Fourty Six

18 2 1
                                    

The Beginning of the End

Paano nga ba nagagawa ng isang tao ang pumatay? Lalo na kung mga inosenteng nilalalang ang kukuhanan nila ng buhay? Paano nila nagagawang sikmurain na may tao silang papatayin at sa brutal pang paraan? Talaga bang ang maaaring dahilan nito ay may sakit sila sa pag iisip? O sadyang may kakayahan lang talaga silang gawin ang mga bagay na 'yon?

Sa tono ng pag amin ni Mr. Alvarez, malalaman mo kaagad na wala siyang kahit katiting na pagsisisi sa ginawa niyang pagpatay kay Shaina. Para siyang nagsasalitang demonyo na papatay at papatay hangga't kaya niya.

Pero kung iisipin, sa lahat ng pinatay, ang paraan ng pagkamatay ni Shaina ang pinakamadali sa lahat. Nakainom lang siya ng lason at binawian na siya ng buhay. Hindi kagaya nila Mrs. Valderama at ng iba pang namatay, hindi na siya nakaranas pa ng paghihirap. Bakit? Anong meroon kay Shaina para siya ang maiba sa lahat? At si Shaina lang ba ang pinatay ni Mr. Alvarez?

Sinabi rin ni Toper na may peklat sa leeg ang nurse na nagdala ng pagkain kay Shaina. Kung si Omar Jimenez ang may peklat at si Oliver naman ang may balat, ang ibig bang sabihin nito...

"Hindi si Mr. Alvarez si Omar Jimenez. Hindi sila iisa. Hindi siya ang ama ko," sabi ni Michaella dahilan para makuha niya ang atensyon naming lahat. Tulala lang siyang nakatingin sa recorder pero kitang kita namin ang panginginig ng mga kamay niya.

"Tama si Michaella. Kung ibabase ko sa mga sinabi ninyo, masyadong maraming butas para maging si Omar si Mr. Alvarez," komento naman ni Edwardo. "Ang sabi niyo, nasagasaan ng truck si Omar pero kung titignan mo si Mr. Alvarez, walang kahit anong bakas ng aksidente sa katawan niya. At nasa yearbook rin siya ng batch 1970, diba?"

Tama siya. Ilang beses ko nang nakita at nakasalamuha si Mr. Alvarez pero wala akong napansin sa katawan niya para maisip naming may nangyari sa kanyang aksidente. Malayo rin ang itsura niya kay Omar Jimenez.

"Sino pa kaya sa mga kaibigan natin ang pinatay niya? Sino pa sa mga namatay ang ginawan niya ng kabrutalan?" Nanginginig na tanong ni Mitzi.

"Ibang iba ang paraan ng pagpatay kay Shaina. Malayong malayo sa ibang biktima. Madalian lang at walang paghihirap," sagot ko na lang.

"Kailangan na nating kumilos. Kailangan na nating malaman ang lahat ng sagot," sabi naman ni Michaella at nagsimula na siyang ilagay ang mga gamit niya sa bag niya.

Base sa sinabi ni Edwardo, laging sinusundo ni Christopher ang kapatid niya sa All Girls school nito tuwing 5:30 ng hapon kaya nandito kami sa tapat ng school ni Carla para abangan ang pagdating ni Toper at ang uwian ng kapatid niya.

Ang plano ay kakausapin namin ni Edwardo si Toper habang sila Michaella at Mitzi naman ang mag eentertain kay Carla para libangin ito. Sa ganitong paraan, magkakaroon kami ng pagkakataon na makausap nang masinsinan si Toper at maging ligtas sa parehong pagkakataon.

Narinig na namin ang school bell. Nasa may labas lang kami ng gate at inaabangan si Carla. Hindi rin nagtagal at natanaw ko na si Christopher na paparating. Napahinto pa siya sa paglalakad nang makita niya kaming apat. Kitang kita ko ang pagkadismaya niya pero muli siyang naglakad at lumapit sa amin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Usisa niya sa amin. Iba na ang kanyang suot kaya mukhang nakauwi na siya sa kanila. Bago pa kami makapagpaliwanag ay narinig na namin ang boses ng kapatid niya.

"Kuya!" Masiglang bati ni Carla sa Kuya niya sabay kapit sa braso nito. Natahimik siya nang mapansin niya na hindi nag iisa ang kapatid niya. "Kasama mo pala ang mga kaibigan mo." Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya. Masayahing bata si Carla at malambing sa pamilya niya base na rin sa kwento ni Mitzi dahil nagkaroon na siya ng pagkakataon na makabonding ito.

Queer The PitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon