li.

304 10 0
                                    

i a n n a

"wait for me at the mall malapit sa school." i left his message on seen. nagpaalam ako kela Wanda atsaka dumiretso na sa mall. i took my phone and composed a message.

Ianna
you better hurry up. kapag ako tinopak, aalis ako dito.

tbh, ayoko ng pinaghihintay ako. 'yan ang pinaka-ayoko sa lahat.

"uy." lumingon ako. hapong-hapo sya.

"what happened to you?" i asked. umiling sya. nagkibit-balikat lang ako at naglakad.

"saan mo gusto?" he asked. tumingin-tingin ako sa paligid. ano bang pwedeng kainin dito?

"pwede bang milktea at potato corner nalang? ayokong mag-rice eh." tumango sya.

--

pagkatapos umorder tumambay muna kami sa food court. wala gaanong tao kaya okay lang na mapatagal dito. nags-scroll ako sa phone ko.

"Ianna." he called my name. i raised a brow before looking at him.

"what?" umiling sya habang natatawa. "baliw ka ba?" i added at binalik ko ang tingin sa phone ko.

"you really have a pretty face 'no? close up man or malayuan." he said. i felt my cheeks blushing.

"stop staring." seryoso kong sabi. kinuha naman nya ang phone ko. "what the fuck, dude? can't you see that i'm playing?" naiinis kong sabi. pinilit kong agawin yung phone ko sakanya. tumingkayad pa sya kaya mas lalong hindi ko abot.

umupo nalang ako sa upuan ko habang naka-cross arms at uminom ng milktea.

"puro ka kasi phone, kaya nga kita nilibre para magkausap tayo eh." i rolled my eyes.

"sana sinabi mo ng maayos hindi yung kailangan mo pang hablutin yung phone ko." i smiled sarcastically. binalik naman nya sakin yung phone ko. "thanks." chineck ko muna ito atsaka nilagay sa bulsa ko.

"ano pa bang gusto mo bukod sa ginagawa natin?" i asked.

"ikaw." wait, tama ba yung pagkakarinig ko? "what i-i mean is, ikaw? m-may iba ka pa bang gusto?" umiwas sya ng tingin sakin. umiling ako. my heart is beating so fast just by staring at his perfect face. damn this guy.

--

"you live here?" he asked. i nodded.

"thanks for the treat." i smiled at him. he smiled back.

"next time ulit." he said. tumango ako.

pumasok na ako ng gate. hindi muna ako pumasok ng bahay, nasa gate lang ako at sinisilip ko si Trevor. napangiti sya sa kawalan atsaka tuluyang umalis.

hindi ko alam pero kanina ko pa pinipigilan yung kilig ko.

tumalon ako sa tuwa.

"ang harot harot mo, Ianna! kunwari ka pang ayaw mong makipagkaibigan sa tao dahil sa kapatid nya pero deep within you gusto mo talaga mapalapit sakanya kasi maharot ka!" sabi ko sa sarili ko habang binubuksan ko yung lock ng pinto.

pastime » k.th & b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon