Halik nga ba?
Ang kayang gumamot sa sakit ng puso nating dalawa?
Naaalala mo pa ba?
Nung panahong wala tayong paki alam sa mundo?
Na kahit ang ingay ingay ng paligid, mata mo lang ang nakikita ko?
Pababa kung saan makikita ang magandang labi mo, na tila ba nang aakit na dampian ito?
Halik nga ba?
Ang sagot sa mga tanong kong hindi mo masagot sagot? Bakit ang hirap sagutin?
Bakit ang hirap malaman ng tinitibok ng puso mo?
Bakit sa pag aakalang pag magkasama tayo ay abot kita.
Pero nananatiling nakatingala sa misteryo mo?
Bakit kahit hindi kita kilala, kilalang kilala ka ng puso ko?
Bakit sa isang dampi lang ng labi mo sa labi ko nagbago na ang lahat.
Bakit ang hirap?
Sa tuwing naiisip kong may katapusan ang namamagitan sating dalawa?
Bakit hindi nalang natin ituloy ang mundo natin sa pamamagitan ng halik?
BINABASA MO ANG
Wala Lang
PoetryAkoy baguhan sa larangan ng pagsusulat at hindi ko rin ninais na maisiwalat ang mga nasa isip ko, bigla na lamang pong naabutan ang sariling nagtitipa at inilalabas ang mga nais imungkahi.. ano daw?