Chapter 021

20.6K 449 12
                                    

Misty's POV

"oh anak,bakit ka napatawag?"

tanong ni Mama mula sa telepono,napabuntong hininga ako at di sya sinagot,naramdaman nya yata yun dahil di na sya nagtanong pa.

"halika,umuwi ka muna dito sa probinsya naten"

yaya nya,actually papunta na'ko dun,nasa bus na nga ako e.. nakakainis kasi si Travis. Ni hindi man lang ako sinundan o pinigilan? anong klaseng asawa sya diba? kahit yun lang lang

napasandal nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang patak ng ulan,ayos pati ang panahon nakisama sa pagiyak ko. Okay lang naman sana kung di nya'ko mahalin ang akin lang.. sana ginampanan nya yung pagiging asawa nya saken.. kahit yun lang ang gawin nya sapat na.

kaso ang sakit,hinayaan nya'ko.. hinayaan nya'ko na lumayo sa kanya..

Travis's POV

"e gaga ka pala e,iinom-inom ka tapos-- Aish! di solusyon yan!" bulyaw ni France sabay batok saken,kinuha nya pa yung bote at inilapag sa tabi.. ano bang magagawa nya? e sa malaki nga ang problema ko.

"pwede ba France,manahimik ka.. palibasa kasi di mo'ko ramdam" umirap ako at akmang kukuhanin yung alak nung inilayo nya yun saken.

"oo di kita ramdam kasi wala ako sa sitwasyon mo.. pero sana naman,pairalin mo yang pagiging lalaki mo.. ano to? pataasan kayo ng pride?!" sermon nya saken,napasabunot nalang ako ng buhok sabay yuko sa mesa.

"Travis naman,asawa mo yun.. responsibilidad mo sya at sana naman alagaan mo..tinamaan mo yung ego nya kaya wala kang karapatang magmukmuk dyan,hala humayo ka at hanapin mo sya" itinaas nya ang dulo ng polo ko at iniyaya tumayo,nagpumiglas ako at kusang tumayo.. mas masarap magsayaw muna..

"hoy san ka?!" rinig kong tanong nya kaso pinagwalang bahala ko yun,tumungo ako sa gitna ng bar at nakipagsayawan na parang walang problema o asawa

"TRAVIS ANO BA?!!" rinig ko na namang bulyaw nya,nginisian ko lang sya at tinuloy ang pagsasayaw. May mga lumalapit na babae at pinapansin ko naman,may isang babae na kumapit sa braso ko at hinalikan ang tip ng ilong ko.

"hi honey" bulong nya na nagpatagil saken.

honey

honey 

honey

naitulak ko sya na ikinagulat nya,Dammit! pwede namang babe diba? bakit honey pa?

"why,any problem honey?' malambing na tanong nya,napapikit ako at sinampal ang sarili ko dahil puro mukha ni Misty ang nakikita ko,si Misty na nakangiti habang nakatingin saken.. dali-dali akong tumakbo para di ko na makita yung pagmumukha ni Misty,lalo akong nagagalit sa sarili ko.

napaupo ako nung nakaramdam ako ng lakas ng ulan,shit Misty asan ka ba? umuwi ka na.. 

"ano na Travis?" napaangat ako ng tingin nung nakita ko si France na may payong at nakatayo sa unahan ko,napaiwas ako ng tingin at napakagat labi.

"bakit kasi nagmamatigas ka pa? e ikaw din naman tong nakakamiss sa kanya" agad akong napatingin sa kanya,n--narinig nya yun?

"halata Travis kaya wag ka nang magtanong.. umuwi ka muna at magbihis at saka mo hanapin si Misty" tignan mo'tong baklang to,iniwanan ako.. napailing nalang ako at saka sumunod sa kanya.

aaminin ko,nakakamiss din pala ang kakulitan nya,nasanay na kasi ako na gabi-gabi lagi nya'kong niyayakap at ginugulo,kanina nga di ako mapakali nung nakita ko syang umiyak,dala kasi ng galit kaya ko nasabi yun. E kaso nga kasi-- Aish!

"anak,bakit ka nandito?" natigilan ako sa tanong ng nanay ko,tinaasan ko sya ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

"baket? ayaw nyo ba'ko dito?" painosenteng tanong ko,nginusuan nya'ko at inirapan.

"ewan ko sa'yo Travis,may date kami ng daddy mo" tinawanan ko sya sabay higa sa sofa,umikot sya at tinignan ako kaya napatingin din ako sa kanya.

"baket?" bored na tanong ko,kinunot nya ang noo nya at saka umupo sa bandang paanan ko.

"may problema ka?" tanong nya,di ako sumagot at nanatiling nanahimik.. ayokong malaman ni Mudra,baka magwala yan e.

"w--wala" nauutal na sagot ko,hinampas nya ng malakas ang braso ko kaya napatayo ako ng de oras.

"Mommy naman" reklamo ko,nginisian nya'ko sabay hila saken paupo.

"hoy bakla,nanay mo'ko kaya may karapatan akong malaman ang pinagdadaanan mo" sermon nya sabay pingot sa tenga ko,hinawakan ko ang kamay nya para pigilan,shete ang amazona neto.

"ma-- ouch-- bitaw-- oo na--ouch" binitawan nya ang tenga ko at wala pang isang segundo sumerysoso sya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"nag-away ho kami ni Misty,tapos-- nasabihan ko sya na m--malandi" nanlaki na naman ang mata nya sabay hampas sa sikmura ko,tang*na nanay ko ba'to? sinasaktan niya'ko,labag to sa woman rights.

"bakit mo sya sinabihan nun? adik ka ba? hala,asan sya? puntahan mo dali" pinunasan nya ang mukha nya at nagmamadaling tumayo sabay kuha sa phone nya. May kinontact pa sya kaya natagalan.

"sige sige mare-- oh sure,akong bahala-- thankies" binaba nya ang phone sabay baling ng tingin saken,parang may beam yung mata ni Mommy,nakakatakot.

"nasa probinsya daw si Misty,hala't puntahan mo.. nasa bicol sya ngayon,di sya tumuloy ng cebu. Dalian mo puntahan mo na,tatawagan ko na ang pilot naten" yun lang sbay talikod,napasapo nalang ako ng noo at napahilamos ng mukha. Anong gagawin ko kapag anndyan si Misty? baka nga galit pa saken yun e.

"ano?! tutunganga ka lang?!" bulyaw ni Mommy kaya napatayo ako at awtomatikong lumabas ng bahay.

"ingat anak! ayusin nyo yan!" huling sigaw nya sabay flying kiss,di ko nalang sya pinansin at pumasok na sa kotse

----

"Sir. andito na po tayo" napamulat ako ng mata dahil sa kumalabit saken,okay nandito na pala kami. Bumaba na'ko at dali-daling tumakbo palabas,natigil ako dahil di ko alam kung saan ko sya hahanapin.

"Sir Dane,nandito po!" sigaw ng isang lalaki na nagpalingon saken,napangiti ako at tumakbo 

"sa bahay po ba ng mga Flores? halina po kayo" binuksan nya ang pinto kaya pumasok na'ko. Tahimik lang ako buong biyahe dahil sa kaba,galit parin ba sya saken? malamang Travis,sabihan mo ba namang malandi sinong di magagalit?

napapikit nalang ako at napalinga,nakakatakot sya pero tahimik.. mukhang peaceful,ang sarap siguro tumira dyan kasama sya

"nandito na po tayo" shit.. bahala na Travis..

xoxoxoxo

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon