Hillary's pov
Kada naiisip ko yung nang yari sa birthday ko lagi kong tinatanong yung sarili ko kung 'sino ba mga tunay kong magulang'. Bukod kasi sa pangalan ko wala na akong ibang maalala. Hindi na ako nag isip pa ng iba at kikilos na sana ako ng biglang-- 'knock knock'
May kumatok sa pintuan ko"Anak kakain na gising kana ba?" Sigaw ni mama. "Opo mama, mag hihilamos lang ako" Agad akong bumangon at nag puntang banyo para mag hilamos at mag tootbrush. Pag labas ko sa banyo inayos ko lang yung damit ko pang ligo mamaya at bumaba narin sa baba para mag almusal.
"Good Mooooooooorrrrrrnnnniiiiiiinnnnnnggggggg everyone-----" sigaw ko habang papunta kela mama, papa, ate, kuya.
"Good Morning anak" bati ni mama at papa.
"Good Morning bunso" bati ni ate at kuya. Umupo ako sa tabi ni kuya at sinimulang kumain. Habang kumakain kami wala manlang nag sasalita maski isa samin. Sa kalagitnaan binasag ni kuya ang katahimik.
"Bunso, pasukan niyo na pala bukas noh. Meron kana bang mga gamit sa school? kung wala pa sasamahan kita para mamili."
"Okay na lahat kuya. Meron narin akong mga gamit sa school sinamahan kasi ako ni ate mamili ng mga gamit ko."
"Busy ka kasi sa girlfriend mo kaya ako nalang ang sumama sakanya mamili" sabat ni ate sa usapan namin ni kuya.
"Palibhasa nag break lang kayo ng boyfriend mo kagabi kaya yung girlfriend ko yung pinapansin mo." nakangising sabi ni kuya.
"whoa! 'Excuse me?' Hindi ko pinapansin yung girlfriend mong manloloko, staka 'anong nag bago?' hindi marunong mag bago yang girlfriend mo! Kung nag bago yan edi sana hanggang ngayon hindi kana niya niloloko!" Galit na sabi ni ate habang sumisigaw na.
"Shout up Nathalya!" Nagulat ako sa biglaang tayo ni kuya at dinuro si ate.
"sumusobra kana ah! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong pag salitaan ang girlfriend ko ng ganyan! Bakit ang boyfriend mo rin naman niloko ka ah! Edi parehas lang tayo nag papakatanga dito! May narinig kabang ganyang salita mula sakin? Wala diba? Kaya wag kang mag salita ng ganyan sa girlfriend ko!" Mahabang sabi niya kay ate.Dito na mag sisimula ang world war 3. sa totoo lang pag kakain kami palagi silang nag aaway hindi naman sa masama akong kapatid. nag eenjoy ako kapag lagi silang nag aaway dahil sa mga boyfriend at girlfriend nila. Sa totoo lang ulit yung jowa ni ate at kuya hindi ko gusto para sakanila, Pero ginagalang ko parin naman sila. Well tama naman yung sinabi ni ate at may point rin naman si kuya parehas kasing manloloko yung mga jowa nila.
"Ano ba di ba kayo titigil ah! Nasa harap kayo ng pag kain. Kung nag sigawan kayo parang wala kami sa harap niyo ah! Palagi nalang bang ganyan kayong dalawa? Palagi nalang ba kayong mag aaway pag kaharap ang pag kain!? galit na sabi ni mama. Pag si mama na nag sasalita tumatahimik silang dalawa. Palihim kong sinulyapan sila ate at kuya, parang gusto kong matawa dahil sa itsura nilang dalawa kung makikita niyo lang guys kung anong itsura nila matatawa kayo.
"Sorry ma" sabi nilang dalawa, nag katingin silang dalawa na parang nag papatayan na sila sa isa't isa. Tahimik nalang akong kumain at hindi na sila pinansin. Pag tapos ko kumain nag paalam ako kay mama at papa na aakyat na muna para maligo. Kasabay ko sila ate at kuya na lumabas ng kusina, nasa hagdanan na ako na muli silang mag bangayan.
"Ikaw kasi may kasalan kung di mo kami pinapakelaman ng girlfriend ko di sana tayo papagalitan ni mama!" Sumisigaw na sabi ni kuya
"Anong ako? Ikaw may kasalanan! Ikaw nag simula kaya nagalit si mama sa atin kung di mo pinag tanggol yung girlfriend mo di tayo mag aaway dahi--" hindi kona sila pinakinggan at pumunta nalang sa kwarto ko. Nag pahinga lang ako ng saglit at naligo narin.
Bumaba ako sa sala namin at naabutan ko si mama at papa na nonood na tv. "Ma,pa sila ate at kuya po?" tanong ko habang nasa gilid nila.
"Yung kuya mo umalis makikipag kita ata sa girlfriend niya, yung ate mo naman baka nasa kwarto niya. Bat anak?"
girlfriend? na naman? Araw araw na silang mag kasama pati ba naman linggo mag kasama parin sila? psh!
"Wala ma. Di ko kasi sila nakita dito kaya natanong ko lang po"
"I see." Tumango tango pa si mama na parang bata, Napangiti naman ako sa inasal ni mama. Nakinood nalang din ako kela mama at papa. Ang ganda rin ng kwento kaya nakaka enjoy. Nang matapos yung pinapanood namin tumayo si mama upang mag luto ng meryenda, Naiwan kami ni papa sa sala. Patayo nasa na ako ng biglang mag tanong si papa.
"Anak, how are you?"
"I'm good pa" napaupo ulit ako sa inuupuan ko.
"Tomorrow is your first day of school, right?
"Yes, pa. Bakit niyo po natanong?
"Wala naman anak. Gusto ko sana kami ng mama mo ang mag hatid sayo sa bukas sa school kung okay lang sayo"
"Okay lang pa." Pag tatapos ko sa usapan. Ilang oras rin kaming tahimik kaya nag tanong nalang ulit ako kay papa. "Pa, may balita na po ba kayo sa kanila? Nahihiya pang tanong ko, umaasa kasi ako na makikita kona yung mga totoo kong magulang. Hindi naman sa gusto ko ng makilala yung mga totoo kong magulang nag babakasali lang ako.
"Wala pa akong balita sakanila anak, pero di naman kami tumitigil na hanapin sila. Wag kang mag alala anak hindi naman kami tumitigil na ipahanap sila. Ayaw mo naba kami kasama ng mama mo at mga kapatid mo?" Tanong sakin ni papa.
"Pa. Hindi naman po hinahanap ko yung totoo kong magulang ayaw kona kayo kasama, syempre po gusto ko lang na makilala sila at makilala nila ako. Pa kahit anong mangyare di ko naman kayo iiwan eh, promise yan pa." Niyakap ko si papa pag tapos ko mag salita. ilang minuto rin ako nakayakap kay papa kaya nag kusa na akong bumitaw.
BINABASA MO ANG
THE LOST DAUGHTER
Teen FictionSino nga ba ang tunay na magulang ni hillary? Makakasama pa kaya niya ang tunay niyang nga magulang o ang pangalawang magulang niya na ang makakasama niya, pwede rin naman parehas niya makasama. Ano nga ba ang mang yayare kay Hillary pag nakita niya...