Prologue

25 3 0
                                    

Simpleng pangarap lang naman ang gusto ko, ung makasama yung taong mahal ko. Bakit hindi pa maibigay bigay sakin? Ang sakit lang. Ang sakit magmahal ng taong hindi mo pwedeng makasama.

Bakit kasi ganito yung tadhana? Lagi nalang ako pinapahirapan. Totoo nga na, kakambal ng saya ang lungkot. Kailan kaya darating yung araw.na masaya nalang ako? Pagod na pagod na akong masaktan eh. Ang hirap pala magmahal. Sana hindi ko nalang natutunan ang salitang 'LOVE', ang sakit eh. Tapos, ang dahilan ng saya mo yung taong mahal mo, pero siya din pala yung dahilan nung sakit.

"Ang lalim ng iniisip mo. Share mo sakin. Haha" - Natigil ako sa pag iisip nung mag salita ung kasama ko. Nilingon ko naman siya. Buti pa siya nakakatawa pa, samantalang ako halos mamatay na sa sakit!

"Wala. Wag mo na ako intindihin" - Sabi ko. Sabay tingin nalang sa malayo.

Nandito kami sa Bahay- Bakasyunan niya sa Tagaytay. Maganda ang tanawin dito, masarap ang simoy ng hangin, mare-relax ka talaga. Pero hindi mawawala yung sakit na nararamdaman ko. Hay buhay.

"Look vans, you know why I need to leave. Intindihin mo naman ako ohh" - Worried na sabi niya. Alam niya kasi kung anong mangyayari sakin kapag umalis siya. Papabayaan ko na naman ang sarili ko. Bakit? Hindi ba ako pwedeng masaktan? T_T Ang bigat na nga ng pakiramdam ko eh. Pinipilit ko lang maging matapang.

Matapang naman talaga ako umpisa palang, pero pagdating sakanya, naduduwag na ako. Hindi ko magawang maging matapang. Ang hirap kasi hindi ko siya maipaglaban!

"Naiintindihan ko naman ah. Bakit ang OA mo mag react diyan. Psh" - I did not bother to look at him. Baka kung ano magawa ko, at makita niyang hindi ko kaya maging matapang para saming dalawa.

Naramdaman kong umakbay siya sakin, mamimiss ko na naman siya. Kakabalik niya nga lang 1 month ago, tapos aalis na naman siya. Iiwan na naman niya ako. Oo nga nakakausap ko siya pag tumatawag siya, pero iba yung feeling kapag kasama ko siya.

"Akala ko ba naiintindihan mo? Eh bakit umiiyak ka?" - Ngayon ko lang napansin na umiiyak pala ako.

Hay, hindi ko talaga kaya maging matapang sa harap niya. Pero, ngayon lang ako umiyak sa harap niya. Siguro, di ko na talaga kaya, kaya inilabas ko na. Ang hirap ng pinagdadaanan ko grabe lang. Pinunasan ko naman ung luha ko kaso bigla niyang hinila, napatingin naman ako sakanya, ngumiti lang siya sakin.

"Okay lang na ipakita na nahihirapan ka. Kesa naman tiisin mo, mas lalo kalang mahihirapan." - Tumingin siya sakin, tapos pinunasan niya ung mga luha ko. Hinawakan niya ako sa balikat ko, at iniharap sakanya. Yumuko nalang ako.

"Wag ka ngang yumuko Vanessa. Gusto ko makita yang mukha mo." - Natatawa niyang sabi, hindi padin ako tumingin sakanya. Nagulat ako bigla niya kasing iniangat ung ulo ko. Hawak hawak niya ang baba ko. Nakatingin lang siya ng diretso sa mata ko. Mas lalo lang akong nasasaktan eh. Naman kaseee!

"Haha. Ang cute mo talaga. Lalo na pag umiiyak." - Sabi niya. Inirapan ko siya. Nagawa pang magbiro. Tsk

"Haha. Joke lang vans. Mami miss kita. Sobra" - Sabi niya with sincere voice. Ako din naman eh, super mami-miss ka talaga. Kung bakit naman kasi kelangan mo pa umalis ngayon.

"Aish. Tama na nga yan. Mahal kita Lein. Tandaan mo okay? Ikaw lang, at si mama  ang babae sa buhay ko." - Sabi niya, sabay niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko nadin siya. Mami miss ko toh, sobra.

"I love you Vanessa Lein Pierre." - Sabi niya. Ramdam ko yun. Kahit di mo sabihin.

"I love you Keileb Rein Pierre" - I said with full of love.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°

HELLOOOO. Support niyo po sana ang story na toh. Basahin niyo po muna yung HE'S MY BROTHER. CONNECTED to dun eh. THANK YOUU PO ;)

What is Love?Where stories live. Discover now