BAD TO THE BONE : CHAPTER ONE
R O C C ODECEMBER 30, 2016 | COMPTON
Mabilis at mabibigat ang mga paa ko habang patuloy na tumatakbo. Ginagamit ang lahat ng lakas upang makatakas sa mga pulis na humahabol sa akin. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung kakayanin ko pang takbuhin ang napakalayong daan para lang tuluyang makatakas sa kanila.
"H'wag niyo kasing hayaang tumakas!"
Rinig na rinig ko ang malakas at paos na boses ng isang pulis. Kulang na nga lamang ay ang parang makayod na ng tuluyan ang lalamunan niya dahil onti na lang ay mawawalan na siya ng boses kakasigaw. Kahanga-hanga naman pala ako? Hinahabol ako at sinisigawan na para silang mga baliw! Kahanga-hanga ako pero bilang isang magnanakaw! Puta, astig boi!
"Tangina, bilisan niyo! Makakatakas na naman ang isang 'yan! Ang dami na niyang ninanakaw sa mga tao dito!" sigaw naman nung isa pa.
Patuloy lang ako sa pag-takbo. Ang mabibigat kong mga paa ay tuluyang tumapak sa mga bilao na nakakalat sa daan, sinasagasaan ang mga tinda ng mga illegal vendors na naka-pwesto doon. Mahigpit kong hinawakan ang bag ng nanakawan ko kanina, lumihis ako ng daan at mas binilisan pa ang takbo. Tangina, hindi ko inakalang makakaya ko 'tong gawin! Malapit ng bumigay ang mga binti ko!
Muli akong lumingon sa likuran habang patuloy pa rin sa pagkaripas ng takbo, umaasang makakatakas na ako ng tuluyan sa mga pulis na 'yon.
Akala mo naman kasi kung sinong matitino! Nanghuhuli ng magnanakaw sila rin naman ay palihim na nagnanakaw sa taong bayan! Mga walang konsensya ang iba sa kanila, tanginang 'yan.
"Ayon! Malapit na! Bilisan ninyo!" bulyaw nung pulis na nangunguna sa kanila. Umangat ang isang sulok ng labi ko, ikaw pala ang leader, ha? Bumalik ang atensyon ko sa harapan, hindi ko binitawan ang bag at nang makakita ng isa pang lusutan ay kaagad akong pumunta doon.
Isang makitid at madilim na iskinita. Nag-kalat ang mga tao doon, mga taong nagsisiksikan dahil kahit sila ay wala na rin mapagpipilian. Walang tirahan, walang pera. Hanggang dito na lang ang kaya.
Naningkit ang mga mata ko nang makakita ng isang matabang lalaki na makakasalubong ko. Hindi ako tumabi, puta siya ang mag-adjust! Kita naman niyang natakas ako sa mga pulis, oh! Kumaripas ulit ako ng takbo, binangga ko siya pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag-tumba ko sa aspalto.
Humandusay ako sa aspalto, una ang mukha. Diin na diin ang mukha ko doon at nagasgas ang mga kamay ko. Kaagad kong inipon ang lakas ko para mabilis na makatayo at nang magawa ko 'yon ay rinig na rinig ko na ang boses ng mga humuhuli sa akin na mas lumalapit. Inabot ko ang bag na nasa baba at mahigpit na hinawakan 'yon.
BINABASA MO ANG
Bangtan: Bad to the Bone #Wattys2019 #SA2019GRANDWINNER
Fanfiction[R-18] BANGTAN. BROTHERHOOD. GANGSTER . Sa mundong puno ng masasamang gawain, mga karumal-dumal na krimen at mga taong halang at kaluluwa at tila walang konsensya , hanggang saan ang kakayanin nila? Is it true that there is more to what meets the e...