lv.

331 9 0
                                    

i a n n a

it's Saturday evening and that means it's already Yza's birthday. huli kaming dumating kaya medyo magulo na sa loob.

her parent's were out of the country kaya naman solid talaga 'tong birthday nya. walang pakielamanan kumbaga.

"girls! you made it!" bati sa amin ni Yza. may tinawag syang lalaki at binigyan naman kami ng drinks neto. nagchikahan kami ng kaunti hanggang sa kailangang umalis ni Yza dahil may mga parating pa syang bisita.

yung ibang mga tao ay nasa loob ng bahay, yung iba nasa backyard, yung iba naman nagsiswimming.

naka-ilang shot na rin kami ng mga kasama ko. medyo nahihilo na ako pero hindi ako kumikibo.

"girls! let's play beer pong!" aya ni Jeo. sumama kaming tatlo sakanya at narinig ang hiyawan sa may sala. they're already playing.

"ako naman!" Jeo said. medyo tipsy na rin sya. pinapanood ko lang syang maglaro. lumingon-lingon ako sa paligid. parang may hinahanap ang mata ko.

"Ianna! it's your turn!" bumalik ako sa katinuan ko ng itulak ako papunta sa lamesa.

"i don't want to play." i said, backing out. nag-boo sila.

"come on, Ianna. just for fun lang." that voice's familiar. nakita ko yung nasa kabilang dulo ng table, it was Jennie. Trevor was behind her. nakangisi sakin si Jennie habang si Trevor ay mukhang naiirita na. bumalik ako sa pwesto ko.

"alright, game." i smirked. napatingin sakin si Trevor.

si Jennie ang unang bumato ng bola. na-shoot agad so i drank my shot. ako na ang sunod at na-shoot din. she drank her shot.

nakakailan na kami at talagang suko na ang senses ko. pero hinahamon pa rin ako netong gagang 'to.

naaninag ko si Trevor, inaawat na nya si Jennie. i rolled my eyes.

"umuwi na tayo." i heard him say. nagmamatigas si Jennie.

"no, Trev. last na 'to please. mananalo ako dito. mananalo ako." paulit-ulit nyang sabi.

the drama continued. the next thing i knew was they were kissing right infront of me.

naghiyawan ang lahat. nakatitig lang ako sakanilang dalawa. the kiss lasted for about 4 minutes? or more i think. it was indeed a long passionate kiss.

my heart ache. Trevor broke the kiss and looked at me. nakatitig lang ako sakanila- sakanya rather. Jennie smirked at me.

and then a tear escaped my eye. agad kong pinunasan 'yon at iniwan sila doon.

tumakbo ako palayo doon. hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

hindi ko alam bakit ako nasasaktan. hindi ko alam bakit ayokong nakikita ko silang magkasama. hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng inggit ng halikan ni Jennie si Trevor. hindi ko alam...

huli ko na rin nalaman na gusto ko na pala si Trevor, pero mas pinili kong magbulag-bulagan sa nararamdaman ko para sakanya.

"Ianna." he said while panting. bakit nya pa ako sinundan? he held my arm. agad kong binawi yun.

"stop, Trevor. i don't know- i-i don't know why i'm acting like this. i'm so confused right now." i said in between my sobs.

"tell me first what you felt when she kissed me." napatingin ako sakanya. kailangan ko ba talagang sagutin yun?

"Trevor, please. just leave me alone." i look like a mess. literal. amoy alak, sabog ang buhok at pawis. dagdag nyo pa yung namumugto kong mata dahil sa kakaiyak.

"Ianna, stop pretending that you don't feel anything! alam kong gusto mo rin ako." hinawakan nya ng mahigpit ang dalawang braso ko.

"ano naman, Trevor? ano naman kung gusto kita? we still can't be together because you have a girlfriend!" i shouted back.

"i'm not your pastime kaya stop treating me like that! papasok ka sa buhay ko, kukulitin mo ko and then kapag okay na kayo, mawawala ka nalang na parang bula." dahan-dahang kumalas yung mahigpit nyang hawak sa braso ko. i'm still crying.

kumalma muna ako bago ako nagsalita ulit.

"actually, i don't know. i don't know what i'm feeling right now. halo halo yung nararamdaman ko. hindi ko malaman kung alin ba talaga ang iniiyakan ko, yung naghalikan ba kayo sa harap ko o yung mga sasabihin sakin ng tao kinabukasan." i faked a laugh.

"dati i can defend myself. kasi alam ko sa sarili ko yung totoo. pero ngayon i can't defend myself na, kasi alam ko na nga sa sarili ko kung ano talaga ang totoo." hinawakan ni Trevor ang mga pisngi ko.

pinagdikit nya ang noo namin.

"just tell me you love me, ako na bahala. ipaglalaban kita hanggang sa maubos ako, Ianna." pumiyok ang boses nya. i cried even more.

kung ganun lang sana kadali ang lahat. this is wrong, this is so wrong. even though i love him, i can't tell him that because i don't want to be the cause of their breakup.

kakatapos lang ng panahong tinawag akong kabit and such, tapos ngayon kung ano-ano nanamang masasakit na salita ang matatanggap ko kapag pumasok ako sa issue na 'to.

i'd rather not say anything and just disappear, than to get called by different names every fucking day. kasi totoo lahat ng sasabihin nila tungkol sa akin and hindi ko kayang lunukin ang mga iyon.

"please, Ianna. i will protect you, i will fight for you. just tell me that you love me."

"i-i i love yo-" biglang nag-black out ang paligid ko.

pastime » k.th & b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon