epilogue.

458 13 1
                                    

t r e v o r

“oh sya, mag-truth or dare nalang tayo!” aya ni Jared. lahat kami napatingin sakanya at hindi sumang-ayon.

nasa resthouse na kami nila Yza ngayon sa Tagaytay. kakarating lang din namin kaninang hapon at ngayon ay napag-isipan naming uminom para magpainit ng katawan. grabe ang lamig dito.

“truth or dare? ano ka, elementary?” pambabara ni Yza. nasa sala kaming lahat ngayon at nakapabilog. katabi ko si Ianna sa kanan, at si Jared sa kaliwa.

“truth or dare na may twist kasi! kapag hindi sumagot or hindi ginawa yung dare, iinom ng kalahating baso. bottoms up dapat. ang boring kasi kapag iinom lang tayo eh.” Jared added. napatango naman ang iba.

“sige, game ako.” Wanda said. nagsi-gayahan na rin silang lahat at sumang-ayon na.

tinignan ko si Ianna, tahimik lang sya at namumula. i think she's already drunk.

“you, okay?” bulong ko sakanya. nginitian nya ako atsaka tumango. namumungay na ang mga mata nya.

yung walang laman na bote ng alak yung ginamit namin.

“game game!” Jayden shouted. pinaikot nila ang bote. unang tinapatan neto ay si Yza. si Jared ang nagtanong.

“truth or dare?” Jared asked.

“dare.” ngumisi ng nakakaloko si Jared.

“kiss me.” lahat ay naghiyawan sa sinabi ni Jared. kahit ang mga girls ay tawa ng tawa.

“ano ka chix? ayoko nga mamaya may hiv na 'yang bibig mo!” kinuha ni Yza yung baso na may laman na alak. ininom nya yun lahat ng isang lagukan. hindi pa rin natigil ang tawanan.

sunod ay si Nathan at Henry. tinanong ni Nathan si Henry, pinili nya ay truth.

“crush mo si Wanda?” naghiyawan nanaman ang lahat at tinukso nila Ianna si Wanda.

“asan na yung alak!” nagtawanan kami.

“bakit ayaw mong sagutin? silence means yes.” singit ni Steven.

“edi oo na! gusto ko si Wanda.” inasar nila ang dalawa hanggang sa inikot na ulit ni Jayden ang bote. tumapat ito kay Jeremy at Jeorella.

pinili ni Jeremy ay dare.

“kiss mo si Trevor sa cheeks.” humalakhak sila.

“nako, tigilan mo ko Jeorella. akala mo ba hindi nya kayang gawin 'yon?” tumawa sila sa sinabi ko.

“halika na bebe Trevor.” pangungutya ni Jeremy. nagtago ako sa likod ni Ianna.

“baby oh!” tumatawa si Ianna.

“bahala ka jan!” sagot nya habang tumatawa.

ang ending, nahalikan ako ni Jeremy sa pisngi. humanda sakin 'tong mga 'to mamaya.

ang sunod na tumama ay kay Ianna at Shantelle. pinili ni Ianna ay truth.

“totoo ba na unang chat palang sayo ni Trevor ay nagustuhan mo na sya?” tinignan ko si Ianna. i'm waiting for her answer.

but she didn't answer it. kinuha nya yung baso at ininom ng straight. nagtawanan sila at inasar nila ako.

“bakit hindi mo sinagot?” tanong ko kay Ianna. she's drunk. i can feel it.

“alam mo naman na agad yung sagot kahit hindi ko sabihin.” Ianna said while smiling. binaon nya ang mukha nya sa dibdib ko. nagkantyawan sila.

“ayoko na, ang landi na. wala na nga akong jowa tapos ganyan pa.” Shantelle said. tapos tumawa ang lahat.

pastime » k.th & b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon