Hindi pa ako maka move on sa lovelife kong nawasak ng Bagyong Richie nung makilala ko si Nash. Siya ay 2nd Class Cadet sa PMA. Mabait naman siya. tahimik lang. lIpinakilala siya sa akin ng Instructor ko. Kapatid daw ni Nash ang asawa niya.
Hindi maingay si Nash. Hindi rin siya pala kwento. Pag nag uusap kami sa phone ako lang ang madaming sinasabi. Siya ang taga pakinig lang sa mga kwento ko. Kahit ano na lang ang mga ikinukwento ko sa kanya. Pati nga pagsali ko sa Bb. Pilipinas ulit nasabi ko sa kanya. Okay lang naman sa kanya. May moral support nga eh.
Nkilala ko siya nung October 28. Hindi ko ikinuwento sa kaniya na may kilala ako sa PMA. Pinabayaan ko na lang. Ano pa ang rason bakit ikukuwento ko si Richie wala namang silbi yun.
Pasko na nung muli kaming magkita ni Nash. Pumunta siya sa amin sa Sampaloc. Imagine sa Cavite pa siya nakatira huh, pero pumunta siya sa amin. Ipinakilala ko siya sa mga magulang ko. Friends kasi friends lang naman talaga kami. Wala nang iba. Nagustuhan agad siya ng mga magulang ko pati mga kuya ko. Mukhang mabait daw at magalang magsalita.
Lumabas kami nun. Nagpunta kami sa OCean Park. Sabi niya di pa daw siya nakakapunta dun. Marami pa kaming pinuntahan sa araw na yun at sa mga sumunod na araw din. Pumunta rin kami sa bahay nila sa Cavite, ipinakilala niya ako sa mga kapatid niya at sa Tatay niya. Wala na siyang Mommy namatay na. Mabait naman sila sa akin.
Sinabi niya wala daw siyang girlfriend at natatakjot daw siyang manligaw kasi baka daw bastedin siya. Pinagtatawanan ko siya noon. Tinanong ko pa nga kung may gusto ba siyang babae. Ngiti lang siya ng ngiti sa akin.
Hindi ko na nalaman kung sino yung type niya kasi bumalik na siya sa Baguio.
Unlike kay Richie, nagtetetxt at tumatawag pa rin si Nash sa akin kahit marami siyang duties. Before reveille tumatawag na siya. After TAPS tumatawag din siya. Yun lang pag may pasok the next day hindi kami masyado matagal mag usap.
MArch na nung inimbitahan niya ako umakyat ng Baguio. Sabi niya kung tapos na ang school ko pwede daw ba akyat ako kasi hindi daw siya uuwi ng Cavite agad. Sabi ko baka matagal pa ang closing namin. Sabi niya hihintayin daw niya ako.
Umakyat nga ako ng Baguio after my last class for the school year. Sabi ni Nash hintayin daw niya ako sa bus station. Totoo nga, nandun siya pagdating ng Victory Liner na sinakyan ko sa busstation naghihintay. Guapo din pala tong si Nash kahit na maliit lang. Sinalubong niya ako at kinuha ang bag ko. Sabi niya nakatira daw siya sa bahay ng mistah niya. eh wala naman daw yung parents ng mistah niya kaya okay lang daw na dun na rin ako makistay habang nasa Baguio pa kami.
Tinanong ko siya kung ilang mistah niya ang kasama sa bahay, sabi niya 3 lang daw sila. Huwag daw akong mahiya kasi yung isang mistah nila babae. hinihintay din niya yung boyfriend daw niya na magbreak para sabay na silang bumababa ng Tarlac. tinanong ko kung kadete din ba yung boyfriend niya sabi niya hindi daw, estudyante daw sa UP Baguio.
Nung dumating kami sa bahay ng mistah niya, nagulat kami kasi may mga kasamang iba pa na nagsidatingan din. Yung iba mga mistah din nila at yung dalawa upperclass nila. Ipinakilala ako mga mistah ni Nash. Puro kanityaw ang inabot ni Nash sa kanila kasi daw tatahithimik eh may itinatago daw pala siyang napakagandang girlfriend. kahit anong deny ni Nash na hindi niya ako girlfriend, walang naniniwala sa kanya. Hindi ko na rin sila poinansin sa kakakantiyaw.
Natulog ako nun sa room kasama yung babaeng mistah nila. Sabi ni Mara, yun ang name niya, isara ko daw baka pumasok si Nash na bagay na pinagtawanan na lang namin.
The next day lumabas kami ni Nash. Ipinasyal niya ako sa Baguio. Well, sa Mines View, sa John Hay, sa Burnham, Sa Session, sa Market, sa PMA sana kaso bawal na daw siya pumasok dun kasi break na nila. Masaya siyang kasama. Hindi siya nagsasamantala. Hindi niya kailanman hinawakan ang kamay ko or ikinikiskis ang braso sa braso ko. gentleman talaga siya.
Parang nagugustuhan ko na siya kaso hindi naman siya nanliligaw. Nanood kami ng sine sa SM.Okay lang naman yung movie. PAgkatapos nun eh kumain lang kami at bumalik na sa bahay ni dennis, yung mistah niya.
Pagdating namin dun nag iinuman ang mga kadete. Nalaman ko na umuwi na pala si Mara sa tarlac kasi sinundo na siya ng boyfriend niya kaya ako na lang ang sa room. Niyaya siNash ng mga Mistah niya na makipag inuman kaso ayaw niya. Naupo na lang kami sa harap ng tv at nanood ng news. Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako. Naka lean ako sa balikat ni Nash. Nung magising ako, umupo ako ng tuwid bigla. Sabi ko Sorry sa kanya. Okay lang naman sabi niya sa akin.
Yung mga mistah niya at upperclass eh maiingay na so sabi niya buti daw eh pumasok na ako sa room at matutulog na lang din daw siya.
Bumababa na kami ng Manila the next day. Bumili muna kami ng mga pasalubong para sa mga pamilya namin. As usual mga vegies and fruits binili ko, siya naman eh ganun din.
Parati na kaming nag de date after that. Hindi ko alam kung date yun o labas lang. Wala naman siyang sinasabi na kami na at hindi rin ako nag assume na kami na.
One day, habang nag uusap kami,sumingit yung mistah niya...YAN BA YUNG MAIKSI ANG HAIR NA NAGBIGAY NG CAKE NUNG ISANG ARAW? SLAMAT HA! Nagulat ko. nanlamig. Oh no, kapareho lang siya ni Richie. Nasabi ko na lang sa kanya na sige, ayoko nang makipag usap sa kanya. Nag papaliwanag siya pero hindi ko na pinakinggan. Ayoko sa manloloko.
Sayang gusto ko na sana si Nash kasi akala ko kakaiba siya. Pero kapareho lang pala niya si Richie, manloloko.
Mula nun kahit na ilang beses akong tawagan o itext hindi ko na siya pinansin pa.
BINABASA MO ANG
My Cadets....Confession of a Vaultfiles
Storie d'amoreAll characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental.