Part III

2.4K 89 5
                                    

Abalang pinagmamasdan ni Karylle ang sarili sa salamin habang nag-iintay na pumatak ang ilang minuto bago mag-6:30 ng umaga. Yes tama kayo! Maagang nagising si Karylle, sa wakas di siya late... sa paggising...

"First day kaya dapat may selfie" Dinampot niya ang cellphone at ng akmang magseselfie, doon niya naalalang... Wala nga pa lang camera ang cellphone niya -.-

Kung pambayad nga ng upa wala siya, magandang cellphone pa kaya?

Napabuntong-hininga na lang siya. Kinuha nlng niya ang maliit na notebook sa drawer atsaka isinulat ang:

September 30, 2014

Yes may trabaho na din ako! At yes! Maaga akong nagising! Achievement ituu! Dahil dito, ititreat ko sarili ko sa Jollibee!! #harthart

Pagkatapos magsulat ay isinilid na niya ulit ito sa drawer. Tumingin muli siya salamin at inayos ng bahagya ang buhok na nakapusod sabay kindat sa sarili "Galingan mo mamaya Kaka ha? Kaya mo yan! Pusshh!"

Maya-maya pa ay lumabas na siya at sakto namang nakasalubong niya si MANANG BRU na ngayon ay magulo pa din ang buhok...

"Good morning kaka! Aba kay aga mong nagising ngayon ah. Mukhang seryoso ka diyan sa pinapasukan mo ah!"

"Syempre naman ho. Ayos ba porma ko Manang Bru?" Nagpose pa siya na parang model...

"Oo naman. Alam ko na! Tara sa bahay at ipaghahanda kita ng mababaon mo para mamaya sa lunch niyo ay di ka na bibili pa" Agad na magliwanag ang mukha ni K sa narinig. For the first time! Naging mabait si bruhilda... Walang pag-aalinlangang sumama si Karylle dahil sa loob-loob niya, maaga pa naman...

At dahil medyo chikadora si manang bru, nahaluan ng napakahabang kwentuhan ang tila pagpapabaon lang sana kay Karylle ng makakain...

Maya-maya pa ay napansin na lang ni Karylle ang tirik na tirik na araw...

"Napapasarap ho ata kwentuhan natin Manang... Anong oras na ho ba?" Bigla namang natingin sa orasan ang ginang...

"Maaga pa naman! Mamaya ka na umalis..."

"Anong oras muna?"

"5 to 8 pa lang..."

"Maaga pa nga ho... Maaga pa ho para magbiro! Harujusko! Baka umuwi akong luhaan Manang!!!! Aalis na ho akooo!!!" Di na niya nagawa pang kunin ang ipapabaon sana sakanya ni Manang Bru...

Lintik na umagahan yan, late na naman akooo!!! Naku baka ma-fire na kong tuluyan neto!!!

--

Habang nagbabasa ng mga written reports ay di maiwasang mapaisip ni Vice... Late na naman ang babaita, ano ba talagang gustong patunayan ng babaeng yon?

Pagalit niyang binagsak ang hawak na folder at tinawagan ang line sa may lobby...

'Yes sir? Ano pong maipagli-'

'Wala pa din ba si Ms. Tatlonghari?'

'Are you expecting her today po ba? I'll just check the'

'Of course I do... Pakibilisan'

'A-ah oka-'

'Nasaan na?'

'Pwede po bang patapusin niyo muna ko?!'

Napaatras naman si Vice sa taas ng boses ng receptionist... 'Sorry naman. Ano ikaw pa galit?'

'S-sorry po Sir. Anyway, wala naman pong Tatlonghari ang pupunta sa inyo ngayo-'

'Paanong wala e trabahador siya dito?!' Siya naman ang napataas ng boses...

'Ah employee ho ba?! Aba'y malay ko kung sino sa mga pumapasok ung Tatlonghari na yon? Sa dami ho ng trabahador niyo dito tingin niyo makakabisado ko mga apelido nilaaa?'

'Alam mo daming mong chikka. Kung di lang kita dating girlfriend malamang na-fire na kita'

'Don't bring back the past Mr. Viceral, osiya madami pa kong ginagawa istorbo ka'

'Nakakahiya sa boss mo no?'

'Sa boss kong bading?'

'Hoy baka may makarinig sayo diyan!'

'Ewan. Sige na babush baklush'

Napairap na lang siya sa isipan. Yun ay si Liz... Katulad nang nasabi kanina EX niya yun. At kung bakit nalaman ni Liz na beki siya? He admitted it. Para matigil na ang kahibangan ng babaeng yun sakanya, anong kapalit? Permanent work katumbas ang suweldo na daig pa ng isang secretary. Wala naman ng bitterness sakanilang dalawa, Liz already accepted the fact that they can't be together because Vice is a gay.

Balik sa istorya, huminga ng malalim si Vice at mataang tinignan ang orasan. 5 minutes and you're FIR------

"Umabot ako sir!!" Eto na ang babaeng gusot na gusot ang puting long sleeves isama pa ang buhok na halos di mo malaman kung saan ipinaglihi sa sobrang kulot at buhaghag.

"Why are you here?" He stared coldly at her.

"Sir? Nakalimutan niyo? Ako na po ang bagong secretary niyo. Remember, KAKA at your service!" Masiglang bati nito...

Vice chuckled... Parang slow mo ang pangyayari, nakatulala lang si Kaka habang papatayo ang isang napakagwapong nilalang... He look so hot wearing a black tux with his brushed up hair together with his dark eyes plus luscious lips. Ano bang nangyayari sakanya? Parang siyang nahi-hypnotize... He is looking at her as if he's going to bite her, but it doesn't scares her anyway... She thinks she need some air... Parang umiinit kasi!

Suddenly she felt her cheeks burned when she smell his undeniably irresistible fragrance... Napaka-manly ng amoy... Hindi niya namalayan na nasa harapan na niya ito at halos maglapat na ang labi nito sa kanyang tenga...

Nanlaki naman ang kanyang mga mata sa narinig... "WHAT?!!!!"

He's absolutely the hottest GAY in town!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon