" ESMERALDA " Ang huling aswang
(Ika tatlong kabanata)
akda ni: Louie Tan/Buboy Magtanggol
Napuno ng dalamhati ang gabing pagsilang niya ng sanggol. Halos magunaw ang mundo ni Roda ng malaman niyang patay na ang kanyang asawa.
" Sa Burol "
Nag-uusap-usap ang mga kapit bahay ni Roda sa loob ng kapilya.
"Alam mo Mare, naka-kakilabot ang pagkamatay ni Alberto. Labas daw ang mga lamang loob. At hindi lang yun, Nawawala pa daw ang atay at puso." kwento ng babaing nasa lamay
"Naku! Nakakakilabot naman yan. Hindi tao ang may gawa ng niyan. Baka may halimaw na sa ating baryo! Kaya dapat mag-iingat na tayo at magtayo dapat ng ronda sa ating lugar." tugon ng isa ding babae.
Si Roda nak-aupo sa tabi ng ataul ng kanyang asawa. Panay ang himas sa salamin at kinakausap ang nakahimlay na asawa..
"{Mare tignan mo si Roda, nawawala na yata sa sarili." saad ni isang babang naka-pansin sa kalungkutang dinaranas ni Roda.
"Hayaan na natin siya,huwag nating pansinin.ganyan talaga ang namamatayan.
ISANG MATANDANG BABAE na MAY GAMIT na tungkod At kuba ang likuran' ang biglang pumasok sa loob ng kapilya.
Nakakakilabot ang itsura nito at may marka ng peklat ang mukha. Dahan dahan itong humahakbang palapit kay Roda.
"Uy Mare, tignan mo yung matandang babae, kakaiba ang itsura. Parang ngayon ko lang nakita ang matandan na yan. Taga saan kaya yan?" manghang saad ng isang babae sa lamay
Halos lahat ng tao sa lamay ay nakatitig sa matandang babae.at sa harapan ng ataul ay huminto ang matandang babae at itinaas ang hawak na tungkod.
Itinuro ng kanyang tungkod ang nakahimlay na patay.
"Ang sumpa ay nagsimula na!" malakas na tinig ng matandang babae na kinagulat lahat ng taong nandon.
"Walang makakapigil sa tinakda ng tadhana! Lahi sa lahi, tao sa tao. Dugo at laman ang magbibigay ng katuparan sa sumpa ng tadhana!"
nangilabot ang lahat sa inasal ng matandang babae.
"Sino ba yang matanda na yan? saad ng lalaki sa lamay "Hindi man lang ginalang ang patay dito. Paalisin nyo yan!"
Napatayo si Roda sa kanyang narinig. Lumapit ito sa harapan ng matandang babae. Astang sasampalin ni Roda ang matandanang biglang Napatitig ang matandang babae sa mukha ni Roda at tila may hipnotismong ginawa.
Nagsalita ito at inalis ang balabal sa kanyang ulo.
"Ikaw ang dugo at laman ng aking lahi. Ang sumpa ay namutawi sa iyong katawan!"
biglang Napaluhod si Roda sa harapan ng matandang babae. Nagbigay galang at inabot ang isa niyang kamay. Napatitig lahat ng tao sa pangyayaring iyon.
"Huwag!!!" "Huwag!!!Roda..." "gumising ka anak...." Sigaw ni aling Gina na biglang napa_takbo sa loob ng kapilya.
Dali daling tumakbo si aling Gina upang tabigin ang kanyang anak sa pagkakahipnotismo. doon ay Namangha si aling Gina ng biglang humarap ang matandang babae.
"Hindi!!!" sigaw ni gina
"Patay kana inay!!!"
Nagtakbuhan ang lahat ng tao sa nasasaksihan nilang kababalaghan.
Biglang Lumawa ang mata ng matandang babae at tumulo ang dugong galing sa mata.
"Kampon ka ni Satanas inay!!! Lubayan mo ang anak ko!!! Patay kana!!! Patay kana...!!!" sigaw ni Aling Gina
Bilang Lumabas ang batong itim sa bunganga ng matandang babae. sinalo nito ng kamay ang batong palabas sa duguang bibig.
At doon din ay Biglang Hinawakan nito ang ang ulo ni Roda at handa ng isubo sa bunga ang bato.
Isang lalaking dayuhan ang nakasuot ng puting abito ang biglang sumulpot at nagsalita ng ibang lenggwahe.
(Anur..... Anur....!)
Biglang lumakas ang ihip ng hangin at nagliparan ang mga kagamitan sa loob ng kapilya. Napakapit ng mahigpit si aling Gina sa isang poste ng kapilya.
"Ama namin, Sumasalangit ka." saad ng lalaking nakaputing abito
Tinagay ng malakas na hangin ang katawan ng matandang babae at Naglaho itong parang bula. nagkalat ang kagamitan sa loob ng kapilya. Nakatumba ang ataul.
Dali daling lumapit si aling Gina sa kanyang anak na si Roda. Nakahandusay itoi at walang malay.
"Roda....!!!" "Anak ko! gumising ka.!" Niyakap ni aling Gina ng mahigpit ang kanyang anak at pilit nitong ginigising.
Doon ay Napabuntong hininga ang lalaking nakaputing abito. Pinagmasdan ang kapaligiran at nagkrus sa kanyang noo.
"Inay! Inay! Saad ni Roda at Unti unti itong nagkakamalay.
"Anak, salamat at walang nangyaring masama sayo. malt na salita ni Aling Gina.
"Inay, nasan ako?" "Inay, nasan na ang aking anak?"
Biglang napabalikwas ng tayo si Aling Gina at tumakbo ito patungo sa kanilang bahay.
SA BAHAY NI ALING GINA:
isang iyak ng malakas na sanggol ang narinig ni aling Gina..
"ESMERALDA....! Aling bebang... ang apo ko nasan na? humahangos na sigaw ni aling Gina
Pagbukas nito ng pinto ay bumungad sa kanyang mata ang matandang babae na hawak ang kanyang apo.
"Huwag...!!!" malakas na sigaw ni Aling Gina
Napalingon ang matandang babae at bigla itong ngumiti. Isang malakas na tinig ang nangibabaw sa loob ng bahay.
"Ha ha ha!" Biglang Naglaho ang matandang babae at naiwang nakalapag ang sanggol na si Esmeralda...
Itutuloy.....
Ano ang nangyari sa sanggol na si ESMERALDA?
Abangan ang paglaki ng ating inaabangang huling aswang....
BINABASA MO ANG
Esmeralda Ang huling Aswang
Mystery / Thrillerang huling aswang na magpapatayo ng inyong balahibo.