Twenty One

29 4 2
                                    

Finding Identities

Pagkatapos ng halik na iyon ay ilang sandali pa kaming nagkatitigan tsaka ko lang naramdaman ang hiya dahil sa ginawa ko.

"S-sorry," umakbang ako palayo tsaka ako napahawak sa batok ko. Muli ko siyang tinignan at ngayon ay nakayuko na naman siya. "Michaella..."

"Pagsisisihan mo ang ginawa mo," bulong niya pero rinig na rinig ko. Kaagad siyang tumayo at naglakad palayo.

"M-michaella," muli kong tawag sa kanya.

"Umuwi ka na," tangi niyang sabi.

Napasabunot na lang ako sa inis dahil sa ginawa ko. "Tanga tanga mo Neil."

Umuwi na lang din ako nang hindi ko na matanaw si Michaella

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umuwi na lang din ako nang hindi ko na matanaw si Michaella. Pag uwi ko ay nadatnan ko si Papa na nasa kusina at tahimik na umiinom ng alak. Kaagad ko siyang nilapitan at binati.

"Mabuti at nakauwi ka na, anak. Halika at umupo ka," bungad niya sa akin na siya namang ginawa ko. Umupo ako sa katapat niyang upuan. Mukhang marami rami na rin ang nainom niya. Ano kaya ang dahilan at napainom siya ng alak?

"Kamusta naman ang pag aaral mo? Exam niyo ngayong buong linggo, hindi ba?" Tanong pa niya.

Kaagad akong tumango. "Magaganda naman po ang nakukuha kong marka."

"Mabuti naman kung ganoon. Panigurado matutuwa ang Mama mo kapag narinig niya 'yan. Sasabihin na naman no'n ay nagmana ka sa akin," sabay tawa pa niya ng pilit. Napabuntong hininga pa siya na para bang may napakalaking problema ang nasa isip niya.

"Sabi ng Mama mo, napag usapan niyo raw ang high school ko?" Tanong niya ulit na ikinabahala ko.

Tumango na rin ako. "Sabi nga po ni Mama ay grumaduate kayo sa Holy Grace Academy bilang isang Valedictorian?" 

Napangiti si Papa at napatango tango. Muli siyang nagsalin ng alak sa baso niya at kaagad niya ring ininom. "Tama ang Mama mo. Ako nga ang pinalad na masabitan bilang Valedictorian no'n. Ako nga." Napailing iling pa siya.

"Sobrang dami kong pinagdaanan no'n. Hindi ko nga inakala na ako ang masasabitan e," muli na namang ngumisi si Papa.

"A-ano po ang ibig ninyong sabihin? Hindi po ba kayo ang top sa grade level niyo?" Nilakasan ko na ang loob ko na magtanong dahil kapag nanahimik lang ako ay hindi na naman mababawasan mga tanong sa isip ko.

Muli siyang umiling. "Hindi dapat ako ang masasabitan ng medalyang iyon. Hindi dapat ako kung hindi siya. Kung hindi lang niya sana ginawa iyon."

Bigla akong nakaramdam ng lamig nang marinig ko ang sinabi ni Papa. May iba siyang tinutukoy na dapat na naging Valedictorian imbis na siya. Ibig bang sabihin nito ay hindi siya ang killer noong 1970?

Ngayon ay umiiyak na si Papa pero halatang pinipigilan niya ito.  "H-hindi dapat ako."

"Pa, ano pong ibig ninyong sabihin? Bakit hindi dapat kayo ang naging Valedictorian?" Paninigurado ko pero bigla niyang padabog na ibinaba sa lamesa ang baso niya.

Queer The PitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon