end

1.3K 72 25
                                    

skylyn choi's

Pagkagising ko, napansin kong walang tao sa bahay. Ano ba 'yan? May trabaho ulit sila Pa.

Pagkababa ko ay kumain na lang ako ng cereal tapos nilagyan ko fresh milk.  Pagkatapos ko kumain ay agad akong naghanda kasi makikipagkita pa ako kay Yohan.


Lumabas ako at kinuha 'yung bike ko para hindi na ako mahirapan maglakad.

Pagkadating ko sa clubhouse, napaisip ako. Saan kaya si Yohan dito?

Sinubukan kong sumilip sa events place ng clubhouse pero madilim. Aalis na sana ako nang may nagtakip ng mata ko.

"Hoy?! Hala, tulong!!! Kidnap!!! Rape!!! Murder!!!" Sigaw ko. Nakarinig naman ako ng madaming tawa.

Nung tinanggal nila 'yung takip ko sa tenga ay nagulat ako na nandito lahat 'yung mga kaibigan ko pati mga special na tao sa buhay ko. Si Sihun pala nagtakip ng mata ko tapos inaalalayan nila ako ni Seongjun.

Nakita ko si Yohan na papalapit sa akin na may hawak na cake. Blueberry cheesecake naman ngayon.

Kinantahan nila ako ng happy birthday. Nakangiti sa akin si Yohan, "Happy birthday, cheesecake." Sabi niya sa akin.

"Bilisan mo na lang, Yohan. Sabihin mo na gusto mong sabihin. Ikaw may pakana nito eh, nagugutom na kami." Biglang sabi ni Seongjun. Kaya natawa kami lahat.

"Sky, alam ko ring nabigla ka sa lahat na nangyari. Hindi ko naman agad na agad hinihiling na maging girlfriend kita, kaya ko maghintay. Salamat sa pagsasabi mo sa akin palagi ng "you are my favorite and you will always be," dahil ikaw lang din ang favorite ko," Tumigil siya saglit, "Kaya papayagan mo ba akong ligawan ka?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya, may sinuot naman siya sa akin na necklace na hugis ng isang slice ng cake.

"Hays, salamat, makakakain na rin." Sabi ni Seongjun.

Niyakap ko naman si Yohan, "Thank you, Sky." Sabi niya.

You are my favorite, Kim Yohan and you will always be.

— ♡ —

pasensya ang corny tsaka ang cringe gajavaushjshs wala na ako maisip eh. sa mga team sihun diyan, 'wag kayo mag-alala, pakikiligin tayong lahat diyan ni sihun sa susunod kong story. pero isusunod ko muna 'yung kay wooseok as requested ng lahat!!

salamat sa lahat ng mga nagbasa!! 4k+ reads na siya awieeeee. labyu all mwah.

abangan niyo na lang 'yung iba kong story, sana sipagin ako kay wooseok, jungmo at eunsang. para makapagpublish ako ng ham wonjin, kim sihun, kim mingyu, o kaya song hyeongjun. hehehehehe. 'yun lang bye thank you!!!

— hani ♡

favorite | yohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon