Gusto kita
Hindi dahil parati mo 'kong napapasaya
Gusto kita
Hindi dahil nakasanayan ko ng nandyan ka
Gusto kita
Hindi dahil wala na kong mapiling iba
Gusto kita
Hindi dahil masaya ako kapag hawak ko ang kamay mo
Gusto kita
Hindi dahil nababaliw ako sa mga ngiti mo
Gusto kita
Hindi dahil naaadik ako sa amoy mo
Gusto kita
Hindi dahil ikaw ang nagbibigay kalinawan sa isip kong magulo
Gusto kita
Hindi dahil alam mo ang mga paborito ko
Gusto kita
Hindi dahil naaalala mo ang kaarawan ko
Gusto kita
Hindi dahil pakiramdam ko importante ako sayo
Gusto kita
Hindi dahil pakiramdam ko pareho tayo ng nararamdaman
Pero Gusto kita
Dahil ikaw ay ikaw.
Walang halong dahilan.
Walang pag aalinlangan.
Ikaw ang pinipili
At patuloy na pipiliin
Ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Wala Lang
PoetryAkoy baguhan sa larangan ng pagsusulat at hindi ko rin ninais na maisiwalat ang mga nasa isip ko, bigla na lamang pong naabutan ang sariling nagtitipa at inilalabas ang mga nais imungkahi.. ano daw?