"ESMERALDA" ANG HULING ASWANG
akda ni Buboy Magtanggol
SA ISANG KUBO, isinisilang ni Roda ang isang sanggol.
Isang sanggol na magbibigay ligaya at magiging pag-asa sa kahirapan ng buhay.
Hindi mapa-kali ang ina ni Roda na si aling Gina.
balisang balisa ito at panay ang dungaw sa bintana. tumi-tingala sa kabilugan ng buwan.
sa darating na sandali ay Alam niyang ito na ang panahon ng sumpang binitiwan ng kanyang ina. Ang sumpa sa ika-tatlong saling lahi.
ang nakararan:
"INAY... Huwag po!!! Maawa ka kay Rodel... Buntis ako... Wala siyang kinalaman dito!!! Ako ang may kasalanan ng lahat. Inay...Huwag mong idamay ang asawa ko!!!" Malakas na sigaw ni Gina na patuloy ang pagtagas ng makapal na luha sa mata nito.
"Wala kang karapatang magmahal sa tao!!! Walang sinoman sa ating lahi ang iibig sa tao.Kamatayan ang kapalit na parusa!!!" ganting sigaw din ng kanyang ina na si aling Epang habang sakal nito ang nakahandusay at walang malay na si Rodel.
nagmamakaawang napaaluhod si Gina sa harapan ng kanyang ina..ni wala siyang lakas upang awatin ang ina sa ginagawa nito.
"Inay, parang awa mo na... tama na po!!! Tigilan mo na yan!!!"
madiing Hinawakan ni aling Epang ang isang tabak at inumang sa harapan ng asawa ni Gina.
"eto ang bagay sayo!!!" sigaw ni aling Epang
At kasunod nito'y Tinaga nito ang ulo ni Rodel.
Tumilansik ang malapot na dugo sa kanyang mukha.
"Hahahaha.Walang sinoman ang makakapigil sa tinadhana ng kadiliman." sigaw na malakas ni aling Epang na tila wala na sarili.
hinatak pa nitong paitaas ang pugot na ulo.
Napahagulgol ng malakas si Gina sa nasaksihan nito. mas lalo pa itong tumili at pinaghahampas ang lupa nang makita nitong itinapat ng kanyang ina ang pugot na ulo sa saharapan ng bibig.
"Rodel........Tama na inay!!! " galit na sigaw ni Gina
Sa pagkakaluhod ni Gina ay napansin niya ang isang matulis na sanga ng punong kahoy.
Dali dali niya itong kinuha at tumakbong palapit sa kanyang ina.
Dala ng galit ay isinaksak ni Gina sa likuran ng kanyang ina ang matulis na kahoy. Tumagos ito sa katawan ng kanyang ina. Ngunit patuloy pa din nitong ninanamnam ang dugong dumadaloy sa pugot na ulo.
"Sinabi nang tama na!!! galit na sigaw ni Gina at papatulala pa ito nang makita ang kalagayan ng ina.
"Tama na!!!!!" muling sumigaw si Gina nang kumilos ulit ang inang may naka-tarak na kahoy sa katawan.
unti-unting lumingon si aling Epang sa harapan ng anak at nagluwa ito ng dugo at pilit na nagsalita.
"Walang sinoman ang makakatakas sa sumpa ng ating lahi... Sa ika tatlong saling lahi ay hahalo ang dugo ko sa liwanag ng buwan,duon mo malalaman ang katotohan." mahinang wika ng ina nito na tila malalagutan na ng hininga.
Napaiyak si Gina sa narinig niya. Kinuha ni Gina ang tabak sa kamay ng kanyang ina.
bigla nitong pinagtataga ang sariling ina. Humandusay ang katawan ni aling Epang sa lapag ng lupa at duon ay patuloy ang pagtagas ng dugo. Mga dugong kumakalat sa lapag ng tuyong lupa na tila ang mga ugat ng mga puno ay tigang sa kakaibang lasang natikman.
Walang patid na naririnig ni Gina ang sumpang binitiwan ng ina.patuloy itong nanunuot sa kanyang tainga.
Halos mawala sa sariling isip si Gina. Tumayo ito at tumakbo patungo sa loob ng kubo.Kinuha nito ang isang gasera at muling bumalik sa nakahandusay na mga bangkay. inihagis Nito ang naka-sinding gasera sa katawan ng ina na nakahandusay.
Kumalat ang apoy at bumalot ng makapal na usok...
Tumakbong mabilis si Gina at nagsisigaw ito ng malakas.
"hindi..."
Naging daan sa liwanag ang natutupok na bangkay ng ina nito.Hindi na nakuhang lumingon ni Gina sa kanyang pinang-galingan,bagkus ay nagpatuloy itong tumakbo at nagpakalayo ng husto.
Dala ng pagod ay napaupo si Gina sa isang malaking bato. Doon ay nagpahinga ito at pinagpatuloy ang pagiiyak.... Hinawakan nito ang tiyan at sumigaw ulit ng malakas.
"Hindi......!!!"
Usap-usapan sa kabilang baryo ang nasunog na bangkay.
"Ano kamo?" Tanong ng isang matanda
"Patay na daw si Epang." tugon ng isang matandang babae
"Si Epang ba? Yung may lahing aswang.? Yun ba ang namatay?" Makulit na tanong ng matandang tila mahina ang pandinig.
"Oo,at dalawang bangkay ang natagpuan.Yung isa ay pugot ang ulo."
"makatindig balahibo nga ang nangyari. Sunog ang mga katawan. Siguro katawan ng mag-ina ang natupok ng apoy." paliwanag. pa ng isang matandang babae
"susmaryosep! Mahabing Diyos!" saad Naman ng isa pang matandang babae at nag-antanda pa ito.
"Nakakakilabot naman. Pero sa wakas at matatahimik na din ang ating baryo sa mga masa-samang kampon ng diablo. Sabay nagkrus ito sa kanyang ulo at balikat.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Esmeralda Ang huling Aswang
Mystery / Thrillerang huling aswang na magpapatayo ng inyong balahibo.