Magkano ang ngiti mo?
Gusto kong bumili ng marami
Magkano ang tawa mo?
Gusto kong pakinggan ng paulit ulit
Magkano ang luha mo?
Itatago ko, para 'di mo na maranasan ang pighati muli
Magkano ang tampo mo?
Para maalala kong importanteng pahalagahan ang mga sinasabi mo
Magkano ang pag ibig mo?
Pwede bang bilhin ko na lang?
Para di ka na nila masaktan
Ako na lang
BINABASA MO ANG
Wala Lang
PoetryAkoy baguhan sa larangan ng pagsusulat at hindi ko rin ninais na maisiwalat ang mga nasa isip ko, bigla na lamang pong naabutan ang sariling nagtitipa at inilalabas ang mga nais imungkahi.. ano daw?