Part V

3.1K 83 8
                                    

"Eto na kaya yun? Grabe naman! Parang haunted house sa luma ang bahay na ito. Hindi kaya naloko lang ako nun?!" Pabulong na wika ni Kaka sa sarili. Maganda naman ung bahay, malaki. Sadyang napaglumaan lang at.. at sabayan mo pa itong makulimlim na panahon >______<

"Miss" Agad na napaigtad si Kaka sa boses na narinig kaya naman napabuhat siya dito...

Laking-gulat naman ni Billy sa nangyari kaya agad niyang hinawakan ang babae.

Nang maka-recover na ay doon na-realize ni Karylle na naka-angkla siya kung kanino... At nang tignan niya ito ay napabitaw siya sa paghawak niya sa leeg nito dahilan para mawalan siya ng balanse at..... *BOOOG*

"Araaaaaaaay ko!!!" Agad namang naalarma si Billy sa tili ni Kaka kaya naman agad niya itong inalalayan...

"Miss? Okay ka lang?" Nang marinig ni Kaka ang boses ay para siyang lumutang sa alapaap... Haay grabe ang hot!!! Napailing na lang siya sa maduming isip at pinilit tumayo pero napilayan ata siya at bumibigay ang kanang paa niya. No choice siya kung hindi magpatulong sa gwapong nilalang na nalaglag mula sa langit #harhart

Nang makarating sa loob ng bahay ay agad na napatulala si K sa ganda nito. Kung anong kinaluma sa labas, siya namang kinamodern sa loob. Binaba siya ni Billy sa may sofa at iniwan saglit...

Nilibot niya ang buong paligid gamit lang ang mga mata, di niya kayang maglakad e. Napansin niya ang mga frames sa maraming sulok ng bahay na naka-cover. Bakit kaya naka-cover? Patay na kaya yung may-ari ng bahay na ito? Ungos niya sa sarili...

Nawala ang pagmumuni niya nang bumalik si Billy na may dalang palanggana na puno ng yelo...

Hinawakan nito ang kanyang paa at dinantay sa palanggana... Tinignan itong mabuti ni Kaka... Lord? Advance gift niyo na nga po sakin ung regalo ko this Christmas, may bonus pa ba? Di ko po tatanggihan yaaan!! Natawa siya sa isipan at napansin naman yun ni Billy...

"Penny of your thoughts?" Umiling lang si Karylle at ngumiti...

"Salamat nga pala sa tulong--"

"Billy" Gwapo din ng pangalan, lahat na lang!!!

"Ahhh. Billy, ako nga pala si Kaka... Thank you talaga" Ngumiti naman ng tipid si Billy na abala pa din sa pag-alaga sakanya...

Maya-maya lang ay may tumawag dito... Nang makita ni Billy kung sino ay humingi muna ito nang pasintabi kay Kaka at lumabas na ng veranda

'Hello Billy speaking'

'Malamang ikaw si Billy not unless may kinama ka na namang babae'

'Ssh! Vice bunganga mo nga, o anong satin?'

'Anong satin ka diyan? Nandyan na ba yung bruhilda?'

'Ay oo nandito na. Nagkapilay eh, tinulungan ko muna'

'Ha-ha-ha! Buti nga sakanya, karma nga naman- Teka ano? Tinulungan mo?! Bat mo tinulungan?' Nilayo naman ni Billy ang telepono sa lakas ng boses ng kausap niya sa linya

'Malamang kawang-gawa ano nganga lang ako samantalang kailangan niya ng tulong. Mag-isip ka nga brad'

'Tigilan mo ko sa brad brad na yan at di ako natutuwa sa pagtulong mo diyan sa bruhildang yan'

'Fine. Ano pang maipaglilingkod ko?'

'Yung listahan ng gagawin niya tinext ko na sayo. Make sure, she'll do all of those... ALONE'

'Osya sya... Teka, kamusta naman yung pinapagawa ko sayo?'

'Edi ayos na! Ikaw lang naman tong mabagal sating dalawa eh'

'Oo na Viceral. Sige na, babush!'

Sakto namang pagkababa ng telepono ay nakatingin si Kaka sakanya...

