CHAPTER 49

94.5K 2.1K 29
                                    


Cafeteria

"Cassie umuwi ba si chelsy? " kevin asked.

"Hindi nga eh..san kaya nagpunta ang dalawang yun? Tinatawagan ko nakapatay phone nila." cassie said

" Tsk tsk baka nagtanan na yun.. " steve said

"Kung ako kay Brian hindi ko na papakawalan si Chelsy. sh*t!! perfect, ang hot pala talaga ni Chelsy no. Nakita ko yung post ng seduction magazine sa page nila na mga picture ni Chelsy. Bibili talaga ako ng magazine na yun." Sabi ng isang kateam.

" Oo nakita ko nga, ang daming magagandang feedbacks tungkol kay Chelsy." Sabi naman ng isa.

Si James walang imik, nagiisip din kung asan yung dalawa. Kagabi pa siya hindi makatulog kakaantay kay Brian pero hindi ito umuwi.

" James bakit ganyan ang mata mo? parang puyat na puyat ka ah?" Celline asked, pero hindi nagsalita si James.

"Kanina pa kayo?" Napatingin ang lahat sa kakarating lang na si Brian, umupo ito na parang ang sigla sigla.

"Kuya saan kayo nang galing ni Chelsy? Asan na siya?" Cassie asked

"Nasa cabin pa siguro, half day nalang daw siya. Tinanghali kami ng gising eh." Nagtinginan ang lahat dito.

" Woah! don't tell us naka score kana kay Chelsy." Steve asked,  nagpanting ang tenga ni James sa narinig na pinanggigilan ang pagkain.

"Umayos ka g*go ka ah! hindi ganung klaseng babae si Chelsy, nirerespeto ko siya." Sabi ni Brian na binato si Steve ng used tissues.

"Ang konti naman ng kinakain niyo, order pa kayo. dessert gusto niyo? ice cream, salad, mix fruits, kuha kayo ng gusto niyo." Sabi ni Brian na parang ang saya.

" Anong meron kuya bakit ang saya mo?" Cassie asked

" Wala.."

"Pwede ba kuya sabihin mo na, binili ka ng new car no?pero hindi ka naman ganyan kasaya nung binili ka ng car eh, ano nga?" Pangungulit ni cassie

"Pumayag na si Chelsy." Brian said, nagtinginan sakanya ang lahat na parang pinapatapos siya pagsasalita.

" Pumayag na siyang ligawan ko siya."

" Eeeehhhhhh!!" tili ng heiresses na pagkalakas lakas lalo na si cassie kaya yung iba nagtakip ng tenga at ang mga tao sa cafeteria nagtinginan sa kanila. ..

"Oh my god kuya! I'm so happy for you."

" O.A mo Cassie! manliligaw palang, akala mo sinagot na. makatili ka." Steve said

"Whatever Steve, pag pumayag ligawan meaning may chance, and soon sasagutin na yan si kuya. I'm happy for you kuya sa wakas magkaka girlfriend kana rin. I feel the celebration's coming out." Masayang masayang sabi ni Cassie.

Pero natigil sila nang biglang tumayo si James na halos hindi na bawasan ang kinain, pero parang minasacre gutay gutay ang pagkain nito.

" Ang insensitive niyo kasi." Singhal ni Kevin dito.

"What's with him nagseselos ba siya? Wala siyang karapatan, remember kung anong ginawa niya kay Chels. tsss... I can't get him?" Sabi ni Cassie.

**********

Paglabas ni James ng building niya para umuwi ng cabin nakita niya si Chelsy. Dahil magkatabi lang ang building nila.

Tumingala si James sa 3rd floor nang building ng architecture kung saan ang classroom ni Brian nakita niya itong nakatingin sa baba na mukhang kakatapos lang din ng klase..umalis si Brian na mukhang bababa na...

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon