Author's Note:
Dedicated to ImALilStar. Salamat ng bonggang-bongga sa pagbabasa nito. :)))
--------------
MARTYR’S este JEWEL'S POV
“Ziannnnnnnne!” Tawag ko sa bestfriend ko, likod pa lang niya kilala ko na. Buti na lang pala napadaan ako sa canteen. Paglingon niya, agad ko siyang nilapitan.
Meet my bestfriend, Ziane Tuazon. Ahm, kahit boring ang buhay niya enjoy pa rin ako sa kanya. Minsan wala siyang pakialam, nakakairita nga eh. Haha. Medyo weak siya, may pagkalampa at clumsy. But I love her. Hindi kasi siya plastik tulad ng iba.
“OMG!” tili ko pagka-upo sa tabi niya. “Nakasalubong ko si Crush!!!”
Tinignan niya lang ako. Psh, nagsasawa na din kasi siyang makinig kapag si Jairo na ang topic.
Hayyyy. My Jairo. Oo, lahat ng babae sa school karibal ko except my bestfriend. Bulag yata siya at hindi niya makita ang kagwapuhan ni Jairo. At super duper okay yun sa akin kasi ayokong magkaribal kami ng bestfriend ko.
Nakakabaliw talaga si Jairo! Siya ang pinakasikat ever na boy sa school at syempre ako ang pinakasikat ever na girl kaya bagay kami. Bagay na bagay! MVP siya ng basketball team tapos ako ang captain ng drum and lyre band. He’s a photographer at wala akong talent na ganun. Pero basta, bagay pa din kami. Magaling din siyang sumayaw, I can sing though. Tapos campus idol pa siya syempre ako ang campus crush.
Diba? Bagay na bagay na bagay kami? Jairo and Jewel forever. Diba??? Bet na bet ko yun.
Oo pala, I almost forgot. I’m Jewel Flordeliz, the one and only. Nasabi ko naman na lahat ng tungkol sa akin. I’m popular. I’m rich. I’m beautiful.And I’m in-love with that boy named Jairo Nicolas.
“Ziane Tuazon,” tulak ko kay Zianne nang hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya sa akin. “Wala ka man lang sasabihin?”
“Ha?”
Psh, hindi na naman nakikinig itong babaeng ito ee. “Gaya lang ng dati, nag-smile lang siya nung kinawayan ko siya,” kwento ko. “Kailan niya ba ako liligawan?”
“Ha? Nililigawan ka niya?”
“Ayusin mo nga muna yang utak mo,” simangot ko. Nakakatampo talaga itong bestfriend ko minsan. “Alam mo namang in my dreams ko na lang yun. Malapit na tayong magcollege, maghihiwalay na kami, hindi na maitutuloy ang love story namin.”
“Tigilan mo na nga kasi yan bestfriend,” ipinagpatuloy niya ang pagkain niya. “Atupagin mo na lang mga entrance exams.”
“Sana pareho kami ng university na papasukan. Pero syempre, in my dreams ko na naman yun kasi ang talitalino niya.”
Malamang sa UP yun mag-aaral ee ang hirap-hirap ng entrance exam dun. Kung biniyayaan lang sana ako ng katalinuhan ee di sana hindi mage-end ang love story namin dito.
“Eh di gawin mo siyang inspirasyon para mag-aral ng mabuti,” sabi niya.
As if naman nuh. Siya na lang lagi ang iniisip ko sa lahat ng gagawin ko. Hindi pa ba inspirasyon ang tawag dun?
“Nadidistract niya ako sa pag-aaral. Alam mo na bestfriend, laging lumilipad ang isip ko pag naiisip ko siya. OMG! Malapit na ang Christmas Ball.”
Biglaan na lang sumingit ang utak ko ang Christmas Ball na yan. OMG!!! Naeexcite na ako. Kailangan ko ng magpacharming to the max kay Jairo bago pa ako unahan ng mga malandutay na ibang girls. Pero as if naman gugustuhin sila ni Jairo. Masyado siyang gwapo para sa kanila.
YOU ARE READING
kwentong TATSULOK <book1 completed>
Teen FictionNasali ka na ba sa isang PAG-IBIG NA TATSULOK? Ikaw ba yung pinag-aagawan? O baka naman yung gusto? Or else sa tatlo... ikaw yung kawawa. Kwentong tatsulok ... para sa mga taong nakaranas na ng ganito.