Epilogue

23.5K 436 64
                                    

                                                        ∞ After 8 years ∞

"Mirvis! Bantayan mo kapatid mo ha!" Sigaw ko kay Mirvis mula sa bench na kinauupuan namen. Masaya akong tinitignan ang magkapatid. Eight years old na si Mirvis at mage-eight narin si Marcus. Yung pangalawa naming anak,halos pagkamalan na silang kambal dahil magkasunod ang edad.

Marcus Lyssander Dane ang pangalan nya. Kung gaano katahimik ang kuya,grabe naman sya mangulit. Pala-ngiti kagaya ko.

"Kuya! Yung bato!" Sigaw ni Marcus sa kanya. Nasa trabaho si Travis dahil masyado nang maraming investors kaya kailangang magseryoso. Naglalaro naman sila ng mga bata kapag galing syang trabaho.

"Eto na!" Sigaw pabalik ni Mirvis. Napapangiti nalang ako dahil sa pagiging matimpihin ni Mirvis. Napapitlag ako nung biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello?"

[Hi Mommy ko,how are you? Asan kayo ng mga bata?]

Napangiti ako nung narinig ko ang malambing na boses ni Travis. Mahahalata mo sa boses nya ang pagod.

"Nasa park kami ng mga bata honey. Ikaw? Kumain ka na ba? Magluluto ako para sa'yo mamaya?"

[Okay lang ako. Medyo masakit lanv yung ulo ko--sige na Mommy. Pakikamusta nalang ako sa mga bata,uuwi ako nang saktong 7:00 bye I love you mwah mwah]

Di na naman ako nakasagot dahil sa ginawang pagbaba nito. Masaya ako dahil masaya kaming dalawa kasama ng mga anak ko. Kahit minsan di kami nagkakaintindihan at nag-aaway dahil sa mga desisyon namin,di naman namim hinahayaan na matulog kami na nag-aaway parin.

Napasulyap ako kala Mirvis at nagtaka dahil wala doon ang kuya. Napatayo ako kaagad sabay lapit kay Marcus.

"Asan kuya mo baby?" Napatingin saken si Marcus sabay nguso sa likod ko. I saw Mirvis kneeling at the little lady na parang umiiyak. Nagkatinginan kami ni Marcus at unti-unting lumapit.

"Aish! Where's your kuya or your ate or your Mom?" Naiinis na tanong nito. Sinimangutan sya ng bata sabay lihis ng tingin..

"I don't know you. Stranger" sabi nung batang babae. Natawa naman ako dahil mukhang napahiya si Mirvis.

"Look,I'm just trying to help you. So stop crying!" Singhal nito sa bata. Natigil naman ito sabay titig sa kanya.

"Look at you. You're so messy" may dinukot sya sa bulsa at kinuha ang panyo para ibigay sa bata. Pinunasan nya yung sipon na kumalat sa mukha nito.

"Take it" binigay nya ang panyo sa bata. Di na nakaimik ang bata at unti-unting inayos ang buhok nito.

"Salamat" bulong nito sabay yuko. Tumingin naman sya sa gawi ko at halatang nagulat.

Tumingin naman saken si Mirvis at halos lumuwa ang mata nya. Siguro dahil ayaw nyang makita ko ang kamaisan nya.

"Sensen!" Sabay sabay kaming napalingon sa tumawag. May tumatakbong babae na papalapit samen.

"Manang!" Sigaw nung bata sabay lapit dito. Tumingin naman sa gawi namen ang babae at ngumiti.

"Salamat sa pag-comfort sa alaga ko. At salamat din kasi di nyo sya kinuha" aba't anong tingin nila samen? Kidnapper? Taga-kuha ng bata?

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon