" ESMERALDA "
Ang huling aswang
Ika- 5 kabanataStory and written by:Louie Tan/Buboy Magtanggol
Ang nakaraan:
Nagkakagulo ang mga taga baryo sa paghahanap sa angkan ng mga aswang.Nagmadaling tumakas si Roda, dala ang kanyang anak na si Esmeralda..
Sa isang liblib na lugar, napadpad ang mag-inang Roda at Esmeralda.isang lihim na kuweba ang kanilang napuntahan.
puno ng pasakit at dalamhati ang nangyari sa kanilang buhay..
Namalagi sila ng matagal sa kuwebang napakadilim at napakabaho dahil sa ihi ng mga paniki at mga patay na hayop.
Dala ng pagod ay kumalam ang sikmura ni Roda. Walang liwanag na maaring magturo o magbigay daan sa paghahanap ng pagkain..
Tanging mga bato lamang ang palatandaan sa tinutungong landas..
Isang kalukos ang nagbigay ng pansin kay Roda. Ang liwanag ng mata ng isang dagang ubod ng tanda at lagas na ang balahibo ang pinagtuunan ng pansin.
Bigla nitong sinungaban at pinilipit ang ulo.
Halos magkagutay gutay ang katawang ng daga sa sobrang pagkakapisil nito. Lumuwa ang mata at lumabas ang mga lamang loob.Dala ng gutom o pagkawala sa sariling isip at kinagat nito ang dagang nahuli.
Kumatas ang mga dugo.
Bumahid ang marka ng lansa sa kanyang pisngi.Hayok sa pagkagutom si Roda. Patuloy ang paglasap sa sariwang laman ng daga..
Biglang umiyak ang kangyang anak na si Esmeralda.
Nilapitan niya ito at piniga ang katas ng dagang patay sa labi ng kanyang anak..Pumilas ng kapirasong laman at isinubo nito.
Sa murang edad ni Esmeralda ay tila malaking musmos na lumalakas sa nalasahang dugo ng hayop..
+Kinabukasan+
Isang siwang ang nagbigay liwanag sa madilim na mundo ng mag inang Roda at Emeralda.
Napadilat si Roda sa init na tumatama sa kanyang mukha. Bigla itong bumagon at hinanap ang kanyang anak.
PaLilinga linga at naguguluhan.
"Esmeralda... Sigaw nito.
Halos lahat ng sulok ng kuweba ay hinalughog sa paghahanap sa kanyang anak.Narinig niya ang kakaibang tinig.
dali dali itong kumilos at hinanap ang pinagmumulan.Nagimbal si Roda ng makita niya ang kanyang anak.
Sa napaka-iksing araw ay nakakagapang na ito.Kagat kagat ni Esmeralda ang isang malaking bayakan.
Biglang lumingon si Emeralda sa kanyang ina.
Kumislap ang mata nito at napangiti sa kanyang ina, habang kagat ang bayakan.Dali daling dinampot ni Roda ang kanyang anak.
"Ikaw talagang bata ka! kung saan saan ka nagpupunta!"
Wika nito at sabay lapit sa anak."Pagkalipas ng ilang taon"
Namuhay ng matahimik ang mag-ina.
Naging malaya at walang takot na hinarap ang tadhana.Paminsan Minsan ay bumababa ng bundok si Roda, upang magbenta ng mga gulay at karne ng hayop.
"Esmeralda.....sigaw ni Roda habang nakatuntong sa malaking bato.
"Inay! bakit po?
Nandito lang ako sa sapa. "Tila Isang munting anghel ang banaag na makikita sa pagmumuka ni Esmeralda.
Lumaki itong tanging ina lamang ang nakikita."Ikaw talagang bata ka! hanap ako ng hanap sayo.
Tara na sa loob ng kuweba at ng makakain ng tayo!"Dali daling tumakbo si Esmeralda palapit sa kanyang ina. Niyakap nito ng mahipit at hinagkan.
"Ano yang dala mo inay?
Tanong ni Esmeralda
na tila sabik sa pasalubong ng ina."Eto anak, isukat mo! Bumili ako ng damit para sayo." Masayang wika ng ina nito.
"Wow! ang ganda naman nito inay." Masayang pinagmasdan ni esmeralda ang tangan na damit.
Sabay Sinukat nito.
marahang pinagmasdan ng kanyang ina ang pagbihis ni Esmeralda. Napangiti na lang ito habang pinagmamasdaan ang anak.Balingkinitan ang katawan at namumukol ang magandang hugis ng dibdib nito.
bumalik sa alaala ni Roda ang kanyang nakaraan..."Inay, bagay ba sa akin?"
Nakangiting tanong nito sa ina."Oo,anak, napakaganda mo.
Anak, tandaan mo ang bilin ko sayo ha!
Huwag na huwag kang makikipag usap sa mga tao!""Opo, inay. Tatandaan ko yan." Mabilis na tugon nito.
"Tara na! kain na tayo.aya ng ina nito.
Isinabog ni Roda sa isang dahon ng saging ang dalang pagkain...
"Wow! Ang sarap naman nito inay!"
Takam na takam na saad ni Esmeralda.Kumalat sa lapag ang mga lamang loob ng hayop at may kasamang buto buto.
"Anong luto ito inay? Tanong ni Esmeralda habang patuloy ang pagnguya sa atay.
"Yan ang tinatawag na. Adobong lamang loob."
Sa dating baryo na kinalakihan ni Roda.
Nagkaroon ng usap usapan ang mga tao.'Malapit na naman ang piyesta ng ating baryo.
Ano kaya ang magandang gawin? Saad ng kapitan del baryo."E di mag libot tayo ng altar sa mga kabahayan.bilang pasasalamat sa katahimikan ng ating lugar."
"Oo nga! maganda yan!
Alam naman natin na wala ng aswang na gagala gala sa ating lugar."Itutuloy...
Abangan...ang pakikisalamuha ni Esmeralda sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Esmeralda Ang huling Aswang
Mystère / Thrillerang huling aswang na magpapatayo ng inyong balahibo.