033 // yohan's

1.1K 67 40
                                    

kim yohan's

Araw na ng field trip. Sabay-sabay kami pumasok ng campus ni Sihun at Seongjun. 'Tong dalawa kanina pa nag-aasaran.

Pagpasok namin ng campus ay natawanaw na namin 'yung bus namin tsaka 'yung iba naming kaklase na pumapasok ng bus.

Pumasok na kaming tatlo ng bus. Napansin ko si Sky na napatayo sa kinauupuan namin. Bigla siya ngumiti at kumaway sa amin.

"Sihun!" Tawag ni Sky. Lumapit si Sihun sa kanya pero hinila ko si Sihun at umupo ako sa tabi ni Sky.

Nagtataka namang tumingin si Sky sa akin pero umiling siya at umupo na lang din.

Umupo naman si Seongjun at Sihun sa likod namin.

"Gusto mo ba katabi si Sihun?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin, "Ayos lang kung ikaw katabi ko. Ikaw naman 'yan eh." Tapos ngumiti siya.

Kinuha ni Sky 'yung cellphone pati earphones niya at nilagay niya sa tenga ito. Hindi siya makikipag-usap sa akin?

Kinuha ko naman 'yung isang earphone niya at nilagay din sa tenga ko. 

Art Museum ang unang destination namin. Sinabi rin ng mga teachers na kung sino 'yung katabi namin, 'yun 'yung ka-buddy namin.

Pagkatapos naming bumaba ng bus ay napansin kong mataas pala ang araw kaya hinarang ko 'yung kamay ko sa ulo ni Sky. Sabagay maliit naman siya sa akin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Sky.

"Wala ang init eh." Natawa naman siya. Ano nakakatawa dun?

"Baliw, kahit gawin mo 'yan, mainit pa rin." Sabi niya. Kaya tinanggal ko na 'yung kamay ko.

Napatingin ako kay Sihun na nasa likod namin ng pila. Nakapila kasi kami, hindi pa kami pwede makapasok ng museum.

Hinubad ni Sihun 'yung cap na suot niya at sinuot niya kay Sky.

Tumingin siya sa likod at ngumiti kay Sihun, "Thanks, bakla." Tss.

"Wow, Sihun. Bait mo naman. Ako rin." Sambit ni Seongjun.

"Ayoko nga. Hindi ka naman si Sky." Sabi ni Sihun sa kanya.

Pagkatapos din nun ay pumasok na kami habang nakapila.

Masayang nagpipicture si Sky sa mga artworks sa loob. Habang ako, pinicturan ko siya habang nakangiti siya.


Marami rin kaming pinuntahan. Pati mga seaside hindi na pinalagpas. Naging healing trip na rin 'to.

Pagod lahat kaya lahat natutulog sa bus. Napansin ko naman na yakap-yakap ni Sky 'yung binili kong na straw hat sa kanya na pa-round. Hindi ko alam kung tama ba tawag dun, basta ayun. Binili ko 'yun habang nag stop 'yung bus sa mga stores.

Mahimbing na natutulog si Sky at nakasandal siya sa may bintana kaya pinatong ko 'yung ulo niya sa balikat ko.

Hinawi ko naman'yung buhok na humaharang sa mukha niya.

Namiss talaga kita kasama, Sky. Pero bakit ganon? Iba na trato mo sa akin?

mga yohaners HAHAHAHAHAHAHA KAMUSTA TAYO DIYAN MGA PAR

favorite | yohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon