" ESMERALDA "
Ang huling aswang
Ika-4 na kabanataAkda ni Louie Tan/Buboy Magtanggol.
Nagulantang si Aling Gina ng maabutan niyang tangan ng matandang babae ang kanyang apo...
Biglang nagkaho ang kanyang ina at iniwang nakalapagang sanggol.
Dali-daling nitong kinuha ang nakalapag na apo...
"DIYOS ko po!!! salamat at walang nangyari kay Esmeralda!" Hingal na bulong nito sa sarili.
Nagkagulo ang mga tao sa baryo at nagpulong-pulong ito upang pag-usapan ang gagawing hakbang para sugpuin ang naglalabasang kampom ng kadiliman...
"Dapat ay Patayin natin ang mga lahi ng aswang!!!"
(sigaw ng isang lalaki)"Sunugin natin ang mag-iina! Patayin natin ang salot sa ating baryo!!!
sigaw na mas malakas ng isang lalaki.
Galit na nagsisigawan ang mga taong baryo at handa na sila sa gagawing hakbang..."Sugurin na natin!!!
Sugurin hangga't maaga pa!"
Galit at nagkakagulo ang mamamayan.Sa isang saglit ay Biglang sumulpot ang isang lalaking naka puting abito.
"Teka muna! mga kapatid, huminahon kayo! Huwag
ninyong gawin yan!
May mga ibang paraan upang sugpuin ang mga aswang o kampon ng kadiliman!"Sino ka?"
Galit at sigaw ng isang babae.
"Hindi ka taga-rito!
Estranghero ka sa lugar namin!
Wala kang alam sa mga nangyayari sa aming baryo namin!!!"Ako si Father Delfin, ako ang bagong pari sa baryong ito at Nasaksihan ko lahat ng pangyayaring naganap kanina.
Kahit ako'y nangilabot din sa mga pangyayari.
Ngunit sadyang di tayo pinabayaan ng ating Amang nasa Langit.Tinaboy niya ang mga kampon ng kadiliman.""Pero... Father,huwag na nating patagalin pa ang lahat! Kilala naman natin kung sino ang pinagmumulan nang lahat. Kaya dapat ay sugpuin na natin ito hanggat maaga."
Wika ng lalaki."Mga kasama, sangayon ba kayo sa aking mga plano???
Pahabol na sigaw pa nito.Muli ay Nagsigawan ang mga tao at itinaas nila ang kanilang mga sulo, tabak at sibat...
"Oo... sangayon kami!!!
Patayin ang mga aswang!!!
Patayin!!!"
sigaw ng mamamayan."Mga kapatid.huwag ninyong gawin yan!" Pasingit na salita ni father habang inaamo nito ang katabi.
Hindi pinansin ng mga taga baryo ang pag-awat ni Father Delfin.
Dali-dali itong Sumugod sa bahay nila Aling Gina.."Aling Gina...!!!
Aling Gina...!!!tumakas na kayo! papatayin kayo ng mga taong baryo...!"
Hingal na sigaw ng isang kapitbahay nito.Napalingon si Aling Gina sa kanyang narinig.
"Ha! Bakit???
Anong kasalanan namin???" Manghang sagot nito!"Aling Gina! papatayin kayo ng mga kabaryo natin.
Kayo daw ang salot sa lugar na ito! Kaya't umalis na kayo. Dalian ninyo!"Nagmadaling tumakbo si aling Gina, habang tangan ang sanggol na si Emeralda...
"Roda,anak. dalian mo!
Umalis na kayo dito!!!
Dalhin mo ang iyong anak.
Tumakas na kayo!!!
nanginginig na saad ng ina nito."Inay,bakit ba???
anong nangyayari???
Takot na tanong ni Roda."Papatayin kayo ng taong baryo! Dalian ninyo at umalis na kayo!
Dali-daling Inabot ng ina nito ang Sanggol na si Esmelda sa kanyang ina.
Doon ay dinukot ni aling Gina ang isang kulay pulang supot at mabilis na inilabas ang puting bato..."Anak... tandaan mo ito!
Lagi mong ilalagay kay Esmelda ang pulang supot na ito. Huwag na huwag mong hahayaang mawalay sa kanya ang batong ito!
Ito ang magiging panangga niya sa sumpa ng ating lahi...Nabigla si Roda sa kanyang narininig.
"Inay, hindi kita maintindihan???
Nangi-nginig na wika ni Roda."Umalis na kayo!!!
Dalian ninyo!!!Ako na ang bahala sa burol ng asawa mo!Tulirong umalis si Roda tangan ang sanggol na si Esmelda...Gulong gulo ang isip at di malaman ang gagawin...
"Ayun!!! Ayun ang kampon!!!
sigaw ng mga taga baryo."Ayun ang nga kampon ng aswang. Patayin natin!!!
Mabilis na Nagtakbuhang palapit kay aling Gina ang mga taga baryo bitbit ang sibat at itak...
"Patayin ang mga Aswang!!!
Patayin..!!!"Doon ay Napaluhod si Aling Gina at nagdasal na lang ito...!
"Diyos ko po!patawarin mo ang aking ina, sa mga kasalanang nagawa niya.
Iligtas mo po ang aking anak at apo sa kapahamakan..." Lumuluhang dasal nito.Isang sibat ang umigkas at tumusok sa katawan ni aling Gina...
Napahandusay ito sa tinamong tama..."Patayin ang aswang!!!"
Sigaw ng mga taga baryo...Lumapit ang mga taong baryo sa nakahigang katawan ni aling Gina.
Dala ng galit ay Binuhusan pa nito ng Gas at sinilaban...Doon ay Unti unting tinutupok ng apoy ang katawan ni aling Gina..
"Patay na! Patay na ang isang lahi ng asawang!!! Hanapin pa natin ang mga kalahi nila!!!"
Nagkakagulong sigaw ng kalalakihan.Sa di kalayuan sa taas ng isang puno...
Nakamasid ang ina ni aling Gina.
(ang matandang babaeng Aswang)Galit na galit itong pinagmamasdan ang nasusunog na katawan ng anak.
Napasigaw pa ito sa sobrang galit at umalingaw-ngaw ang isang nakakakilbot na unggol....
Nangilabot ang lahat sa kakaibang atungal na Nadinig...!!!
Itutuloy....
Abangan....
Saan mapa-padpad ang mag-inang Roda at Emeralda...
Matatagpuan kaya sila ng galit na mga taga baryo?
BINABASA MO ANG
Esmeralda Ang huling Aswang
Mystery / Thrillerang huling aswang na magpapatayo ng inyong balahibo.