Third Person's POV
Linggo ng hapon. Sa Forever Cafe. May isang babae ang nakaupo sa may gilid ng glass wall kaya kitang kita niya ang mga taong naglalakad sa labas. Inaabangan kasi nito ang babaeng gusto niyang makita muli
Mahigit isang oras na siya doon dahil simula palang ala una ay nandito na siya. Wala naman iyon sa kanya dahil andami niya ding nakaing chocolate cake
Hindi naman siya mahilig sa chocolate cake dati dahil hate na hate niya ito dahil masyadong matamis pero hindi niya alam kung bakit parang bumaliktad ang sikmura niya. Nakatatlong platito na nga siya
Nahihiya na din siya dahil kanina pa pabalik balik yug waitress sa kanya. Kaso hindi niya talaga mapigilan dahil para bang mamamatay siya kung hindi siya makakain ng chocolate cake. Tubig lang din ang inumin nito pero nakakalimang baso na siya
Kulang nalang bigyan siya ng pitsel ng mga taga serve doon at isang buong cake para hindi na sila pabalik balik
Hindi din naman siya nabobored sa kakahintay dahil nagbabasa siya ng wattpad book na nabili niya kanina. Paborito kasi nito ang magbasa at hindi niya naman alam kung anong oras dadating ang kaibigan na kahapon niya lang nakita ay bumili na siya
Mas maganda nang maaga dahilkapag pumunta siya ng alas kwatro ay baka wala na siay dito dahil alas dos pala siya pumupunta
O diba? Para kasi sa kanya mas maganda ang maaga kaysa sa late!
Sa huling subo niya ay biglang tumunog ang bell sa may pintuan ng cafe. Udyat uto na may bagong pasok na tao
Napatigin siya dito at bigla siyang ngumiti ng malaki at tinawag ang kaibigan na napatingin din sa kanya
"Angeeeeeeeel!~" sabi nito. Hindi naman siya sumigaw dahil malapit lng din naman ang pwesto niya sa pintuan ng cafe
Ngumiti pabalik sa kanya si Angel saka pumunta sa table niya at naki-upo
"Hello Eva! Hehe buti naman at natandaan mo sinabi ko kung saan mo ako makikita" ngumiti si Angel sa kanya
"Syempre naman noh! Kaso nga lng hindi ko alam kung anong oras ka pumupunta dito" nakanguso na nitong sabi at napatawa naman ang kaibigang nasa harap
"Sorry ,tuwing 4pm ako nandito pero napaaga ako ngayon dahil baka naalala mo sinabi ko at baka maaga kang pumunta ,pero hindi ko inaasahan na mas maaga ka palang pumunta" nakangiti padin ito habang nagpapaliwanag
Napaisip siya. Bakit parang ang saya saya ng kaibigan? Lagi itong nakangiti na para bang walang problema na hinaharap
"Hehe okey lng naman! Natakam din kas---what's your order ma'am?" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Eva dahil biglang nagsalita ang isa sa mga crew ng Forever Cafe
"Hmmm 2 chocolate cake sa akin and walter nalang. Ikaw Eva?" napatingin si Angel at ang crew kay Eva para kuhain ang order nito
"2 chocolate cake din hehe at tubig" sabi nito at palihim na napangiwi ang waitress. Alam kasi nito na kanina pa siya kain ng kain dahil ito ang laging kumukuha ng order ni Eva
"S-sige po ma'am ,hintay nalang po ng ilang minutes hehe" sabi nito sabay alis
Napabaling naman ang atensyon ni Angel kay Eva saka ito ngumiti ng malaki habang ang mata ay kumikinang
"Akala ko ayaw mo sa chocolate cake?" ngiting ngiti nitong tanong kay Eva. Nakwento kasi ng babae na ayaw nito sa chocolate cake dahil masyadong matamis
Namula naman siya saka tumungo. Kahit siya ay hindi alam kung bakit gusto niya ng chocolate cake
