058 // sky's

1K 61 42
                                        

skylyn choi's

Tumingin-tingin ako sa paligid ko habang hinihintay ko kumuha ng pagkain sila Mama sa buffet hall sa hotel namin.

Nakita ko naman sila Mama na nilapagan ako ng strawberry cheesecake sa harap ko.

"Sabi mo busog ka pa eh, kaya ayan favorite mo." Sabi ni Mama.

Nalungkot naman ako. Favorite ko raw 'yung cheesecake. Namiss ko na si Yohan. Siguradong galit na 'yun sa akin.

"Nak, sorry, ha? Hindi natin macelebrate ng maayos 'yung birthday mo kahapon." Sabi naman ni Pa.

"'Yung bestfriend mo? Si Yohan ba 'yun? 'Yung palaging nasa bahay kapag birthday mo? Pasabi pasensya na. Madami tayong aasikasuhin." Sabi ni Ma.

Nalungkot nanaman ako. Binanggit pa nila si Yohan.

Tahimik ko na lang kinain 'yung strawberry cheesecake.

Namimiss ko na talaga siya.

Mag-isa lang ako naglalakad dito sa mall na malapit lang naman sa hotel namin.

Pero natakot ako nang may biglang yumakap sa akin.

"Sky."

"Yohan?"

Hindi, Sky. Nag-iimagine ka lang na si Yohan 'to. Oo, sobrang miss ko na siya pero grabe naman—

"Sky, 'wag mo ako iwan. Please." Nanlaki 'yung mata ko nang makompirma kong si Yohan talaga 'yun.

"Bakit ka nandito? Paano?" Tanong ko sa kanya.

Tinuro naman niya 'yung nasa likod ko at nakita ko si Sihun na nakangiti sa akin. Niyakap ko naman siya bigla.

"Hoy, baka magalit si cheesecake mo." Sabi ni Sihun kaya kumalas ako sa yakap.

Nakita ko naman 'yung badtrip na mukha ni Yohan kaya lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.

Kakalas na sana ako sa yakap pero bumilis lalo 'yung tibok ng puso ko nung ayaw niya na ako pakawalan sa yakap.

"Brad, sulit na sulit na 'yan ah." Natatawang sambit ni Sihun.

Nung kumalas na sa yakap si Yohan ay hinawakan niya naman ako sa mukha, dahilan para maipit 'yung mga pisnge ko.

"Sky, gusto kita. Matagal na. Natatakot lang ako umamin dahil ayokong masira 'yung pagkakaibigan natin. Naawa rin ako kay Astrid kaya hindi ko magawang makipaghiwalay sa kanya."

"Ha? Bakit? Ano meron kay Astrid?" Tanong ko sa kanya.

"Lumaki si Astrid sa tita niya. Ang dahilan namin kaya kami pumunta ng Japan nun dahil hahanapin namin 'yung mama niya." Kwento ni Yohan.

Tumango-tango naman ako, "Hindi mo talaga mahal si Astrid, naawa ka lang sa kanya? Baliw ka talaga kahit kailan, sa sobrang bait mo, kung ano-ano pinasok mo para matulungan lang 'yung tao." Sabi ko sa kanya tsaka pinalo siya sa braso niya.

Napa-'aray' naman siya sa sakit at tumawa.

"So, ano, Sky?" Tanong ni Yohan.

"Um-oo ka na lang, Sky, at sabihin mo rin na gusto mo siya. Naiinip na ako rito eh." Sabi ni Sihun sa gilid. Oo nga pala, nandito siya.

"Gusto rin kita, Yohan. Kaso," Napatigil naman ako saglit, "Hindi kami agad makakauwi, baka nga rito na kami para tumira for good."

"Sky, handa akong sumama sayo rito."

"Ha?"

"Gagawin ko lahat. Hindi na kita papakawalan, Sky."

favorite | yohanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon