BAD TO THE BONE : CHAPTER FOUR
D A S H I E L L EPutangina.
Hingal akong umupo sa malapit ng masira na sofa sa bago naming tinutuluyan. Kumalat pa ang alikabok dahil sa pag-upo ko doon. Si Joaquin at Cash naman ay parehas na umupo sa monoblock na parehas lang nakakalat sa salas.
Muntikan pa akong mapilay dahil sa kakatakbo makapag-tago lamang sa mga HEINOUZ na 'yon. Paniguradong kahit hindi kami kasama sa mga hinahabol nila ay papatayin nila kami basta makita nila na nasa lugar lang rin kami. Tangina, walang batas sa Compton.
Napatingin ako kay Joaquin na ngayon ay busy makipag-usap sa kung sino man sa kanyang telepono. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa bintana.
“Oo, matutulungan mo ba kami?” tanong ni Joaquin sa kausap. Kumunot ang noo ko. Matutulungan? Sino ba kasi ang kausap niya?
“Kahit bukas na. Aasahan ko 'yan. Maraming salamat, pre.” Pagkatapos non ay kaagad na ibinaba ni Joaquin ang cellphone niya at pinatay ang tawag.
“Sino 'yon?” tanong ko bago sinindihan ang hawak kong sigarilyo.
“Matalik kong kaibigan. Matutulungan niya tayo.”
Kumunot ang noo ko at dinuro siya habang hawak ang sigarilyo ko, “Sigurado ka ba diyan? Baka mamaya kung sino 'yan, Joaquin.”
Si Cash ay nanatiling nakaupo. Palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Joaquin. Kinamot niya ang kanyang ulo at ngumisi sa akin bago umiling. Gago, para saan naman naman 'yon?
Umiling si Joaquin, “Matagal ko na siyang kilala. Noon pa. Taga-Manila ako noong bata pa kami, lumipat lang ako dito sa Compton at nahiwalay sa kanya.”
Matalim ko siyang tinignan. Inoobserbahan ang ekspresyon niya. Ngumiti lang siya sa akin na para bang hindi natatakot. Muli akong napamura at humithit sa sigarilyo, sumandal ako sa upuan habang nanatiling naka-tingin sa kanya.
“Anong pangalan niyang gagong 'yan?” tanong ko sa kanya, tumango ako na parang naga-angas.
Umangat ang isang sulok ng labi niya, “Duke.”
Nanlaki ang mga mata ni Cash. Inusod niya ang upuan papalapit sa aming dalawa ni Joaquin. “Gago! Seryoso ka? Kaibigan mo 'yong Duke na 'yon?”
“Oo. Bakit ba ayaw niyo maniwala? Eto oh!”
Lumapit si Joaquin. Ipinakita niya sa aming dalawa ni Cash ang kanyang cellphone. Tumambad sa amin ang isang contact niya na nagngangalang Duke. Kita namin doon ang number niya at ang mga mahahabang text messages nila ni Joaquin.
BINABASA MO ANG
Bangtan: Bad to the Bone #Wattys2019 #SA2019GRANDWINNER
Fanfiction[R-18] BANGTAN. BROTHERHOOD. GANGSTER . Sa mundong puno ng masasamang gawain, mga karumal-dumal na krimen at mga taong halang at kaluluwa at tila walang konsensya , hanggang saan ang kakayanin nila? Is it true that there is more to what meets the e...