Hindi na ako tulad ng dati
Na mabilis mahulog sa ngiti mo
Hindi na ako tulad ng dati
Na handang unahin ang kapakanan mo
Hindi na ako tulad ng dati
Na matutuwa sa bawat pagbigkas mo ng pangalan ko
Hindi na ako tulad ng dati
Na mahina pag dating sayo
Hindi na ako tulad ng dati
Na bulag sa pagmamahal na inaalay ko sayo
Hindi na ako tulad ng dati
Na matataranta sa presensya mo
Hindi na ako tulad ng dati
Na pilit pinagsisiksikan ang sarili ko sayo
Hindi na ako tulad ng dati
Na kontento na sa pagsulyap sayo sa malayo
Hindi na ako tulad ng dati
Na mabilis maapektuhan sa mga sinasabi mo
Dahil hindi na nga ako tulad ng dati na minahal mo,
Natuto na kong palayain ka
Kaya sarili ko muna
Salamat sa bagong ako
Na ikaw ang dahilan
BINABASA MO ANG
Wala Lang
PoetryAkoy baguhan sa larangan ng pagsusulat at hindi ko rin ninais na maisiwalat ang mga nasa isip ko, bigla na lamang pong naabutan ang sariling nagtitipa at inilalabas ang mga nais imungkahi.. ano daw?