"H-hindi ko alam" sabi nitosabay iwas ng tingin. Napatawa naman ng mahina si Angel saka naisip na buntis nga pala ito
"Hindi kaya naglilihi ka sa chocolate cake?" sabi ng magandang dalagita at napatingala sa kanya ang kausap
"Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yun *sigh* nako baby! Bakit chocolate cake ang gusto mo? Baka nakakasama iyon sa iyo" sabi ni habang nakatingin at hinihimas ang maliit pa niyang tiyan
"Hmm baka nga nakakasama yun Eva ,sorry wala kasi akong alam sa mga nagdadalang tao eh hehe wala tuloy akong masabi" nakanguso ito at napatawa naman si Eva
"Haha okey lang yun! Baka nga mag mana ang baby ko sa iyp na mahilig sa chocolate cake" tawa nito at napatawa din sa Angel
Masaya silang nag uusap hanggang sa dumating na order nila. Kahit kumakain ay patuloy parin silang nag uusap. Hindi sila nauubisan ng topic na animo'y matagal ng magkaibigan
"Nga pala Ev... papasok ka ba bukas?" Nakangiting tanong sa kanya ni Angel
"Siguro papasok pa haggang sa maliit pa tiyan ko" sabi nito saka ngumiti kay Angel "tsaka 3 months nalang ay tapos na akong maging 3rd year college. Tapos itutuloy ko nalang pag-aaral ko kapag nailabas ko na si baby"
"Hala sino naman magbabantay?"
"Edi sina mama muna para na din makasama nila apo nila. Para din naman kasi ito sa kanya kaya siguro maiintindihan ni baby"
Usap lang ng usap ang dalawang babae hanggang sa tumunog ang cellphone ni Eva sa lapag ng table. Ibig sabihin nito ay may chat sa messenger kaya agad niyang binuksan ang cellphone
Pagkakita niya sa chat head ay bigla siyang napasimangot dahil chat lang pala sa gc nilang magka-block mates. Ic-close na sana niya ito ng tumunog ito ng sunod sunod at lumabas ang..
Jerald the pogi send a photo
Jerald the pogi send a photo
Jerald the pogi: free nxdes dude HAHAHAHA
Alyanaganda: yuck kadiri!
Cute na poging Vincent: nice dude!
Dahil na-curious si Eva sa nakita at nabasa niya sa chat head ay agad agad niya itong binuksan at tingnan ang mga chat ng kanyang ka-block. Nag-scroll up muna siya para maintindihan ang usapan
Mariposa: eww si Viana bayan?
Chelsea the great: omg! Hnd ko alam na ganyan pala siya? I thought she's inosente pa naman
Share mo lang?: kadiri naman niyan dude! Hahaha turn off!
Ml is layf: mag ano na ang mabogli dyan HAHHAHA taena nyu!
I love you sheena: idol! HAHAHA
Wattpad is lifeu: kalat na din padin sa fb? Gosh! Hnd ako makapaniwala na taga school natin siya! Isa siyang kahihiyan!
Asawa ko si Maxrill!: weh??? Grabeeeee naman kapag ako yan hnd na ako papasok bukas
Binuksan naman ni Eva ang dalawang picture na sinend ni Jerald at napangiwi siya sa kanyang nakita. Isa itong litrato ng babaeng nakabukaka at walang saplot sa buong katawan kaya kita ang kanyang mga pribado na parte. Pero bakas sa mukha nito na napipilitan kaso hindi iyon napapansin ng iba dahil sa litratong nakahubo sila nakatuon ng pansin
At dahil nasabi ng isa niyang ka-block na kalat ito sa fb ay agad siyang nagopen at tsma nga. Dahil kalat na kalat na ito at madaming comment na ang landi ng babae ,pokpok ,walang pinag-aralan at madami pang iba
Pero ang nakakagulat pa ay kilala niya ang babaeng ito. Si Viana Axy Ramos. Grade 11 lang ito at parehas sila ng eskwelahang pinapasukan ng dalaga