba bawasan mo naman ang clumsiness mo, baka sa susunod mas malala na ang mangyari sayo."
" James, ginulat mo ako.. bigla-bigla ka nalang sumusulpot eh." She said at binawi ang kamay kay James na hinawakan nito.
" Wait, bakit hindi ka umupo lang?" He asked at tinignan siya ng masama.
" Hindi pwedeng nakaupo lang ako, may mga needs ako na dapat kong gawin."
" Bawal ngang ilakad yan ng ilakad, ang tigas ng ulo mo."
" Wow!! Sayo pa talaga nang galing ang salitang yan ah." Chelsy said sarcastically and grinned.
" Tumigil ka, patingin nga ng paa mo." Umupo ito para tignan ang paa nito.
" Chelsy you need to go to the clinic, magang maga na to eh." He said, worried.
" Hinilot mo na yan diba?"
" Hindi naman ako marunong talaga, mukhang malala ang sprain mo eh."
" Okay fine, bukas nalang pag hindi pa gumaling, I'll go na, ano bang ginagawa mo dito pala?" She asked
" Dinalhan lang kita ng pagkain." Napaawang ang bibig ni Chelsy sa narinig niya. Na touch naman siya doon at napatingin sa pagkain na dala nito na nasa table.
" Salamat" She said softly
"Ako na mag-aayos." She said
" No, ako na, umupo ka nalang." James said at inilalayan pa niyang umupo si Chelsy.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]
Teen FictionPaano kung nagkalayo kayo ng taong mahal mo at napuno ng galit ang mga puso niyo para sa isa't-isa because the two of you got the wrong thoughts. After a couple of years nagcross uli ang landas niyo. the handsome young man become a certified heartt...