Chapter 040

17.3K 383 36
  • Dedicated kay Lance Fermin
                                    

salamat oppa Lels ♥ salamat talaga sa book cover ♥♥

Travis's POV

Napaatras ako ng kaunti dahil sa pagbagsak ni Misty. Di ko inaasahan yun kasi mukha naman syang okay nung kinausap ko and now--

"Oh ano Travis? Tutunganga ka lang?"

Bulong nang munti kong isip kaya dali-dali akong tumakbo at lumuhod para mapantayan sya. Tinignan ko ko muna sya at hinawi ang ilang hibla ng buhok nya.

She look so pale. Ang lalim siguro ng iniisip nya kaya sya nagkakaganyan. Di na'ko nagpatumpik-tumpik pa at patakbong pumunta sa kotse. Napahanap ako sa back seat ng jacket at sa awa ng diyos.

"Hold on Misty. Papunta na tayo" bulong ko sabay halik sa sentido nya. Inayos ko muna ang jacket nya at inihiga ng maayos sa likod. Tumakbo ako papuntang driver's seat at napahinga ng malalim.

Sumulyap ulit ako at napatitig sa maamo nyang mukha. Bakit ko aayawang  ang ganitong klaseng babae? Rare nalang ang mga kagaya nya ngayon. I shook my head sabay start ng engine.

Nung nakarating na'ko sa malapit na hospila,kinontact ko kaagad sila Ate para samahan ako. Binuhat ko sya kaagad at dali-daling pinasok sa hospital.

"Ano pong nangyari Sir?" Gusto ko sanang barahin e kaso wag muna.

"Nahimatay kasi sya" yun nalang ang nasabi ko.

"Sumama po kayo saken Sir" tumango ako at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang room at sya namang lapag ko sa kanya.

"Parating na ho si Doc" tumango nalang ako sa sinabi nya. I stared at Misty's face. Mukhang nananaginip.

"Anong nangyari?" Bungad agad nung doctor sabay suot ng stetoscope.

"Hinimatay po kasi sya" tumango nalang sya at chineck. Malipas ng ilang minuto,nakangiti nya'kong hinarap.

"Kaano-ano ka nang pasyente?"

"Asawa po"

"Okay naman sya. Kailangan nya lang ng pahinga. And base sa obserbasyon ko,buntis ang asawa nyo"

Para akong nabingi sa huling sinabi nya. Natulala ako sabay tingin kay Misty na tulog parin.

"A--ano?" Halos pabulong na tanong ko. Ngumiti na naman sya sabay tapik sa braso ko.

"Two weeks pregnant ang misis nyo. Kailangan nya nang matinding pahinga at kailangan nya ring kumain ng masustansya. Take care of her,wag na wag mong papagurin. I have to go" tumango nalang ako. Pinagmasdan ko syang lumabas ng kwarto. Lumapit ako kay Misty at umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya bago magsalita.

"Bru~,narinig mo yun magkaka-baby na tayo so you don't have any reason na umalis sa tabi ko. Ramdam ko na akin yan. So bru~ gising na" nag-pout ako habang ginigising sya. Napangiti ako nang nakita ko ang kamay nya na bahagyang gumalaw.

She slowly open her eyes sabay titig saken.

"T--travis" nanghihinang sabi nya. Ngumiti ako sabay lapit sa kanya at halik sa noo nya.

"Thank god at gising ka na" bulong ko sa kanya. Tinignan nya'ko at nagulat ako sa bigla nyang pagluha.

"Hey,bakit? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko. Umiling sya sabay tulak saken.

"U--umalis ka na. Kaya ko naman sarili ko e. Pabayaan mo na'ko" I gritted my teeth sabay hilamos nang pagmumukha.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ba'ko pinagtatabuyan palayo? C'mmom Misty,grow up. Magkakaanak na tayo tapos ganyan ka?!" Bulyaw ko na nagpatigil sa kanya. She stared at me na may pagtatanong na sa mata. Bumuntong hininga ako bago umupo sa tabi nya.

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon