MANHID'S POV

1.2K 9 4
                                    

Author's Note:

Dedicated po ito kay kathy_rose dahil birthday nung last Thrusday. Happy birthday!!!

------------------------------

Manhid's este ZIANNE's  POV

“Ziannnnnnnne!”

Napalingon ako sa likod ko. Ayan na naman ang bestfriend ko, bubulabugin niya na naman ang tahimik kong recess.

Meet Jewel Flordeliz, ang campus crush ng school namin. Oo, lahat ng lalaki kapag nakakasalubong siya, laglag ang panga. At kapag magkasama kami, mukha niya akong alalay . NBSB siya dahil binabasted niya lahat ng nanliligaw sa kanya. May isa lang siyang kinahuhumalingang lalaki at sadly, yun lang yata ang lalaking di pumansin sa beauty niya.

“OMG!” tili niya pagka-upo sa tabi ko. “Nakasalubong ko si Crush!!!”

Mukha pa lang niya, alam ko ng yun ang sasabihin niya. Kailan pa ba nawala sa usapan namin ni Jairo Nicolas?

Okay. Jairo Nicolas. Walang estudyanteng di nakakaalam ng pangalan na yan. Kasali na sa everyday life ng mga estudyante ang sabihin ang pangalan niya. Normal lang na nagtititili ang mga babae kapag nakikita siya.

You know, siya ang running for valedictorian at MVP ng basketball team. Siya ang photographer ng school paper namin kaya lagi siyang may bitbit na camera. Siya ang leader ng dance group sa school. Also, siya ang Mr. Campus Idol this year. Basta, bukambibig ang pangalan niya.

“Ziane Tuazon,” tulak sa akin ni Jewel. “Wala ka man lang sasabihin?”

Hayyy. Ako nga pala si Ziane Tuzaon, I prefer to be called Ziane. Wala akong maipagmamayabang. Simpleng estudyante lang ako. Mga kaklase ko lang ang nakakakilala sa akin. Ang iba, kilala ako bilang alalay ni Jewel.

You know, boring ang buhay ko.

“Ha?” pumikit-pikit ako. Pwede bang pinapakilala ko lang yung mga characters sa kwentong ito?

“Gaya lang ng dati, nag-smile lang siya nung kinawayan ko siya,” nag-pout siya. “Kailan niya ba ako liligawan?”

“Ha? Nililigawan ka niya?”

“Ayusin mo nga muna yang utak mo,” lalo pa siyang sumimangot. “Alam mo namang in my dreams ko na lang yun. Malapit na tayong magcollege, maghihiwalay na kami, hindi na maitutuloy ang love story namin.”

“Tigilan mo na nga kasi yan bestfriend,” itinuloy ko ang pagkain ko. Wala na talaga siyang sinabi kundi ang lovelife niya. “Atupagin mo na lang mga entrance exams.”

“Sana pareho kami ng university na papasukan. Pero syempre, in my dreams ko na naman yun kasi ang talitalino niya.”

“Eh di gawin mo siyang inspirasyon para mag-aral ng mabuti.”

“Nadidistract niya ako sa pag-aaral. Alam mo na bestfriend, laging lumilipad ang isip ko pag naiisip ko siya. OMG! Malapit na ang Christmas Ball.”

“Di kunin mo siyang escort.”

“As if naman, baka sa panaginip ko na lang niya ako isasayaw.”

Ang drama niya nuh? Ganyan lang ang mga kabitteran niya sa buhay. Actually, wala siyang problema except si Jairo. She has the money and the beauty. Hindi tulad ko, kailangang mag-aral dahil wala daw maipapamana mga magulang ko sa akin.

“Bestfriend!!!” patiling bulong niya sa akin sabay nguso sa entrance ng canteen. Si Jairo!

“Hi Jairo!” kaway ni Jewel. Yung simangot niya kanina, ngayon hanggang taingang ngiti na.

kwentong TATSULOK <book1 completed>Where stories live. Discover now