"Kanina ka pa diyan?" Agad namang umiling ang dalaga... Tinignan naman ni Billy ang paa nito at lumapit sabay luhod para i-check kung okay na ba

"Bat ka umalis sa puwesto mo kanina? Dapat nagpahinga ka muna" Agad namang nilayo ni Kaka ang kamay na nakahawak sa bandang paa niya at tumalon2

"Okay na ko no! Hehehe. Galing mong nurse e" Napatulala lang sandali si Billy sa ginawa ng dalaga.

He chuckled "Kung magaling ka na talaga, tara at ililibot na muna kita sa bahay" Tumango naman si Karylle...

Habang naglilibot sa mala-mansyong bahay ng di niya malaman kung sino ang may-ari ay naramdaman niya ang kalam ng kanyang sikmura na hindi nakaligtas sa pandinig ni Billy...

Lumingon ito sakanya "Hungry?" Ngiting aso naman ang ipinalit ni Karylle dito... Inaya naman siya nito sa dining area at doon niya nakita ang mala-gintong kasangkapan. Jeskelerd si Manny Pacquiao ba ang amo ko? Shockssssss!!! Yaman over!

Bumalik naman sa wisyo si Kaka nang marinig niya ang platong nilapag ni Billy... "Ah-eh thank you. Hehehe. Pwede malaman ano tong hinain mo sakin? Pasensya ka na ha, di kasi ako sanay sa mga sosyalin na pagkain mukhang mahal to ah!"

Napangiti naman si Billy sa pagkainosente ng kausap... "Actually mushroom lang yan, napasosysal lang ang garnishment."

"Ay ganon? Dami kasing ekek mushroom lang pala? Tara kain na tayo" Ni-walang gatol na kinamay ni Kaka ang pagkain sa mushroom at tila sarap na sarap ito dahil sinisimot pa nito ang natitira sakanyang daliri.

Samantalang si Billy ay napapatanga naman sa ginawa ni Kaka... Nahalata naman ito ni Kaka "Oh bakit? Kain na. Sarap ah! Baka maubusan ka sige"

Di napigilan ni Billy ang bibig "You didn't wash your hands first before you eat. Is that how you actually eat?" Di naman napansin ni Kaka ang pagka-sarcastic ng tono nito at bagkus ay nagtatango kay Billy na parang bata "Kapag gutom wala ng hugas-hugas! Di ka mamatay sa paminsan-minsang di paghuhad ng kamay no"

Billy just nodded repeatedly... Napapatanga siya sa inaasal ng babae, in a good way.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga naman sila sa sofa. Napansin ulit ni Karylle ang mga nakatakip na frames sa bawat sulok ng bahay.

"Ay pwede magtanong?"

"Sure. Wag lang tungkol sa private life ko"

"Wag ka mag-alala di ako interesado sayo. Hahahahahaha!" Muli na namang napatanga si Billy sa reaksyon ng dalaga. Napailing na lang ito sa isipan...

"Peace tayo! Hehehe. Anyway, ano yung itatanong ko... Tungkol dito sa frame, bakit lahat may cover na puti? Namat--"

"Shut. Don't ever say that again. He/she/it's not dead okay? Like what I've told you, this house is under renovation. That's the reason why"

Napatango naman si Kaka... Dumaan ang oras at napagpasyahan na nila na umuwi na...

"So is everything clear Kaka?"

"Yes sir--"

"Billy..."

"Ayun! Sir B! Hehehe"

"I really hope na maliwanag sayo ang lahat. Ayaw na ayaw pa naman nun ng palpak..." Napataas naman ng kilay si Kaka Kaya naman pa lang magtagalog kanina pa ko nosebleed...

"So meaning hindi po kayo amo ko?" Umiling lang si Billy bilang sagot...

"Pwede ko ho bang malaman kung sino amo ko?"

"As of now, NO. You'll know him/her/it at the right time. Ang asikasuhin mo muna ay yung mga dapat mong gawin dito sa bahay. Magsisimula ka na bukas 8:00"

"Ng umaga?"

"Baka. Kasi malamang wala ka ng magagawa kung 8:00 ka ng gabi magsisimula"

"Pilosopotasyo ikaw ba yan?"

"Huh? Who's that?"

"Wala ho. Famous Filipino artist po" He just nodded

"Alright. So see you when I see you Ms. Kaka"

"I'll see you when you see me Sr. B!"

"You'll see your boss when he wants to see you"

Makahulugan man ay pinabayaan na lang ito ni Kaka... Para sakanya ang mahalaga, MAY TRABAHO NA SIYA!!!

He's absolutely the hottest GAY in town!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon