Chapter 2

63 17 3
                                    

Chapter 2: Violin

Rain Garcia's POV

Mahimbing akong natutulog nang may maramdaman akong kiliti sa aking paa, ano ba yan nakakainis naman to inaantok pa ako. Maya na!

Singhal ko mula sa akin isipan.

"Ate! Gumising kana, hinahanap na tayo sa tinitindahang pwesto ni mama. Tayo muna ang mag babantay dahil may a-asikasuhin pa itong mga papeles" ang paliwanag ni Blass sabay kiliti sa paa ko.

" Ikaw na muna! inaantok pa ako" pagod kong suhestyon sa kanya. Feeling ko talaga sa sobrang pag-kakatayo kahapon ay mag kaka-4pack abs nato ang mga binti ko.

Matapos kasi akong mag bihis ay nag pasalamat na ako sa kanya at inaya ako nitong kumain. Syempre pumayag naman ako kase 'sya naman talaga ang sumagi sa dala kong tray ng pagkain kay ito nag ka tumba-tumba. Hindi ko na napag-alaman ang pangalan nito dahil matapos nya ako bilhan ng pag kain ay nag paalam na itong aalis dahil may pupuntahan pa daw itong importante.

Habang nag babalik tanaw sa mga nangyari kahapon ay bigla kong naramdaman ang kamay ni Blass na kinikiliti ang aking gilid kaya agad akong bumalikwas.

" ano ba! Blass, mag pa tulog ka naman" ang inis kong banat sa kanya, ayaw ko pang gumising dahil pagod pa ako.

" kailangan na talaga nating pumunta sa pwesto ni mama sa palenke! bilis na" hay nako naman tong bata na to.

Bumalikwas ako ng bangon at tumambad sa akin ang na uulol na aso nitong ngiti. Ang aga aga pinag ti-ripan ako. Ka badtrip!

" Gising na!! Baba na ako may naka handa nang pagkain sa baba" ang wika nya sabay upo sa swivel chair nya sa gilid at nag basa ng libro.

'Akala ko ba bababa ka??' Tanong ko sa kanya sa likod ng utak ko. Napaka wierdo talaga tsk,tsktsk!

Napakahilig naman kasi nito mag aral, kabalik taran sa mga ugali ko. Mahilig itong mag basa, tsaka mag aral ng philosophy. Sa katunayan nga ay sobrang proud ng mga magulang ko dahil palagi itong first honor, abay shempre hindi naman ako nag papahuli dahil first honor din ako sa ka batugan kaya palagi akong pinapagalitan ni mama at hindi maiwasang maikumpasa kay Blass. Gayumpaman hindi naman ako naiinis o nag karoon ng ingit sa kapatid ko dahil mahal na mahal ko yan kahit medyo may pag ka suplado ang datingan.

Iisa lang ang kwarto naming dalawa. Pero may tigi-tig isang kama kami at kanya kanyang study table kahit hindi namn ako mahilig mag aral, mas ginu-gugul ko kasi ang oras ko sa pag tug-tug ng guitara o 'di kaya nang piano.

Hindi ko maipaliwanag kasi ang sayang nararamdaman ko kapag nakaka tug-tug ako ng music. I feel something which I can't explain, parang di ko mapaliwanag na saya at fulfilment sa puso ko.

Nasa ganoong posisyon ako sa pag iisip ng biglang may lumanding na unan sa mukha ko.

" SAPUL!" Tuwang tuwa na sigaw ni Blass

Kaya nanumbalik ako sa uliran ko.

" 'bat mo ako binato??" Tanong ko sa kanya na may halong pag kainis. Ganyan naman ang mag kapatid eh palaging naga-away. Natural nalang naman siguro iyon.

" naka tulala ka kase ate! Para kang naka droga" ano daw droga?? Sinong nag d-droga? Walang hiyang bata to.

Kaya binato ko rin ito ng unan. SAPUL! . nasapul ito sa mukha kaya tumalsik ang eye galses nito,kaya tawa naman ako ng tawa

"Hahahahh-- haa--hhaa" aray! Sasakit yata ko sa kakatawa

Kaya ayun nag batuhan nalang kami ng uanan hagang sa kapwa kami mapagod.

Kiss In The Rain | Agape Series |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon