Bakit ba kasi kung kalian tahimik na yung buhay mo, dun pa may manggulo. Bakit niya ba ginagawa toh. Nakakamove on na ko ee. Ang hirap lang paniwalaan ng mga nangyayari. Noon nga hindi niya ko sineryoso ngayon pa kaya. Is he really here for me?
Lihim akong natatawa sa pinaggagawa ng mokong na to dun sa waiter. Hindi sila magkaintindihan. Maya maya dumating si Manong driver. Nagbulungan sila ni andrew. Tas may inabot na isang card. I’m sure it’s the card key for our room. Pero teka, bakit isa lang? Sabi ko na nga ba e, may plano nanaman tong lalaking toh ee. Pwes kung ano man yun, di siya magtatagumpay.
Our dinner went well. Nasa elevator kame ngayon paakyat sa room namin. Hindi parin ako nagsasalita, lagi akong umiiwas pag tumitingin siya saken. I don’t wanna fall for his eyes again.
Pero hindi, parang mali ata tong ginagawa ko. Dapat lumalaban ako sa kanya. Dapat ipakita ko na wala na siyang epekto sakin at nakamove on na ko. He wants a game? Then I’ll give him the best game he’ll ever play.
Nakarating na kame sa room namin. Mukhang couples suit ang kinuhang room ng mokong na to ah, isa lang ang bed. Tsssss. Dumiretso na ko sa bathroom para mauna ng magshower. Gusto ko ng makatulog, kailangan maunahan ko siya sa kama.
…
Binabalot ko na ng towel ang katawan ko ng maalala kong wala nga pala kong dalang damit. Di ko naman kayang suotin ulit yung damit kong suot kanina, sa init dito sa Pinas, kahit di ka kumilos pagpapawisan ka. Eww lang pag sinuot ko pa ulit yun noh. Ohmayyyyy. What am I gonna do? Hays! Sige na nga, manghihiram na lang ako ng damit kay andrew.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng CR ng bahagya para sumilip muna kay andrew. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siyang topless at nagaayos ng gamit sa may kama. Shemaaaayyyyyyyy, ang hot lang niya. Pinagpantasyahan ko munang tignan yung abs niya. Sarap sigurong hawakan nun. Hihi, minsan lang ako makakakita netoh sa personal. Sulitin na rin.
^_^
“Plllkkkkkkksss!!” Tunog ng nabasag.
“Oucchhhhhh!” Ako.
Ohmay, parang lumundag yung puso ko! Natabig ko yung ash tray sa may faucet kakasilip ko kay andrew. Sa paa ko pa bumagsak. Pagtingin ko sa paa ko dumudugo!
O_O
Awwwwwwwwww!!! Napaupo ako sa sahig ng bathroom.
T_T
“andrew, andrew! What happened to you?!” Dali dali akong pinasok ni andrew. Hindi na ko nakasagot, dahil umiiyak na ko sa dami ng dugo na nakita ko. He knelt down to see my feet. Awkward lang, kinabahan ako sa pag yuko niya, kasi ba naman towel lang ang tangi kong saplot sa katawan. Inalalayan niya ko para umupo sa may mini chair dito sa loob ng CR. Ang sakit talaga. ryza naman kasi, kahit kelan clumsy ka talaga. Huhuhuhuhuhu.
“Wait, stay here i’ll get the first aid kit.” Buti na lang may first aid kit dito sa kwarto ng hotel na toh.
Sinimulan niya na kong gamutin. Pinunasan niya yung dumudugo kong sugat at nilagyan ng gamot.
“Aray andrew!!! Dahan dahan! Awwwwwww!” Paulit ulit kong sinasabi habang sinasabunutan ko siya.
“Shut up, kaw na nga tong ginagamot e, kahit kelan kasi napaka clumsy mo. Ang sakit na nga ng tenga at anit ko, coz you keep on shouting and pulling my hair!” Nainis na siya saken.
>_<
“Sorry.” I apologized. Pawisan na kame parehas. Napatitig nanaman ako sa katawan niya. Wahhhhh, grabe lang pede pa touch??
Yung luha ko tulo lang ng tulo, para kong batang nadapa. Dahil na rin siguro sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Tinapos niya sa paglalagay ng benda ang paggamot sa sugat ko.
“Can you walk?” Tanong niya. Sumimangot ako, kailangan kong makalakad. Pero ang sakit talaga. Nanghihina yung tuhod ko. Tatayo na sana ko, pero bigla niya kong binuhat. Yung saplot kong towel lumuwag sa pagkakabalot sakin. Napapikit na lang ako.
>_<
To be continued…
