SMGH Special Chapter

20.9K 399 23
                                    

YIEEH! DAHIL NAMISS KO KAYO PATI ITO.. TANTANANAN! GUMAWA AKO NG SEPCIAL CHAPTER! SINO ANG NAMIMISS NA SI MOMMY KO AT SI HONEY KO? MAIKLI LANG TO AT WALANG MASYADONG SWEET MOMENTS. HARUTAN LANG NILA! ALANG-ALANG SA POREBER NI FRANCISCO! *ulul*

Ito na,pasasalamat ko'to dahil sa reads na ibinigay nyo.. talamat!

Misty's POV

"Honey kooo!" Sigaw ko habang tumatakbo sa corridor. Natigil si Travis sa pagpaypay at paglakad noong sumigaw ako.

"Honey ko wait for me!" Sigaw ko sabay takbo palapit sa kanya. Niyakap ko ang likod nya at inamoy-amoy ito.

"Jusko naman Misty! Parang ilang taong hindi tayo nagkita e halos mahulog na'ko sa kinahihigaan ko sa kakasiksik mo" reklamo nya habang hinahayaan akong amuyin ang mabango nyang likod.

"Walang pakialaman Honey ko. Namiss ko kaya amoy mo" sabi ko sabay langhap sa masculine nyang amoy. Omyghad! Kung ganito ba naman kakisig at kabango ang makakatabi ko e hindi na'ko aalis sa tabi nya.

"Hoy! Magtira ka naman! Maawa ka sa nature!" Nagtaka ako sa sinabi nya. Maawa sa nature?

"Maawa sa nature? Bakit? Pang-prevent ba ng global warming yang amoy mo?-- ARAY KO NAMAN!" Reklamo ko habang hinihimas ang noo ko.

"Gaga! Syempre,halos maubos na'ko sa kakasinghot mo. Tandaan mo,ang mukhang to ang dyosa ng kalikasan! Kaya kapag naubos ako sa kakasinghot mo lalo na't may kalakihan pa naman ang ilong mo,edi tsugi din ang nga halaman" binitawan ko sya at tumabi sa kanya. Pinulupot ko ang kamay ko sa braso nya at dinantay ang ulo ko doon.

"Pati ba naman nature kahati ko?" Reklamo ko sa kanya.

"Ehem!" Natigil ako dahil sa umubo. Nakita ko sila France na nasa tabi at pinapanood kami.

"Isa lang masasabi namin.. ULUL WALANG FOREVER!" Sigaw nila at madramang nag-walk out. Nagkatinginan kami ni Travis at nagtawanan.

"Kami ang magpapatunay ng Forever!" Sigaw ko sa kanila. Humarap si France sanay pakyu samin. Tumawa kami dahil nangangamoy bitter.

"E? Anong nangyari sa kanila ni Bakekang--este Beka?" Tanong ko. Nagkibit balikat si Travis sabay hila sakin.

"May ipapakita ako sa'yo.." hinila nya'ko sa kung saan na ikina-excite ko.

"Emeghed Honey. Ipapakita mo na na sakin si Junjun?" Nae-excite na tanong ko. Sinamaan ako ng tingin ni Travis kaya nanahimik ako.

"Puro kalibugan talaga yang nasa isip mo. Kaya di ako magtataka kung anak natin malibog din dahil walang duda na sa'yo nagmana yun" di ako makahinga sa sinabi nya. Tama ba rinig ko? ANAK NATIN? Emgesh! Mirvis is reaaaal! Wait,saan nanggaling yung Mirvis? Ay bungga yan para sa name ng baby!

"Saan ba tayo pupunta? Byaheng langit ba?-- Aray! Nakadalawa ka na ha!"

"Tatatluhin ko kapag di mo sibara yang bibig mo!" Banta nya kaya nanahimik na talaga  ako. Umupo kami sa bench sabay linga sa paligid.

"Tignan mo kung may papa-- Aray ha!" Binatukan ko din sya para Fair. May kinalkal sya sa hello kitty na bag nya ngayon.  May binigay sya sakin na blue notebook.

"Anong gagawin ko dyan? Makakain ba yan?"

"Bakit di mo itry? Sabihin mo sakin lasa ha? Osya,basahin mo" kinuha ko iyon at binasa. Diary ba'to ni Beka? Binasa ko ang laman at puro Francis ang nakasulat.

"Sino si Francis? Magalona?"

"Boba! Si France. Ngayon na daw ang uwi ni Beka patungong London. Kaso itong si bakla,pabebe pa at hindi hinabol ang manliligaw. Parang tanga ano?" Tumayo ako bigla at hinila si Travis.

"Hindi pwede! Kailangang habulin ni France si Beka!" Sigaw ko. Nangunot ang noo no Travis sabay sukbit sa bag nya.

"How how de carabao?" Tanga din nito ni Travis e.

"Habulin nga diba? Malamang tatakbuhin nya!" Napangiti si Travis sabay palakpak.

"Oo nga 'no. Di ko naisip yun! Goralets! Kaso.." natigil si Travis sabay tingin sakin. Ano?

"Ay anaknang-- EDI MAS LALO NYANG HINDI NAABUTAN! Sinong tanga ang tatakbo mula school hanggang airport? Shushu pati ako nahahawa sa'yo. Halika na! This is a job for the two cupids! Gora!" Hinila ako ni Travis kaya halos madapa ako. Tinungo namin ang canteen at nakita namin na nandoon si France.

"Francisco!" Sigaw ni Travis. Parang napantig ang tenga ni France kasi bigla syang tumayo.

"Sino yung hayup na tinawag akong Francisco?"

"Excuse me.. dyosa yung tumawag" umirap si France sabay subsob sa ginagawa nya.

"Problema nyo?" Bored na tanong nito. Tinignan ako ni Travis kaya ako na ang nagsalita.

"Ngayon ang alis ni Beka. Di mo ba hahabulin?" Natigil sya sa pagsusulat noong narinig nya ang pangalan ni Beka. Umiling sya at seryosong bumalik sa ginagawa nya.

"Para san pa? Nakalimutan nya na'ko" nagtaka ako sa sinabi nya kaya parehas kaming nagkatinginan ni Travis.

"Paanong nakalimutan?"

"Nagka-amnesia si Beka dahil sa pagkabunggo. Sa isang iglap,bigla nya'kong nakalimutan. Kaya ito ako,crying lady ang peg" bigla naman akong naawa. Kaya pala ang bitter nya.

"Ito! Ito ang solusyon. Ito yung diary ni Beka!" Lumiwanag ang mukha ni France sabay kuha sa diary nya. Tinignan nya si Travis na puno ng pasasalamat.

"Ito! Ito nga yung kailangan ko para maalala nya'ko. Salanat Travis! Salamat senyong dalawa. May forever na!" Sigaw nya sabay takbo paalis ng canteen. Nagkatinginan kami ni Travis at biglang tumakbo para sundan si France.

Di ko akalain na magiging daan pa pala kami para sa forever ni France.

"Buhatin mo nga'ko Misty. Punyeta yung muscles ng paa ko nanigas!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seducing My Gay Husband (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon