A/N: nahihirapan na po ako sa Third person's POV hahaha ging try ko lang po talaga yun kung kaya ko kaya sorry po kung masyadong magulo hehe kaya POV muna ito ni EvaPs. Hindi po magkakaroon ng sariling POV si Angel. At ang POV po ay papalit palit hehe i think every two chapters iba iba o kaya Third person's POV
Yun lang lovelots♡ enjoy!
---------------------------------------------
Evalyn's POV
""Uhhh Angel? Bakit kanga pala nandito sa hospital?" tanong ko kay Angel
Malapit na din kami sa tapat ng hospital at nakatingin ako sa kanya. Kanina pa kasi kami magkausap pero hindi ko pa iyon natatanong sa kanya dahil lagi kong nakakalimutan
"Ah na------" naputol ang kanyang sasabihin ng biglang may tumawag sa akin
"Eva! Anak!" sigaw ng isang babae na tumatakbo papunta sa amin. Napatulala naman ako ng mapagtanto na si mama pala iyon
May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako dito. Nakangiting mukha ni Angel ang bumungad sa akin at unti unti ng naglalakad palayo
"See you Eva ,sana magkita pa ulit tayo" narinig kong sbai nito habang naglalakad at tinuon ko ng pansin ang babaeng nasa harapan ko na ngayon
"B-bakit po ma? Anong pong ginagawa niyo dito sa---" hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko dahil bigla niya akong niyakap. Napaluha naman ako bigla
"Sorry anak ,dapat hindi kita pinagsabihan nun ,nadala lang ako dahil inatake ang papa mo sa puso. Akala ko kung ano nang nagyari sayo kaya nandito ako sa labas.. sorry" sabi nito kaya niyakap ko din siya pabalik
"Tara na po ma ,sa taas nalang po tayo mag usap" nakangiti kong sabi kay mama at gumanti din siya ng ngiti. Sabay kaming pumunta sa kwarto ng papa dahil para kaming baliw na nagyayakap at nagiiyakan sa harap ng hospital
Habang naglalakad ay walang umiimik sa amin ni mama. Awkward ang silence sa pagitan natin kaya nagsalita ako
"Nataandaan mo pa ma yung araw na late ako umuwi?" umpisa ko at nakita ko siyang tumingin sa akin habang naglalakad padin
"Yun ang araw na....n-nagahasa ako" napaluha ako habang nagkwekwento "habang naglalakad pauwi may tumakip na panyo sa ilong ko ,nawalan ako ng malay nun at pagkagising ko nalang ay wala na akong saplot...hindi ko kilala ma ang tatay ng dinadala ko... ma sorry" napahinto ako sa paglalakad ng bigla niya akong niyakap
"B-bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" Sabi ni mama saka humiwalay ng yakap at tinitigan ako
"S-sorry ma ,baka kasi hindi niyo ako paniwalaan at baka atakihin si papa" sabi ko saka yumuko. Hinawakan naman ni mama ang dalawa kong pisnge
"Anak kita kaya paniniwalaan kita. Pero sana sakin mo muna sabihin... sana anak sabihin mo sa akin ang mga problema mo ha? Patawad anak" naiiyak na sabi ni mama kaya niyakap ko muli siya
Nagkaiyakan lang kami ni mama at buti walang taong dumadaan nung time na iyon. Nagkapatawaran na kami ni mama. Hindi ko na sinabi sa kanya na balak kong magpakamatay kanina dahil alam kong sisisihin niya ang sarili niya ,mas mabuting ako at si Angel lang ang nakakaalam
Pumasok na kami ni mama sa room ni papa. Naaubtan namin doon si Kuya na inaalalayang umupo sa higaan si papa. Napalingon naman sila sa amin ni mama
Bigla ako muling napaluha at dali daling tumakbo at niyakap si papa. Niyakap din iya ako at marahan na hinimas ang buhok ko
"Sorry pa *sniff* dahil sa akin muntikan mo ng lisanin ang mundo" sabi ko pero marahang umiling si papa saka ako hiniwalayan ng yakap
"Okey lang yun anak. Ano bang nangyari sayo? Bakit ka nabuntis? Wala ka pa namang nonyo diba?" nagaalalang tanong sa akin ni papa kaya napangiti ako ng konti
"N-narape po ako pa ,kuya" sabi ko habang tumingin kay kuya. Lumapit iyosa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kinuwneto ko sa kanila ang nangyari noong gabing iyon
"Hayaan na natin anak kung sino mang demonyo ang gumahasa sa iyo ,hindi kailangan ng apo ko ng ama na demonyo. Kapag nakalabas na ako ng ospital pupunta agad ako sa baranggay at itatanong kung may nahagip ba ang cctv na malapit lng doon sa pinagyarihan. Wag ka ng mag aalala anak ,nandito naman kami ng mama at kuya mo para alalayan ka" ngumiti si papa sa akin
"Sorry din bundo kung nasamaan kita ng tinggin kanina. Nabigla din ako sa pangyayari lalo na't inatake si papa. Basta po-protektahan kita sa mga huhusga sa iyo! Ako bahala dahil babangas---- joke lang pa hehe" bawi ni kuya dahil sinamaan siya ng tingin ni papa
Napatawa nalang kami ni mama sa kanila. I open my arms widely kaya napayingin sila sa aking lahat
"Family Hug!" sigaw ko at ngumiti muna sila bago lumapit kay papa para mag group hug. Hindi kasi siya makatayo dahil may nakasabit pa sa kanya kaya kami nalang ang lalapit
"Family Hug!" sabay na sigaw namin ng kami'y magkayakapan na
Masaya ako dahil tanggap ako ng pamilya ko. Akala ko hindi nila ako tatanggapin pa muli. Bakit ko ba kasi naisip ang magpakamatay? Augh! Tapos idadamay ko pa ang baby ko?
Paano kung hindi dumating si Angel? Edi kalat kalat na dugo ko? Napailing nalang ako sa kadiring naimagine ko
*sigh* *smile* pero atlis dumating siya. Nagpapasalamat ako sa diyos dahil para siyang binigay sa akin para magbago ang isip ko
Tama lahat ng sinabi ni Angel. Stay positive. Magtiwala lang sa diyos at may magagandang mangyayari sayo sa takdang panahon
Hindi din solusyon ang pagkakamatay. Hays andami kong natutunang aral ngayon dahil sa babaeng iyon
Napailing nalang ako saka tinanaw ang tanawin muli sa bintana ng hospital room ni papa. Binabantayan ko kasi siya dahil bumili ng makakain sina kuya at mama. Napatingin ako sa nagdidilim na kalangitan dahil puno ito ng butuin. Pumasok muli sa aking isipan si Angel kaya napangiti ako
Rafaela Angel... hulog ka talaga sa akin ng langit! Kailan kaya kitang makikita muli? Wala naman kasi siyang cellphone
"Yes naman syempre. Kaso wala akong phone eh ,pero ang tambayan ko sa school ay yung garden sa may gazebo. Sa labas naman ay itong cafe ,tuwing sabado at linggo ng hapon nandito ako"
Naalala ko ang sinabi niya kanina sa akin. Tama! Linggo bukas kaya siguradong nasa cafe siya dahil nalapit lng din naman ito sa school namin
Gusto ko siyang makausap muli. Gusto ko siyang gawing kaibigan at ninang ng anak ko hehe