Chapter 02: Area B, Compton

52 38 64
                                        

BAD TO THE BONE : CHAPTER TWO  P H O E N I X 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BAD TO THE BONE : CHAPTER TWO 
 P H O E N I X 

DECEMBER 31, 2016 |  COMPTON 

"Bilisan mo naman, Dashielle. Baka mamaya ay maabutan pa tayo ng mga pulis dito. Rinig na rinig ko ang usapan kanina sa labas, kalat na raw kung nasaan talaga tayo. Gago, may kumanta!" bulalas ni Rocco. Galit na galit at mistulang naga-apoy ang mga mata.

“Alam mo kung sino?” tanong ko.

“Hindi ako sigurado pero may kutob ako na baka si Seth ang nag-sabi, e.”

“Si Seth? Regular na customer ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Dash.

Umayos ako ng upo at pumangalumbaba, “Tsktsk. Hirap na talaga mag-tiwala.”

Lumapit ako sa kanilang dalawa habang dala-dala ang itim na bag ko na nakuha ko pa sa basurahan noon. Sira na siya pero kinuha ko pa rin, sayang naman. Alam ko naman kasing mare-remedyuhan pa ang gamit kaya kinuha ko. Kitams! May nagagamit ako ngayon.

"Okay na mga gamit ko. Nakausap ko na si Tope. Malapit sa akin 'yon, h'wag kayo mag-alala. Binabaan niya na lang renta sa bahay." pagpapaliwanag ko.

"Hindi ba 'yon napupuntahan ng mga pulis ha, Nix?" tanong ni Dash. Palipat-lipat ang tingin sa akin at sa mga gamit na inaayos niya.

"Oo, tagong tago 'yon dito sa compton. Onti pa lang naman daw ang mga nakatira doon. Karamihan ay mga nagtatago rin mula sa mga pulis. Puro mga maliliit at baguhang gang members daw ang nandoon."

Kumunot ang noo ni Rocco, "Magkano naman daw ang renta buwan-buwan?"

Umangat ang isang sulok ng labi ko, "Pitong daan na lang daw. Iligal naman ang kuryente doon at may sarili pang mga kuhanan ng tubig kaya hindi problema ang mga magiging bayarin. Kanya-kanyang diskarte na lang talaga 'to." sagot ko.

Kumunot ang noo ni Dashielle, isinukbit sa balikat niya ang bag. “Hindi na ba pwedeng babaan 'yon? Mga limang daan na lang.”

“Oo nga.” Pagsang-ayon ni Rocco.

Ngumuso ako at napakamot na lamang sa likuran ng aking ulo, “Hindi, e. Sinubukan ko na ngang mag-tawad ang kaso lugi na raw siya kapag pinabaan pa. Mas mahal nga raw 'yong bigay niya sa mga dating umupa, e.”

“Magkano raw?” tanong ni Dash.

“Siyam na raan.”

Umiling si Rocco, “Gago. Mahal naman niya mag-bigay!”

Humalukipkip ako, “Wala ng mas mura pa. Sinubukan ko na rin humanap sa iba. Baka dumugo ilong niyo sa halaga ng pagpapa-upa nila sa maliit na bahay lang.”

Bangtan: Bad to the Bone #Wattys2019 #SA2019GRANDWINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon