Bakasakaling naaalala mo rin ako sa tuwing kakainin mo ang paborito nating isaw
Bakasakaling naaalala mo pa yung mga biro kong kalahatiy totoo
Bakasakaling naaalala mo pa yung lugar kung san tayo unang nagkita
Bakasakaling dinadalaw mo pa yung batang dati'y tinuturuan natin
Bakasakaling inaaalagaan mo pa yung mga pusang ligaw sa may eskinita
Bakasakaling may pinanonood mo pa yung paborito nating laro kung saan madalas nating pagpustahan
Bakasakaling ginagamit mo pa yung sapatos na regalo ko sayo
Bakasakaling kumakain ka pa rin sa karinderya ni aling demensia
Kaya naman nag bakasakali akong puntahan kang muli
Sa mga lugar kung saan marami tayong nabuong alaala
Patuloy kong binabalik balikan ang mga alaala nating dalawa
Bakasakaling nandun ka rin kasama nila
Ngunit nakalimutan kong
Ikaw nga pala ang unang umalis
Ikaw nga pala ang unang nang iwan
Ikaw nga pala ang unang tumalikod
Sa mga mahahalagang alaalang binuo natin
BINABASA MO ANG
Wala Lang
PoetryAkoy baguhan sa larangan ng pagsusulat at hindi ko rin ninais na maisiwalat ang mga nasa isip ko, bigla na lamang pong naabutan ang sariling nagtitipa at inilalabas ang mga nais imungkahi.. ano daw?