Chapter 7

382 20 1
                                    

Chapter 7
Reason

Nandito ako ngayon sa clinic ng tertiary nasa tabi ko sina Koen syempre kasama na 'yung may dahilan ng lahat. 'Yung bwisit na bata, si Brysen.

Kagigising ko lang dahil sa pangyayari kanina. Nagising akong nandito na sila. Kaya wala akong ideya kung sino man ang nagdala sa akin dito.

Ang tanging naaalala ko ay 'yung syringe. I have fears of syringes and anything that is  sharply pointed objects. I don't know where I got this. Isang araw noon ng bigla nalang akong matakot sa syringes at needles. The doctor said that I have trypanophobia. But my parents didn't even told me where I get this kaya palaisipan pa rin sa akin ito.

"Dex, bakit kasi ginawa mo 'yon?" Ilang beses na sa aking tinanong ni Koen ito pero wala parin siyang nakukuhang sagot sa akin dala ng takot ko sa nangyari kanina.

"Dex, Giro will arrived at our dorm later." Si Azariah naman ang nagsalita this time. Nilingon ko naman siya.

"W-why?" Nauutal ako kung magsalita dahil sa takot ko na hindi pa din mawala.

"He will check you, we already told him what happened to you. Masyado kaming nag-alala Dex." Pinisil pa nito ang braso ko. Dahilan para manlaki ang mata ko. "Sorry," Paumanhin nito sa ginawa niya.

"It's okay. I'm fine. Where's the nurse? Kaya ko na. Pwede na ba akong makaalis?" Hindi na ako nauutal kaya panatag na ang loob ko bigla namang dumungaw ang nurse sa amin. Narinig niya siguro ang sinabi ko.

"Are you sure, Miss?" Paninigurado pa nito.

"Yes." Umupo na ako inalalayan pa ako nila Azariah. Wala ng binilin pa ang nurse at pinayagan na akong umalis.

Nasa magkabilang gilid ko si Azariah at Koen, nakaalalay.

Nawala ngayon ang kakulitan at pagka-isip bata ni Koen masyado siyang seryoso kaya naninibago ako. Si Brysen naman nakikipagtawanan kina Zayn at Andrus. Nasa harapan namin sila, kumbaga sila ang nauunang maglakad.

"Punyeta ka, Brysen." Bigla ko nalang nasabi 'yun sa kabila ng tawanan nilang tatlo kaya natigilan silang lahat sa paglalakad at napalingon sa akin.

"D-dex?" Parang nagugulat pa akong tinawag ni Koen. May halong pagtatanong, halata naman sa mukha niya.

"What did you just say?" Si Brysen naman na ngayon na seryosong seryoso ang mukha nakahalukipkip pa.

"Punyeta ka." Pag-uulit ko pa rito.

"Why are you cursing me?!" Salubong ang mga kilay nito. Mahahalata mong naiirita siya sakin.

"Iniwan mo ko doon, dapat kasali ka din dun. Ako na nga tumulong iniwan pa." Siniringan ko naman siya. Dapat hindi ko na ginawa 'yun para 'di umabot sa ganito.

Nanlaki naman ang mata nila Koen maliban kay Brysen.

"Ano?! Ang sabi mo sa amin Brysen Adam Loyola, pinaalis ka ni Dex! Then, hindi pala!" Sinigawan ni Zayn si Brysen. Hinawakan ko naman ito sa braso niya.

"Zayn it's okay, ako rin naman siguro ang may kasalanan. I saved him but because of that guy this all happened. Hindi ko hinahayaang hindi ako makabawi kaya umabot sa ganito." Napayuko na ako sa mahabang paliwanag ko. Aishhh! Kasalanan ko talaga ito!

"No, Dex. It's Brysen's fault, pinagbawalan na namin siya before, but he always disobeyed us."

"You call me with my full name? I told you not to mention it!" Galit na ang mababasa sa mukha ni Brysen. Nabanggit nga pala ni Zayn 'yun kanina.

The Badass Girl in Boys Town | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon