Esmeralda Ang huling aswang

1.1K 27 1
                                    

Chapter 2

Akda ni Buboy Magtanggol

PAGKALIPAS NG 20 TAON:

Nagbubunyi ang mga paniki, panay ang ikot sa liwanag na dulot ng kabilugan ng buwan.

"Inay....... Ang hindi ko na kaya! sigaw ni Roda na namimilipit sa kirot ng tyan.

"Ineng, konting tiis na lang. Isang malakas na ire lang. saad ng manghihilot na pawisan na ang mukha at tila hirap sa pagpapa-anak.

"Anak, kaya mo yan. Normal lang yan sa mga babae." saad ni aling Gina na tila balisa sa nangyayari.

Isang malakas na pagiyak ng sanggol ang umatungaw sa katahimikan ng gabi.

Kasunod nito ay ang pag-alingawgaw ng mga asong gubat. Nakisabay din ang panahon. Kumulog at kumidlat.

"Susmaryosep! Mahabaging Diyos, ano ba itong nangyayari sa aming nayon. Bakit ganito?Nakakakilabot ang nangyayari" Takot na wika ng isang matandang babae, At biglang sinarado ang bintana at pintuan ng bahay.

Halos lahat ng kapit bahay ni Roda ay kinilabutan sa kanilang naririnig. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Babae..." "Babae ang anak mo Roda." saad ng kumadrona.

"Napabuntong hininga si aling gina (ang ina ni Roda)

"Hay' salamat po. Salamat panginoon."

"inay, matutuwa sa si alberto, may anak na kami. Dumating na ba ang asawa ko?" Nang-hihinang tanong ni Roda

"Wala pa anak." tugod ni aling gina habang kalong ang sanggol na apo.

Sa di kalayuan ay nagmamadaling makauwi si Albeto upang masilayan niya ang paglabas ng kanyang anak.

Hindi makapagsalita ang manghihilot sa nakitang itsura ng sanggol.

"Diyos ko! Bakit ganito ang itsura ng bata. Mahaba ang pangil ng ngipin. At tila may buntot pang tumubo sa likuran. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng sanggol.napakalakas pang kumilos." manghang-mangha ang manghihilot sa kanyang nakikita. Pati si aling Gina ay di' rin makapaniwala at may parang pwersang nag-uudyok na bitiwan niya ang sanggol. At lumabas sa kanyang paningin ang isang imahen ng kadiliman...

Pilit ina-aabot ni Roda ang kanyang anak, kahit ito'y nanghihina pa.

"inay akina po anak ko. Gusto ko siyang mayakap."

ISANG aso ang sumalubong sa harapan ni Alberto. isang malaking aso na tila sabik sa lamang loob ng tao at tumutulo pa ang laway.

"Sino ka?" matapang na sigaw ni Alberto.

"Kung sino ka mang kampon ng demonyo ay hindi ka sasantuhin ng hawak kong tabak."

Umatungal ng malakas ang aso at bigla itong tumakbong palapit kay alberto.

Dali daling inunday ni Alberto ang kanyang itak at inihanda nito sa pag atake ng itim ng aso...

NIYAKAP Naman ni Roda ang kanyang anak.

"ESMERALDA, Esmeralda ang ipapangalan ko sa kanya Inay.tignan mo, Kahawig ko si Esmeralda" nagbago ang itsura ng sanggol nang hawakan na ito ng kanyang ina na si Roda.

Lumapit ang ina ni Roda na si Aling Gina.

"Oo nga anak, kahawig mo nga."

Dali-daling nagligpit ng kanyang gamit ang manghihilot.dama nito na may kakaibang nangyayari sa loob ng bahay.

"Aalis na ako" saad ng manghihilot. Dama niya ang kakaibang awra ng sanggol at hindi niya maipaliwanag ang takot na nararamdaman.

Inilihim nya sa mag-ina ang kanyang natuklasan. Isang kampon ng kadiliman ang sanggol..

Huminto ang pagkulog at kidlat pati ang pagbuhos ng ulan ay tumila.

Isang matandang lalaki ang naglalakad sa mapuno at madalim na kawayanan. Dala nito ang sulo at ang kanyang kalabaw.

Naaninagan nito ang isang taong nakahandusay sa lupa. Dali-dali niya itong nilapitan at inaninag.

"Diyos ko po! Sinong may gawa nito. Hindi tao ang may likha nito. Wak wak ang leeg at labas ang mga lamang loob."

Luminga linga ang matandang lalaki at nagmadaling umalis.

Aling Gina...! Roda....!

Isang lalaki ang sumisigaw sa labas ng kanilang bahay.

"Aling Gina... Si albeto po! nagtagpuan namin sa kawayanan, patay na!

Dali daling dumungaw ng bintana si aling Gina at tinanaw ang taong nagsasalita.

"Ha! Ano? Hindi makapaniwala si aling Gina sa kanyang narinig. mabilis itong lumakad palabas ng pinto.

"Inay ano yun?" Tanong ni Roda na tila naguguluhan sa narinig.

"Diyan ka muna anak ha! May aalamin lang ako."

Lumabas ng bahay si aling Gina at pinuntahan ang katawan ni Alberto.

Natulala si aling Gina sa kanyang nasaksihan. Napaluha ito at napasigaw ng malakas.

"Hindi.... ! Patay ka na! Patay ka na inay...!

Nagbulungan ang mga taong nakasaksi at nakarinig sa ginawa ni aling Gina.

"Ano daw?" Bulong ng isangbabae

"Naku! Naka-kakilabot naman ang nangyaring ito. Ang alam ko lang ay malalakas na atungal ng aso ang narinig naming mag ina." kwento ng isa pang babae na nakiki-usisyoso.

"Oo, nga pati kami ng asawa ko ay natakot din. Parang nagbabadya ng hindi maganda ang mga atungal ng aso na yun."

"Bka naman may aswang na sa lugar natin. Naku dapat lumapit tayo kay father Jose at magpamisa na tayo. Dapat ipaalam natin ito sa buong baryo para maging alerto sila" paliwanag ng isang babae na takot ang itsura.

Sa di kaluyuan ay nakatanaw ang asong itim at pinagmamasdan ang kumpulan ng mga tao.

Isang malakas ng atungal ulit ang umalingaw-ngaw.

"Ayan na naman! Yang yung narinig namin kanina. Diyos ko po! May aswang nga sa ating baryo!"

Nagtakbuhan ang mga taong naki-kiusisyoso sa bangkay ni alberto..

Hinila ni aling Gina ang kalabaw na sakay ang katawan ng kanyang manugang.

Abangan....

Esmeralda Ang huling AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon