Thirty Six

40 4 9
                                    

Memories

Maingat kaming naglalakad ngayon sa pasilyo ng eskwelahan namin. Alas dose na ng hating gabi at heto kami ni Michaella pilit iniiwasan ang mga guard na nagpapatrol sa buong school. Nakahinga lang kami nang maluwag nang makapasok na kami sa loob ng Library. This time ay dinouble check ko pa kung nai-lock ko ang pinto.

Sinubukan rin naming maghanap sa counter na laging pinepwestuhan ni Mrs. Contes pero wala naman kaming nakitang mapaggagamitan ng susi.

"Mukhang sa kwarto lang na 'yon itinago ni Mrs. Contes ang bagay na sinasabi niya," komento ni Michaella na ang tinutukoy ay ang headquarters namin.

Pumasok na kami sa loob ng silid. Mas mahihirapan kaming maghanap dito dahil mas madilim ang paligid. Sinubukan kong pakinggan ang bawat tapak ko dahil baka may kahoy sa sahig na posibleng may butas din kagaya sa bahay nila Michaella pero wala akong nakita. Abala naman sa lamesa si Michaella.

Lumapit naman ako sa bookshelf at wala rin naman akong nakitang kakaiba kahit tignan ko pa ang likod nito. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagod. Mukhang malaking impormasyon talaga ang itinago ni Mrs. Contes dahil sobrang hirap nitong hanapin.

Itinapat ko sa kisame ang flashlight ko tutal ito na lang ata ang hindi pa namin natitignan. Ilang segundo kong inilibot ang ilaw nito hanggang sa may matapatan ito na parang may kumikinang. Kaagad ko itong nilapitan at hindi nga ako nagkakamali, may metal na hugis bilog ang nakakabit dito. Hindi kaya ito na ang hinahanap namin?

"M-michaella, tignan mo 'to, dali," pagtawag ko kay Michaella habang abala siya sa kinakalkal niya sa may lamesa. Kaagad naman siyang lumapit at tinignan din ang nakita ko. "Hindi kaya ito na 'yon?"

"Iusad natin ang lamesa para makaakyat ka," suhestyon niya na kaagad naman naming ginawa. Magkatulong kaming itinulak ang lamesa papunta sa tapat ng nakita naming metal. Mabuti na lang at hindi ito gumawa ng masyadong ingay kung hindi ay lagot na naman kami sa mga gwardya.

Inalis namin ang ilang mga gamit sa lamesa at maingat akong umakyat dito. Mabuti na lang at biniyayaan naman ako ng height kaya maabot ko na ang metal na nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko nang masigurado ko na isa itong keyhole.

"Michaella, mukhang ito na nga," sabi ko pa. Kinuha ko ang susi sa bulsa ng pants ko at sinubukan kong ipasok sa keyhole ang itim na susi. Dahan dahan ko itong inikot at nang hatakin ko ito pababa ay isang malaking parisukat na daanan ang bumungad sa amin. Dito na kaya itinago ni Mrs. Contes ang bagay na 'yon?

Pinaabot ko kay Michaella ang isang upuan para maakyat ko ito. Nang makatapak ako sa upuan ay inilibot ko ang ilaw ng flashlight ko sa paligid at isang kahon na kasing laki ng shoe box ang nakita ko. Kaagad ko itong kinuha tsaka ako bumaba sa upuan. Iniabot ko ang kahon kay Michaella tsaka ko isinarang muli ang butas gamit ang susi.

Ibinalik namin sa dating pwesto ang lamesa at saka namin pinagtuunan ng pansin ang kahon. Naghanap ng scratch paper si Michaella tsaka niya pinunasan ang kahon dahil punong puno ito ng alikabok. Nang buksan niya ito ay isang journal at ilang litrato ang nakuha namin.

Niyaya ko ng umalis si Michaella para sa bahay na namin busisiin ang nakita namin. Kakalabas lang namin ng Library nang makarinig kami ng pagsara ng pinto kaya kaagad kaming nagtago sa comfort room na malapit sa amin. Ako na ang naglakas loob na sumilip. Kaagad rin naman akong nagtago nang mapagtanto ko na papalapit sa kinaroroonan namin ang yabag.

Nakahinga kami nang maluwag nang hindi ito pumasok sa comfort room pero isa lang ang ang sigurado ako, lalake ito at hindi siya isa sa mga guard dahil nakaformal attire ito.

"Hindi ba si Mr. Alvarez 'yon?" Tanong ni Michaella. "Kilalang kilala ko ang buhok niya. Siya lang naman ang may mahabang buhok na laging nakaformal attire."

Queer The PitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon