skylyn choi's
Kanina ko pa tinitignan si Yohan sa harap ko kasi mukhang badtrip siya. Tumingin naman ako sa pwesto ni Astrid, pero wala siya dun. Nagcutting nanaman siya.
Kinalabit ko naman si Yohan na nasa harap ko, "Psst."
Tumingin si Yohan sa akin na nagtataka, "Magkaaway kayo, no?" Tanong ko.
Ano pa bang bago, magkaaway naman na talaga sila palagi. Palaging may sapak sa ulo si Astrid.
"Usap tayo mamaya, Sky?" Sabi niya.
Tumango naman ako, "Sige. Tungkol saan?"
"Basta." Sagot niya.
—
Nag-uwian na at lalapit sana ako kay Sihun nang bigla siyang inakbayan ni Seongjun at lumabas ng classroom.
Tumingin ako kay Yohan na nag-aayos ng gamit. Ang bagal naman mag-ayos nito. Lahat ng mga kaklase ko nakaalis na.
"Sky." Napatingin ako kay Yohan na seryosong nakatingin sa akin.
"Tama bang hiniwalayan ko na si Astrid?"
"Huh?"
"Alam kong masama, Sky. Pero may nagugustuhan na ako na iba."
Para namang nabiyak 'yung puso sa narinig ko. May nagugustuhan pa siya? So, hindi niya mahal si Astrid? Eh, sino naman 'yun?

BINABASA MO ANG
favorite | yohan
Cerita Pendek❝you are my favorite and you will always be.❞ ❝favorite❞ ➳ kim yohan ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.