023 // sky's

1.1K 79 84
                                    

skylyn choi's

"Tama na, Sihun kasi!" Inagaw ko naman 'yung phone ni Sihun habang natatawa kaming dalawa. Paano kasi pinipicturan ako nang pinipicturan.

"Bakit ba? Ang cute kaya." Sabi ni Sihun. Humiga naman sa binti ko si Sihun.

Madalas na kaming tumambay ni Sihun sa dance room ng school. Lalo na kapag walang teacher. Wala naman kasi akong kasama, kaya lagi na lang ako sinasamahan ni Sihun.

Tsaka ang hilig ni Sihun sumayaw kaya palagi rin kami nandito.

Napatingin kami ni Sihun sa may pintuan nung bumukas ito.

"Nagulo ko ba kayo?" Tanong ni Yohan.

"Wala kang pet dragon na kasama?" Tanong ni Sihun. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Huh?" Nagtataka si Yohan.

"Ang slow mo talaga! Edi 'yung gf mo." Sabi ko sa kanya.

"Ah, grabe kayo." Tanging sambit ni Yohan.

"Pero uwian na, kanina pa kayo nandiyan." Sabi ni Yohan.

"Wala namang teacher eh." Sabi ni Sihun sa kanya. Tumayo naman si Sihun at nilahad niya 'yung kamay niya sa akin para tumayo na rin ako.

Lumabas na kaming tatlo sa dance room at dumiresto sa classroom namin. Wala na ngang tao, tapos bag na lang naming tatlo 'yung nandun.

Pagkatapos naming kunin 'yung bag namin at pagkalabas namin ng campus ay inakbayan ako ni Sihun, "Saan tayo ngayon?"

Hinila naman ako ni Yohan mula kay Sihun, "Akin muna si Sky. Sorry, brad."

Napatingin ako kay Yohan at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi sayo si Sky." Tapos kinuha naman ni Sihun 'yung isa kong kamay.

"Mga siraulo, ano ba tingin niyo sa akin? Tali???" Sabi ko naman sa kanila. Hinila ko naman parehas 'yung kamay ko.

"Kumain na lang tayo." Sabi ko sa kanila.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid naman ako ni Yohan pauwi ng bahay.

"Nasaan ba si Astrid?" Tanong ko.

"Umuwi na." Sagot niya.

"Ah."

Nung nasa tapat na kami ng bahay, humarap sa akin si Yohan at niyakap ako bigla.

Bumilis bigla 'yung tibok ng puso ko. Alam ko namang normal lang ito sa amin, pero bakit ganto?

"Sky, iiwan mo ba ako?" Tanong niya habang nakayakap siya sa akin.

"Syempre, hindi." Sabi ko sa kanya.

"Sorry sa lahat. Nagseselos ako kapag kasama mo palagi si Sihun."

"Bakit?"

"Parang siya na 'yung bago mong bestfriend eh."

favorite | yohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon