" Oh come on I heard some--" Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya nang may biglang may pumasok sa pinto. Salubong ang kilay nito na halata ang galit sa ekspresyon ng mukha nito.
"James," Chelsy uttered. Pero bigla na lang siyang napatili ng walang sabi-sabing sinapak ni James ang lalaki na napasalampak sa sahig.
James grabbed her wrist and dragged her out of the Comfort Room. Nang makalayo sila ay pinakawalan nito ang kamay niya at walang sabing iniwan siya nito. Chelsy bewildered by James' action.
**********
Nagulat ang lahat nang pabalibag na buksan ni James ang pinto ng classroom. Pumasok ito at umupo. Sila Vince at Kevin naman ay walang imik na pinagmasdan lang siya.
"Bakit ganun siya? Parang mas lumala ang ugali niya ngayon. Nakakatakot!" Pagbubulungan ng ilang kaklase niya na hindi naman nakaligtas sa pandinig niya.
"James nag-usap na ba kayo ni Chelsy?" Tanong ng classmate niyang babae na isa sa nag-o-organize ng play. He shot her dagger stare. Napayuko ito at binalik ni James ang tingin sa kung saan.
"Kasi 'yong play, James," halos pabulong nitong wika.
"Palitan niyo na ako. I quit," matabang niyang sagot.
"Pero James kas--" a girl couldn't finish her sentence when he threw a murderous stare at her. Hindi na lang ito umimik pa at bumalik na lang sa sariling upuan. Natapos ang klase na lutang ang kanyang utak. Nandoon nga ang katawan niya pero parang nasa kalawakan naman ang utak niya.
Tumayo siya sa namimigat na katawan at lumabas ng classroom. Pero natigilan at nabigla siya nang makita si Chelsy sa labas ng classroom nila. Nakasandal ito sa haligi ng building. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito.
"J-James," atubili nitong usal. Nang makabawi sa siya pagkabigla ay nilagpasan na niya ito pero hindi pa man siya nakakalayo nang hawakan siya ng dalaga sa kamay.
"Let's talk James. Please!" Inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya at malalaking hakabang ang ginawa niya para makalayo dito.
"Kailangan natin pagusapan ang tungkol sa play. Si Potchie kinukulit niya ako malapit na ang play." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Chelsy.
"Yun lang ba? Nag quit na ako, kaya wala nang dahilan para mag-usap tayo." Punong-puno ng pagkadisgusto ang aura ni James.
"James please!" Punong-puno ng pagsusumamo ang boses ni Chesly. Pinagtitingin na rin sila ng mga studyante sa building.
"Ow the goddess of FU naghahabol sa heartthrob ng FU...tsk tsk tsk... Sooo cheap," bigla ang pagsulpot ni Julia sa kung saan at kinawit ang kamay sa braso ni James.
"Julia please lang! Wala akong panahon sa 'yo," ani Chelsy at muling tumingin kay James.
"James please naman oh. Mag-usap tayo ng matino." Chesly pleaded, but James didn't listen. He just turned away from Chelsy.
Habol uli si Chelsy. Oo alam niya nagpapakababa na siya para lang magkalinawan sila. Gusto niya ng malinaw na dahilan kung bakit ito nagkakaganito.
BINABASA MO ANG
I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]
Novela JuvenilPaano kung nagkalayo kayo ng taong mahal mo at napuno ng galit ang mga puso niyo para sa isa't-isa because the two of you got the wrong thoughts. After a couple of years nagcross uli ang landas niyo. the handsome young man become a certified heartt...