Prologue

170 47 124
                                        

BANGTAN: BAD TO THE BONEwritten by hellshwrites 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BANGTAN: BAD TO THE BONE
written by hellshwrites 

AUGUST 4, 2013 | COMPTON 

"Tanginamo, lumayas ka rito! Wala kang silbi, wala ka na ngang naitutulong dito sa bahay puro kalokohan pa sa school ang ginagawa mo! Putanginang 'yan, dapat hindi na lang kita pinutok!" 

Kasalanan ko ba kung hindi mo napigilan ang libog na dumaloy sa sistema mo nang makita mong naka-hubad ang nanay ko? Na namatay lang dahil sa sakit at sa mga katarantaduhang ginawa mo sa kanya.

Pasalampak akong umupo sa sira naming sofa. Hindi ko pinakinggan ang sinasabi at isinisigaw ng tatay ko. Bakit? Sino ba siya para pagsalitaan ako ng ganyan? Hindi ba't sa kanya lang din ako nag-mana at siya rin naman ang dahilan kung bakit ako lumaking ganito? Putanginang buhay 'to, oh! Sa'kin lahat ang sisi!

"Anong inuupo-upo mo diyan? Umalis ka! Kuhanin mo ang lahat ng gamit mo at 'wag na 'wag ka ng babalik sa pamamahay na 'to! Tayo!" bulyaw niya pa ulit bago ako inabot, kinwelyuhan ako at inilapit ang mukha niya sa mukha.

Walang takot akong tumitig sa mga mistulang naga-apoy na mga mata ng tatay ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan niya dahil sa matinding galit. Masama niya akong tinitigan, mas hinigpitan ang pag-hawak sa kwelyo ng suot kong uniporme at mas inilapit ako sa kanya.

Tanginang 'yan, baho ng hininga. Amoy pinag-halong alak, sigarilyo at marijuana.

"Ano? Matapang ka na ngayon? Ang sabi ko ay umalis ka na dito, kuhanin mo lahat ng gamit mo at h'wag na h'wag mo ng ipapakita ang pagmumukha mong 'yan sa akin!" 

Binitawan niya ako, dahilan para malaglag ako sa sahig. Agad akong tumayo at padabog na binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Puta, pasira na rin ah? Lahat na lang sa buhay ko sira na? Kaagad kong kinuha ang school bag ko at doon inilagay ang mga damit na kinukuha ko mula sa damitan. Wala na akong pakialam kung ilang damit ang madala ko, mas mabuti pa ngang umalis na lang ako dito. 

Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas. Kinuha ko ang pera sa ibabaw ng plastic na lamesa namin. Limang daan. Tangina, may mararating pa naman siguro 'to. Lalabas na sana ako at hindi na iintindihin ang ama kong masamang nakatitig sa akin nang bigla niya akong hilahin at suntukin. Malakas 'yon, ramdam na ramdam ko ang pagka-alog ng ulo ko, ng laman ko at ang matinding pag-kahilo.

"Ano? Nanakawin mo pa 'yang limang daan sa lamesa, ha? Ang kapal rin talaga ng mukha mo, ano? Sana ay namatay ka na lang din kasabay ng nanay mo! Mga wala kayong silbi sa mundong 'to!"

Nag-pantig ang tenga ko nang marinig ang sinabi niya tungkol sa nanay ko. Mabibigat ang mga paa ko pero pinilit kong tumayo. Itinaas ko ang kamao ko at mabilis na sinuntok ang ama ko. Sapul sa mukha! Puta, ang sarap sa pakiramdam, ha? Parang kulang pa.

"H'wag na h'wag mong idadamay ang nanay ko sa mga kagaguhang ginawa mo sa buhay mo! Kung merong dapat sisihin dito, ikaw 'yon! Ikaw 'yon! Pinahirapan mo si mama, pinahirapan mo siya simula bata pa ako! Naalagaan mo ba ako? Wala ka rin kwentang ama kaya dapat lang na walang kwenta rin ang maging anak mo. Puta..." sigaw ko bago pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

Bangtan: Bad to the Bone #Wattys2019 #SA2019GRANDWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon